-TRAVIS P.O.V- Namamangha ako sa bahay na kinalalagyan namin ngayon,hindi ko akalain na sa yaman ni Taz sa dami ng perang pumapasok sa Bank account nya sa araw-araw na maraming nag iinvest sa kanya,hindi ko akalain ganito lang kasimple ang bahay ng is Multi-billionaire na si Taz Westaria. Nililibot ko lang ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nya,ito kasi ang una naming pagtuntong sa bahay nya eh kaya nakaka star struck talaga.Sa paglilibot ng paningin ko ay napadako ang mga mata ko kay Taz na nakasandal lang malapit sa may bintana habang nakatitig dun sa babaeng niligtas nya kanina.Yung babae na yun ay ginagamot nung babaeng kilala ni Ford. Nakaka curious ang mga pangyayari kanina,Kung ako ang tatanungin hindi na mapaglagyan ng tanong ang utak ko dahil sa dami ng nasaksihan ko kanina,it