Mess “HERE…” pag-abot sa akin ni Calix ng isang tshirt. Napatingin ako sa kanya saglit bago dahan-dahang tinanggap iyon. “Idoble mo sa suot mo since basang-basa ka,” umiiwas ang tingin niyang saad at natanto kong dahil iyon sa bra kong bakat na bakat sa suot kong dress. “S-salamat,” pumiyok ko pang tugon dahil sa labis na panginginig ng katawan ko dahil sa lamig. “Mang Cosme, pakihinaan ang aircon.” Nang maisuot ko ang t-shirt na ibinigay niya ay nahihiya akong napayuko dahil sa pagkakalat ko ng basa sa kotse niya. Malaki iyon na umabot hanggang sa tuhod ko. “P-pasensya ka na, nabasa ko pa tuloy ‘tong kotse mo.” “It’s okay, here,” aniya at may ipinatong na panyo sa hita ko. “Wala akong towel, use that para mapunasan mo kahit ang sarili mo. Nilalamig ka pa din ba?” Kinuha ko ang