Alex POV Dahan dahan akong bumaba. Bago ako makarating sa kusina ay nadaan ko muna yung kwarto ni granny. Natutulog si granny tapos na kasi siyang manuod ng probinsyano. Kahit magising pa siya ay papayagan niya akong pumunta ng sayawan. Patay na rin ang ilaw sa sala. Ang nakabukas lang ay yung lampshade malapit sa may tv. Ilang hakbang na lang at malapit na ako sa kusina. Sila Yaya Fely at ang mga katulong ay nasa kabilang bahay kaya alam kong safe na ako pag nasa kusina na ako. Rinig ko rin ang kwentuhan ng mga security guard na nasa labas. Kwentuhan na puro babae ang topic. "Isang hakbang nalang Alex," sabi ko habang papalapit sa pinto ng kusina. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa pinto na ko. Medyo may liwanag sa kusina dahil sa dim light na nasa labas ng pinto.