Rence POV Napatingin na lang ako sa langit dahil bumuhos na ang malakas na ulan. "Tulungan mo akong isilong itong dalawang kabayo" sabi ni alex habang papalapit sa mga kabayo. Wala siyang pakialam kung mabasa man siya. Lumapit na din ako sa kanya. Kinuha ko ang kabayo ko at pinasilong muna sa puno kung saan ako nakaupo kanina. Ganun din ang ginawa ni Alex. Pagkatapos naming itali yung dalawang kabayo ay bigla siyang tumayo sa gitna. Nagpaulan siya. "Na miss ko ito ang maligo sa ulan" nakangiting sabi niya. Parang lumiwanag ang paligid ko kahit makulimlim, nakita ko ulit ang nakangiting mukha ni Alex. Umikot ikot siya na para bang bata. Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan, kaya basang basa ang buong katawan niya pati buhok niya. Habang sinus