CHAPTER 1
AGE EIGHTEEN
HADES LYANDER CASTILLANOS
"Kumusta?" tanong sa kanya ng kaibigang si Ash na halatang hindi naman talaga concern sa kanya at nang-aasar lang. Hindi niya alam kung saan nabalitaan ng mga ito ang nangyaring pagtatalo nila ng kanyang ama, ang alam niya lang ay siya na ang ginagawang pulutan ng mga ito sa kanilang gc.
"f**k off," he replied with a straight face before finishing his beer in one go.
"Another?" Damian said handling him another bottle of beer.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni tito? Ang sabi ni papa tinakwil mo raw si Tito Leon bilang ama? So, you're not a Romanov anymore, huh?" nakangising tanong ng pinsan niyang si Poseidon pagkatapos lumagok ng alak. Don's father and his father—Leon—are siblings, you can tell by their names, Zeus, Poseidon and him—Hades.
"He will marry a gold digger," simpleng sagot niya na parang hindi niya na naman inalipusta ang bagong babae ng kanyang ama.
"You have to meet the woman, Hades. She's great," pagtatanggol ng pinsan niyang si Zeus kay Divina kaya naman nakatanggap ito ng matalim na tingin mula sa kanya.
"Woah, woah, woah, I'm just saying," agad na depensa nito na itinaas pa ang dalawang kamay.
"Shut it, Zeus. Say that when your dad replaces your mom with someone new. Ewan ko na lang kung masabi mo pa 'yan," Blaze said choosing his side.
"Thank you, B," pasasalamat niya sa kaibigan bago nakipag-toast dito.
"f**k," he whispered before laying his head on the sofa and closing his eyes. He loves the freedom he is experiencing and he will experience, but what would his mother say if she is alive? Will she be mad at him because of what he did to Leon?
"Bakit malungkot ang beshy ko?" tanong ng kakapasok lang na si Argon na tumambling pa talaga gaya ng sikat at kumakalat na meme ngayon sa social media. Malakas na hagalpakan naman ang sinagot ng kanyang mga kaibigan sa ginawa nito kaya't nagmulat siya ng mata at nag-angat ng ulo. Kasunod ni Argon ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Phyro at Kai. Tumayo ang kaibigan niyang si Ash at tumabling din habang sinasagot ang tanong ni Argon, "Kasi warla sila ng pudra niya."
"Tangina niyong dalawa," wika ni Blaze sa pagitan ng pagtawa habang hawak-hawak pa ang tiyan. Ang iba niya namang kaibigan ay literal na gumugulong na sa sahig dahil sa pagtawa. These two are the best when it comes to lightening up the mood.
"Tangina, hindi ko alam na dalawa na pala sa mga kaibigan na'tin ang beshy," wika naman ni Zeus na tawang-tawa rin sa ginawa ng dalawang kulugo.
"Umamin na kayo baka naiinlove na kayo sa isa sa'min," dagdag naman ni Phyro sa pang-aasar sa dalawa.
"Tangina niyo wala pa nga kayo sa kalingkingan ng kagwapuhan ko ta's magkakagusto pa sa isa sa inyo? Dream the f**k on," depensa naman ni Argon saka dumampot ng alak at parang uhaw na uhaw na ininom iyon. Muli ay malakas na hagalpakan ang pumuno sa silid. Maaga pa ang gabi kaya't alam niyang magyaya ang mga ito sa bar ni Kai maya-maya rin lamang, so Hades decided to exit the scene. Wala siya sa mood upang samahan ang mga ito na maghanap at kumama ng mga babae.
"Where are you going, bud?" tanong ni Ash nang tumayo siya at ilapag ang hawak na bote sa coffee table. Ubos na ang laman niyon, he already had enough alcohol for the night at wala siyang balak na magpakalasing ngayong gabi dahil sa kanyang ina siya matutulog. Lahat ng mga mata ay napunta sa kanya at nag-aantay ng sagot.
"Home," maikling sagot niya saka tumalikod na sa mga ito at nagsimulang maglakad palabas. Alam na ng mga ito kung saan siya pupunta kaya wala na siyang narinig pang pagtutol at pagpigil sa kanyang pag-alis. Narinig niya pa ang pahabol ng mga ito bago siya tuluyang makalabas ng unit, "Say hi to tita for us and say that we miss her." Hades smiled to himself bitterly, he also miss his mom. He misses her everyday and it hurts that he cannot see her nor visit her, he silently wished that there were visiting hours in heaven but he knows there is none. Saktong bumukas ang elevator nang nasa tapat na siya niyon, nagtama ang mata nila ng babaeng nasa loob niyon at matamis siya nitong nginitian. Hindi ngiting mapang-akit na lagi niyang natatanggap sa mga kababaihan kundi ngiti ng isang ina. Parang matagal na siyang kilala ng babae kung makangiti ito sa kanya, hindi pa naman ito masyadong matanda siguro ay mga nasa early thirtees pa lang ito at mukhang wala pang anak kaya't nahihiwagaan siya sa ngiting ibinibigay nito sa kanya. Saglit pa siyang nakipagtitigan sa babae habang nakakunot ang noo bago siya tuluyang pumasok at talikuran ito.
Hades clicked the ground floor button kung saan naroon ang private parking lot ni Zeus. He looked at his watch to check the time and it was just 7 in the evening. Sakto, he will just order from the drive thru then go straight to his mom's museleo. Hades fished his phone from his pocket to make a call, tatawagan niya si Nana Felicia—ang kanyang yaya—upang sabihan ito na hindi siya makakauwi. Nana Felicia is like a second mother to him and he doesn't want to worry her. He was busy dialling her number when he heard the lady behind her getting his attention, "Excuse me?"
"What?" he asked coldly without taking his eyes away from his phone.
"You just look familiar, I think I've seen you before. Are you related to Leon Romanov?" tanong nito. With the mention of his dad's, no, Leon's name, Hades was stunned, but he concealed it by ending the call and putting back his phone inside his pocket. Bakit nito kilala ang ama niya? At bakit sinasabi nitong pamilyar siya gayong unang beses niya pa lang itong nakita. He never met this woman in his entire existence.
"No," maikling sagot niya dahil totoo naman. Simula kanina ay pinutol niya na ang anumang ugnayan nila ng ama, he is not his son anymore.
"Oh, sorry, I must have mistaken you as his son, kamukhang-kamukha mo kasi ang batang 'yon," tila nahihiyang sambit nito before stepping back giving back the distance between them earlier. Again, Hades was stunned by her words pero pinagmasdan niya na lang ang itsura nito sa pamamagitan ng repleksyon nakikita niya sa pinto ng elevator, who the heck is this woman and what the f**k does she mean? Tila kilalang-kilala kasi nito ang kanyang ama at kilala rin siya nito. Hindi kaya ito ang...
"Ding!" The elevator stopped and opened at the second floor.
"This is my floor. Thank you and again, I'm so sorry," the woman said before exiting the elevator. Mabilis na pinindot ni Hades ang close button saka muling dinukot sa bulsa ang kanyang cellphone. He dialled Xenon's number—his private investigator friend—and after a few rings he picked up,
"Yow!" Xenon greeted from the other line, but he's not up for it nor kumustahan.
"Divina Dela Cruz, I want her file on my desk tomorrow," diretsong wika niya dahil 'yun naman talaga ang totoong dahilan kung bakit niya ito tinawagan.
"I see, no more greetings, huh? Nagtatampo ako," hindi makapaniwalang sambit nito na kunwari'y nasasaktan.
"f**k off," he replied na tinawanan lang ng kaibigan.
"Okay, on it," sambit nito bago patayin ang tawag. He immediately made a transfer to Xenon's bank account, alam niya kasing kahit ganoon ang sinabi nito bago ibaba ang tawag ay hindi pa ito kikilos hangga't wala pang perang magpapagalaw dito. Xenon is a freaking cheapskate—thrifty in his words—at hindi ito mauutakan ninuman pagdating sa pera. Ang gagawin niya na lang ngayon ay magpalipas ng gabi at maghintay, let's see what Divina looks like and what dirty laundry she is hiding.