Chapter 2

1288 Words
GRABE din makapuri ang bwiset na 'to. Makapanglait din, wagas! Natural, nakaayos ako sa mga commercial shoot para mabenta sa tao. But if it's just me -- mas gusto ko pang magsuot ng lumang pantalon na maong, sneakers at puting tshirt. Medyo malaki lang ang tshirt na suot ko ngayon kasi ito lang ang nahagip ko kanina. Plus wala akong make up ngayon, mas gusto ko naman ang ganito -- pakiramdam ko nakahinga ang mukha ko. "Sino nga pala ang pupuntahan mo sa Puerto?" "Ah, wala. Namamasyal lang," wala sa sariling sagot ko sa kanya. "Okay. Magaganda nga ang beach dito," uminom s'ya ng tubig. Lumiwanag ang paningin ko ng malamnan ng pagkain ang t'yan ko. Kahit magkabangayan kami kanina sa washroom, may tinatagong konting bait rin naman pala ang lokong ito. Ngayon ko lang naisip, wala pa nga pala akong tutulugan sa isla. Wala din akong access sa internet dahil wala akong sim. Oh my gosh! My life is a complete disaster. Naramdaman ko na lang na nag-iinit ang pisngi ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Ares na nakatitig. "What is it?" Sikmat ko sa kanya. "Nothing. I was just wondering if you have a place to stay yet." Napakunot noo ako. "At bakit mo naman gustong malaman?" "Alam mo, may itsura ka na sana -- pero ang sungit mo. Menopausal ka na siguro," tatawa tawang sabi nito. Humahaba na ang listahan ng insulto n'ya sa akin. Kapag ako napikon -- ihuhulog ko s'ya sa dagat! "Itsura kong 'to menopausal?" "Bakit? Hindi ba? Ganyan din kasungit 'yong labandera namin dati eh, mga kwarenta anyos na s'ya." Aba, loko talaga. Hindi lang ako nag-ayos, mukhang kwarenta na ako kaagad?! "Hoy, hindi ako menopausal at lalong hindi ako mukhang kwarenta." "Eh anong excuse mo? Bakit ang sungit mo? Kanina lang ang bait mo na." "I'm just --" I looked up like all the answers were there. "Just what?" Naiinip na sabi n'ya. "I haven't booked a place to stay yet. The truth is, I am here for vacation but I also need a --" "Job?" Perfect. Tumango ako. "Yes, a job." "Anong trabaho?" "Kahit ano." Mataman n'ya akong tiningnan. "I need help around the farm. I am not sure if you know what to do pero pwede naman kitang paturuan sa mga tao ko doon. Free board and lodging. May internet access so you don't have to worry about anything. Medyo malayo nga lang sa kabisera pero may signal naman ng telepono." That's perfect. Hindi ako mahahanap ni Roldan doon. "Okay, I'll take it." "Good. Seven thousand a month, okay na sa iyo?" Napanganga ako. Pitong libo? Eh pangkain ko lang ng tanghalian 'yon eh. But you badly need this job at para na rin hindi ka agad makita nila Roldan. Sino ang mag-iisip na magtatrabaho ka sa farm? You are Atlas San Diego, the famous movie actress and heir to San Diego Enterprises. "Okay, kukunin ko ang trabaho. Pero -- pwede naman akong umalis kung kailan ko gusto, tama?" Nagtataka itong tumingin sa akin. "Like a seasonal worker?" "Yes. That's right. Masawain kasi ako sa trabaho eh. Usually, anim na buwan lang lumilipat na ako." Iyon naman talaga ang totoo. Anim na buwan lang tapos na ang shooting ng pelikula ko. Ang pagmomodelo ko at paggawa ng commercials ay saglit lang. Kung sakali, ito na yata ang pinakamatagal kong trabaho. Huwag naman sana, kailangan ko ng makausap si Uncle George. "Okay. Pero abisuhan mo ako ng dalawang linggo bago ka umalis." "Walang problema, sasabihin ko agad." I feel better now. May matutuluyan na ako at libre pa ang pagkain at tutulugan. Wala na akong pakialam kung anong klaseng tulugan basta hindi sa karsada, okay na ako. Although, I want a nice, warm and soft bed. Huwag kang choosy Atlas. "Amber, ano nga palang cellphone number mo? Baka magkawalaan tayo at least makokontak kita," sabi nito. Magkawalaan? Parang jowa lang? Gaga ka, Atlas. Linya mo kaya 'yan sa huling pelikula mo. "Ah, kasi --" napakamot ako sa leeg ko. "Hindi pa ako nakakabili ng sim pero may cellphone naman ako." "Ganoon ba, sige. Hindi na lang ako hihiwalay sa 'yo para siguradong hindi tayo magkakalayo. Bili na lang tayo ng sim pagdaong natin sa pier." Ay wow! Hindi na lang ako hihiwalay sa 'yo para siguradong hindi tayo magkakalayo. Ang sarap naman makarinig ng ganito. Mayamaya pa ay tumahimik na s'ya at nakaidlip. I used that time to rest too. Pagod na pagod ako. Nagising lang ako ng makarinig ako ng putok ng baril. Hingal na hingal ako. "Amber --" tinapik tapik ako ng katabi ko. Medyo disoriented pa ako. Panaginip lang pala at busina ng barko ang narinig ko. Malapit na kaming dumaong. At ang lalakeng gumigising sa akin ay si Ares. "Nananaginip ka. Ungol ka ng ungol. Okay ka lang ba? Uminom ka muna ng tubig," inabot n'ya sa akin ang mineral water bottle. Bukas na 'yon pero wala akong choice dahil ubos na rin ang tubig ko. Kinuha ko ang inaabot n'ya at uminom. "Salamat," mahinang sabi ko sa kanya. Hindi na s'ya nagkomento pagkatapos at naghanda na para sa pagdaong ng barko. Nang mag-announce na pwede ng bumaba ang mga pasahero ay inalalayan n'ya ako at magkasabay kaming naglakad palabas. Huminto kami sa unang tindahan na nagbebenta ng sim. Bumili ako ng isa at madaming load. Kung malayo kasi ang bahay n'ya ay siguradong walang basta mabibilhan at kailangan kong tumawag kay Uncle. I have to keep trying or I'll be stuck in this island for a long time. Akala ko ay magbabyahe kami gamit ang public jeepney o tricycle pero ang tinungo namin ay ang kinalalagyan ng itim na pick up truck. Mukhang bago pa ito. "Sa 'yo 'yan?" Tumango ito. "Oo. Iniiwan ko dito kapag may umaalis ako. Kaibigan ko naman ang head dito sa pier kaya may bantay 'yan. Sakay ka na." Hindi n'ya ako pinagbuksan ng pinto. Nagdiretso na s'ya sa driver's seat at umupo saka isinara ang pinto sa tabi n'ya. Ganoon na rin ang ginawa ko sa kanya at inilagay ko ang seatbelt. Kalahating oras ang itinakbo namin gamit ang sasakyan n'ya at bumungad sa akin ang isang maganda farm house. Maraming kabayo ang natatanaw ko. I miss horseback riding. Hindi ako sanay ng may saddle at kay tagal na rin simula ng mangabayo ako sa Colorado. I wonder if I can ride one of them. "Welcome to Rancho Cirillo," itinigil n'ya ang pick up truck sa harap ng bahay. Medyo malayong lakarin ang bahay mula sa main road. Nasa taas kasi ang bahay nakapwesto. May katiwala ako ditong mag-asawa. Matanda na sila kaya hindi pwedeng madaming gawin. Maglilinis ka lang ng bahay at bukas ipapakita ko sa 'yo ang gagawin mo dito sa Rancho." Light housekeeping? Okay, I can do that. I wonder what he wants me to do with the ranch. Itinuro n'ya sa aking ang magiging kwarto ko at ibinaba ko ang gamit ko. "Salamat nga pala sa pagpapatuloy at pag-offer ng trabaho sa akin," sabi ko sa kanya. "Walang problema. If you need anything, let me know. Magpapahanda lang ako ng makakain natin. Siguradong gutom ka na at ako man ay nangangalam na ang sikmura." Palabas na s'ya ng pinto ng tawagin ko s'ya. "Ares." "Ano 'yon?" "Anong gagawin ko nga pala dito sa rancho?" "Ah, 'yon ba? Simple lang. Magpapakain ka ng kabayo, liliguan mo sila at maglilinis ka rin sa stable. May magtuturo sa 'yo." Oh sh*t! Madaming dumi doon at medyo mabigat. Napatingin ako sa kuko ko. Bagong manicure 'yon pero walang nail polish. Mukhang nahalata naman n'ya ang dilemma ko. "May nail cutter ako. Hiramin mo na lang mamya. Hindi pwede ang mahaba ang kuko sa gagawin mong trabaho."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD