ALAS DIYES na pala kaya nandito na si Ares. Pawisang pawisan kaming dalawa ni Geleen. Hindi pa ako tapos maglinis ng kwadra but I need a cold water so bad. Naisip ko tuloy, dapat pala may ref dito sa kwadra kahit maliit lang at isang kwarto na para paghingahan. Maitaas man lang ang paa kahit fifteen minutes. A break room! That's it. It would be so nice to have it. Nahiya naman akong mag-request. Ang bago bago ko ay request agad. Isa pa, hindi naman ako magtatagal dito. But still, whoever is replacing me will benefit from it pati sina Geleen at kung sino pa ang toka sa hapon. "Kuya! Bakit ang may bitbit n'yan? Uyy.. nakakahalata na ako ha. May special treatment ka," nanunudyo na naman itong lukaret na ito. Kanina ay panay ang tanong n'ya kung paano kami nagkita ni Ares. Sinabi ko yung sa