KAMI lang ni Ares ang nagsabay sa pagkain ng hapunan. Si Nana ay sa bahay nila kumain kasama ng asawa n'ya. Ako ang naghain at s'ya naman ang kumuha ng inihaw na isda at nag-sandok ng gulay na mais. "Anong gusto mong sawsawan?" Tanong n'ya sa akin. "Toyo at kalamansi, ikaw?" "Same. Lalagyan ko na rin ng diced onions at tomatoes. Gagawa ako. Maupo ka na, saglit lang ito." Napatingin ako sa labas at medyo papadilim na. Ang tahimik dito sa rancho at puro tunog na lang ng kuliglig ang naririnig ko. Nagsalin ako ng tubig sa baso namin at nagsimula kaming kumain. Masarap ang ginisang mais ni Nana pati ang pagkakatimpla dito sa inihaw na isda. "Ready ka na sa orientation mo bukas kay Geleen at Mang Kanor?" Tanong n'ya sa akin. Ang totoo n'yan, medyo ninenerbyos ako para bukas. Paano kung h