Rence POV Pagkatapos naming magpaalam kila Nay Tasing at Carding ay sumakay na kami ni Alex ng kabayo. Tinahak ulit namin yung daan medyo malayo din pala ang pauwi kahit natatanaw ko ang mansyon. Dumaan kami sa ilog kung saan kame kumain kanina, short cut siguro para mabilis na makauwi agad. Ang lakas ng agos ng tubig, habang tumatawid ay maingat kong pinahahakbang ang kabayo. Si alex naman ay mabilis na nakatawid. Sanay na siyang dumaan sa ilog. "Ang bagal mo tumawid! Ang babaw lang ng tubig oh!" sigaw niya. "Teka lang naman lumalakas yung agos ohh!" sabi ko nag-uumpisa na din akong kabahan dahil yung tubig parang biglang tumaas, umabot na sa paa ko. Yung kabayo ko parang nag-uumpisa na ding mataranta. Nahinto ito sa paghakbang saktong nasa gitna na din kami ng ilo