Rence POV Pagpasok ko sa kwarto ay bigla akong nakaramdam ng ginaw. Nanlalabo din ang mata ko. Napahawak ako sa noo ko mainit. Mukang magkakasakit ako dahil sa ulan. Kumuha ako ng damit at tumuloy sa banyo para mag shower. Pinihit ko ang faucet sa warm mode para hindi ako masyadong ginawin habang naliligo. Paglabas ng banyo ay kinuha ko agad yung medicine kit. Kumuha ako ng gamot at nilunok ko agad kahit walang tubig. Ayaw kong magkasakit habang nag i-stay kila alex. Gusto kong sulitin ang mga araw na kasama siya. Kahit puro katarayan at kasungitan ang pinapakita niya ay pakiramdam ko mas lalo akong napapalapit sa kanya. Humiga muna ako sa kama. Napatitig ako sa kisame ilang saglit lang ay parang lumitaw doon ang mukha ni alex na nakangiti. Yung ngiti niya habang n