-BALANCE P.O.V- Wala ako masyadong tulog,ikaw ba naman ay may kasamang ang lakas humilik sa gabi kulang na nga lang pasakan ko ng busal ang bibig.Tss!Damn Lancellot next time i will never ever sleep in one room again with this noisy man.Inayos ko na ang sarili ko bago lumabas sa kwarto namin,Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ni Taz,i think he's still asleep. Hindi ko akalain na darating ang araw na magmamahal ang lalaking ito.Mukhang dapat na akong maniwala na makapangyarihan ang pag ibig dahil ang matigas na bato ay napalambot ng isang babae.Isa lang ang gusto ko malaman at malalaman ko din yun. Nawala lang ako sa iniisip ko ng makarinig ako ng dalawang taong mukhang nag uusap sa kusina kaya naglakad ako papunta doon ng makita ko sina Gail at ang kaibigan nitong si Sora na nagluluto.