Fix him “HINDI ka niya pwedeng pakasalan,” matigas ang boses na saad ni Nitrogen na bumaba ang tingin sa magkasalikop na kamay namin ni Arvie. Tinangka kong hilahin ‘yon ngunit hinigpitan ni Arvie ang pagkakakapit doon sa paraang mababali ang mga daliri ko kung pilit kong hihilahin iyon. “Why is that, Mr. De Jesus? Sa pagkakaalam ko hindi pa naman siya kasal sa ‘yo at hindi ako kasal. I don’t see anything wrong kung magpapakasal kami.” “Maraming mali sa pinaplano mo! Hindi ka mahal ni Alana at malabong mahal mo din siya. Stop punishing and manipulating my woman!” Pagak na tumawa si Arvie. “My woman? Stop using that term to the mother of my child. She’s not yours, De Jesus. Starting today, she’s mine,” walang kaemo-emosyong turan ni Arvie na hinila ako paalis. “I’m sorry, I take it bac