The Call Pinakatitigan ko ang numero ni Nitrogen iniisip kung dapat ko pa ba siyang tawagan matapos ang mga narinig kong sinabi ni Arvie sa kanya. Tangkang pipindutin na ang call button nang mapapitlag ako sa pumasok na tawag. Papa? Tumikhim ako at nagmamadaling sinagot iyon nakaramdam ng tuwa dahil ito ang unang beses na tinawagan niya ako makalipas ang walong taon mula nang umalis ako sa poder niya. “Papa?” Isang malalim na buntonghininga ang narinig ko sa kabilang linya kasunod nang nakabibinging katahimikan. “Pa–” “Pinagpipiyestahan ka ng mga tao dito, alam mo ba ‘yon?” “P-po?” “Nagpakasal ka daw diyan sa Maynila. Ipinakalat ng anak ni Merly na siya pa ang witness sa kasal mo kay… Arvie Sy, ang anak ni Don Miguel. Totoo ba talaga ‘yon?” Napalunok ako at tumango kahit hind