PROLOGUE
PROLOGUE
AGE EIGHTEEN
*HADES*
"Kamamatay pa lang ni mama tapos ito ang malalaman ko?" hindi alam ni Hades kung ano ang mararamdaman. Magkahalong lungkot, galit at sakit ang nararamdaman niya. Lungkot at sakit dahil sariwa pa rin sa kanya ang pagkawala ng ina kahit ilang buwan na ang nakararaan at galit para sa amang nakahanap kaagad ng ipapalit at masaklap pa roon ay siya pa ang huling makaaalam. He immediately stormed into his office after hearing some of the employees talking about his dad and his new lover. Pinupulutan na ng chismis sa opisina ang kanyang ama at siya ang pinakahuling nakaalam.
"Lyander, Divina is a great woman. You just have to know her," paliwanag nito sa mababang tinig. Kalmado kahit na halata sa kanya ang labis na galit at inis sa mga oras na iyon.
"Bullshit! If she's that great then you will not keep it from me. Ako pa ang huling nakaalam and what's worst ay nalaman ko pa sa empleyado. You're a fxking gossip here. If I fxcking know, she's a gold-digging woman. Your money, that all she wants and you fxcking believe that she loves you? Come on, dad," litanya niya sa ama na punong-puno ng galit ang tinig.
Nag-iba ang itsura nito saka tumayo sa swivel chair at sinigawan siya, "Lyander! Wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan. Hindi mo pa siya kilala!"
"I have because I'm your son. I am my mother's son. Hindi mo man lang ba naisip si mama? Minahal mo ba talaga si mama? Or masaya ka dahil maaga siyang nawala para kung sinong babae lang ang pulutin at bihisan mo?" tanong niya.
"I loved your mom, Lyander," sagot nito sa malungkot na tinig.
"Ha, you loved her yet you're doing this. This is bullshit. Hindi mo maasahang matatanggap ko si Divina. She's a gold-digging, bitch." His words are spiteful and he will not take it back even if his dad wants to. Hindi niya matatanggap si Divina bilang bago niyang ina. Hinding-hindi.
"Lyander!" muli ay saway ng kanyang ama ngunit hindi siya nagpasindak dito bagkus ay tinalikuran niya ito.
"Lyander! Lyander! Lyander! You cannot leave this room until I say so! Hindi pa tayo tapos mag-usap, babawiin mo lahat ng sinabi mo tungkol kay Divina and you will mean it. I am your father and you will obey what I said!" galit at pasigaw na sambit ng kanyang ama. Napahinto siya sa paglakad papalabas ng opisina nito saka hinarap ito. He smirked to himself. They had an argument, and knowing himself, hindi siya magpapatalo kahit sa mismong tatay niya pa. Nobody gets on his way. NOBODY. What he said is final.
"Not anymore," he answered coldly and just enough for his father to hear.
"What did you say?!" muli ay galit na tanong nito kaya't hinarap niya na ang sariling ama. Hades smiled at his father devilishly, nakita niya ang gulat sa mga mata nito. Madalas silang mag away ng kanyang ama simula ng mamatay ang kanyang ina at ngayon niya lang ito nakuhang sagutin at ngitian ng ganoon kaya't talagang magugulat ito. He loothes his father to the core, halos ilang buwan pa lang kasing patay ang kanyang ina noon ay nakakuha na kaagad ito ng bagong babaeng ipapalit. His mom doesn't deserve that. She deserves better than his father, it's just a shame na siya ang bunga ng kanyang ama.
"I said, you are not my father anymore and I will not carry your fxcking name from now on. I will use mama's name because that's what I fxcking want ever since she passed away," sagot niya rito saka ngumisi nang makita ang mas lalong nanggagalaiti nitong mukha.
"You can't do that! You're nothing without me and my money. You need all the luxury in the world. Hindi mo kayang mabuhay nang walang karangyaan. I doubt if you will ever survive," nanunuyang wika nito ngunit halata niya pa rin ang galit sa tinig ng ama. Hades' fists turned into a ball. This old man really knows nothing about him.
"Am I?" he quickly answered, mocking his father once again.
"Bakit, may ipinagmamalaki ka na ba?" muli ay tanong nito.
He chuckled lightly before answering, "You don't know me, do you? Kahit kailan ay hindi mo naman ako kinilala. You never tried, father."
Nakita niyang gumalaw ang labi nito ngunit walang mga salitang lumabas sa bibig ng kanyang ama. His father never really tried to know him, to make a connection with him, to bond with him. Simula nang mamulatan niya ito bilang ama hanggang sa mamatay ang kanyang ina ay puro trabaho lang ang inintindi nito kaya't hindi niya matanggap na sa halod ilang buwan pa lang na nakakalipas simula nang mawala ang kanyang ina ay may ipinalit na ito kaagad.
"That is the last time you will hear me call you that. Forget you have a son and I'll forget I have a father like you," dugtong niya ng hindi ito magsalita. Dire-diretso na siyang lumabas sa opisina nito. He can do whatever he wants, he is now a free man and from now on nobody will get on his way.
MAYUMI
"Tiyang, baka naman po pwede pa kong makitira sa inyo kahit na ilang linggo lang o kahit hanggang sa makahanap lang ako ng trabaho. Hindi ko naman po alam 'yung sinasabi niyo, wala po akong ginagawang masama," nagmamakaawang sambit ni Mayumi sa kanyang tiyahin habang inilalagay sa bag ang mga hinahagis nitong damit niya palabas ng bahay. Malayong kamag-anak ito ng kanyang mga magulang na kumupkop sa kanya sa loob ng halos dalawang taon. Galit na galit itong pumasok sa sariling bahay at agad na sinabunutan siya at kinaladkad palabas.
"Malandi ka! Nilalandi mo ang asawa ko kaya umalis ka! Kagaya ka ng nanay mong malandi! Nagpabuntis tapos hindi naman pala kaya kaya iniwan ka! Malandi ka!" galit na sigaw nito kaya't nakatawag na ito ng atensyon sa kanilang mga kapitbahay na ngayon ay nakikiusyoso na sa nangyayari habang nagbubulong-bulungan.
"Tiyang, hindi po totoo 'yan. Wala po akong ginagawang masama, hindi ko po alam ang sinasabi niyo," sambit niya sa pagitan ng mga hikbi. Wala talaga siyang alam sa mga sinasabi nito at hindi, as in HINDI niya magagawang gawin kung ano man ang binibintang nito. Hindi siya ganoong tao, kahit pa nga minsan ay hindi na siya komportable sa paligid ng kanyang tiyuhin—ang asawa nito— dahil kung minsan ay hinahawakan siya nito na hindi niya nagugustuhan ngunit kahit kailan ay hindi naman siya nagreklamo, hindi siya nagsumbong, nanatiling nakatikom ang kanyang bibig dahil kung aangal siya ay alam niyang wala siyang masisilungan kinabukasan. Pero ito na nga, pinapalayas siya ngayon ng kinikilala niyang pamilya. Na naman. Sa loob ng labing-walong taon, palipat-lipat si Mayumi, sa mga bahay ampunan at sa mga kamag-anak na hindi naman siya tinuring na isa. Para siyang isang bagay na pinagpapasa-pasahan pero walang gustong tumanggap.
"Anong hindi totoo? Sinabi sa'kin ng Tiyo mo ang lahat! Nilalandi mo siya! Lumalapit ka sa kanya at kung ano-ano ang ginagawa mo! Napakalandi mo! Manang-mana ka sa nanay mo kaya hindi na ko magtataka kung mabubuntis ka rin nang maaga. Iyan ang dapat sayo, ang palayasin!"
Mayumi didn't really know her mother, she only knows her name but she can't say it without shedding a tear. Namulat siyang walang ina at walang ama, kahit lolo at lola ay wala siya. All she knows is that her mother is a teenage mom, iniwan siya nito pagkapanganak dahil hindi ito pinanindigan ng kanyang ama. Kaya't hindi niya ito maipagtanggol dahil wala naman siyang alam tungkol dito. Paano mo ipagtatanggol ang isang taong tinalikuran at kinalimutan ka at parang basurang itinapon lang sa kalsada?
"Tiyang, parang awa niyo na. Wala po akong ibang kakilala, wala po ni isa. Tiyang, please, wag niyo po akong palayasin wala po akong tutuluyan. Please po kahit hanggang sa makahanap lang ako ng trabaho at matutuluyan," Mayumi cried her heart out. Saan siya pupulutin pagkatapos nito? Wala siyang kakilala na malalapitan dahil hindi naman siya madalas lumabas ng bahay sa nakalipas na dalawang taon. She didn't make any friends dahil pinagbabawalan din siya ng kanyang tiyahin. Ngunit parang walang naririnig ang kanyang tiyahin na malakas pang ibinato sa kanya ang natitira niyang mga gamit bago siya malakas na pagsarhan ng pinto. Awang-awa si Mayumi sa sarili ngunit walang magagawa ang awa sa mga oras na 'yun. Tumingin siya sa paligid at napakaraming pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya at mga bibig na nagbubulungan sa isa't isa. Mayumi wiped her tears before putting the last of her clothes inside her bag. She took a deep breath before standing. From now on, hindi na dapat siya maging mahina, hindi na dapat siya maging sunod-sunuran at hindi na dapat siya pumayag na kawawain. She is Mayumi Dela Cruz and she will not let anyone stepped on her again. Sinalubong niya ng tingin ang kanilang mga kapitbahay na nakatayo pa rin doon kahit na tapos na ang palabas.
"Oh? Bat nakatayo pa rin kayo dyan? Tapos na 'yung show, hindi pa ba kayo uuwi? Pakilagay na lang dito 'yung mga sampung piso niyo tutal nag-enjoy naman kayo kaya deserve niyong magbayad," mataray na sambit niya sa mga chismosa saka padabog na ipinatong sa pasamano ang isang plastic jar.
"Ilagay niyo riyan, ah? Baka umabot 'yung ibabayad niyo sa pagkupkop sa'kin nila Tiyang," patuloy niya nang wala pa rin kumikilos sa mga ito at gulat na nakatingin lang sa kanya.
"Hoy! Gising! Maglagay na kayo!" malakas na wika niya na ikinagulat ng mga ito bago isa-isa at nagmamadaling dumukot ng sampung pisong barya sa mga bulsa.
Tinalikuran na ni Mayumi ang mga ito at nagsimula nang maglakad paalis sa lugar na 'yun, hindi niya alam kung saan siya pupunta basta naglakad lang siya nang naglakad at kung saan aa dadalhin ng kanyang mga paa at pagod ay dun na siya hihinto aat magpapalipas ng gabi. Mayumi stopped in front of a beautiful museleo. Hindi niya alam na nakarating na pala siya sa loob ng isang pribadong sementeryo. Pagod na ang kanyang mga paa at hindi na niya kayang humakbang kahit na isang beses pa kaya't pumasok siya sa loob— na himalang hindi naka-lock— at naupo siya sa tapat ng puntod na naroon na para bang kakilala niya ito. Napakaraming bulaklak ang nakapaligid sa puntod kaya't malinaw kay Mayumi na mabait itong tao at marami ang nagmamahal dito. The museleo is enormous and well-designed na para bang pwede itong tirahan ng isang tao. On the right corner there is a door which she's sure is a room. Hindi nalalayo sa puntod ay ang parang mini sala kung saan siguro tinatanggap ang mga dumadalaw sa taong yumao. Ang bubong nito ay transparent kaya't kitang-kita ang kalangitan.
"Almira Castillanos Romanov," basa niya sa pangalang nakasulat sa puntod.
"Hi, Mam Almira, dito na muna po ako sa tabi niyo, ha? Kung okay lang po, wala po kasi akong matutuluyan," pagkausap niya rito na para bang nasa harap niya ito. Umihip ang malamig na hangin kaya't nayakap niya ang sarili. Ito marahil ang sagot ng babaeng nagmamay-ari ng puntod.
"Maraming salamat po," wika niya saka tumingala sa papalubog nang araw.
"Kaya mo 'to, Mayumi. Ikaw pa ba? Kayang-kaya mo 'to. Fighting!" wika niya sa sarili upang palakasin ang loob ngunit sa kabila niyon ay unti-unti na namang bumagsak ang kanyang mga luha.