"YOU ARE BEING WEIRD," sabi ko sa kanya. Ares was extra caring right now and it's driving me insane. Nagluto kasi s'ya ng kare-kare at kumakain pa lang kami ngayon ng hapunan. Nakatulog ako kanina sa pagod at kung hindi pa n'ya ako kinatok ay hindi ako magigising. Pagkaligo ko kanina ay sinimulan kong pirmahan lahat ang mga litratong binigay ni Geleen tapos sa huling pirma, hindi ko na kinaya ang antok at naidlip na ako. Tinamad pa nga akong magtuyo ng buhok kaya kahit towel dry at may fan ay medyo basa pa rin 'yon. Kaya heto, messy hair don't care ang itsura ko. But it's Ares, nasasanay na ako sa pang-aasar n'ya sa akin. "Masarap ba?" "Kanina mo pa kaya tinanong sa akin 'yan. Sabi ko masarap. Baka gusto mong subuan pa ako?" "Gusto mo ba," nanunuksong tanong n'ya. Napanganga ako. Ano