Blurb

264 Words
High school pa lang, may gusto na si Maia kay Callahan, pero ang mga pinapansin ni Callahan noon ay mga mayayaman. Hindi siya nagso-syota ng hindi maporma at hindi mayaman. Noon kasi, mahirap at hindi sanay pumorma si Maia, ni makeup nga ay wala siyang pambili. Kaya dati, para lang siyang outcast palagi, hindi matunog ang pangalan sa campus, hindi pinag-aagawan at hindi rin famous. Dahilan kung bakit hindi rin siya mapansin-pansin ni Callahan. Makalipas ang halos ilang taon, nabalitaan ni Maia na tatakbo si Callahan bilang kapitan ng Barangay Hyacinth, kung saan sikat siya sa pagiging isang beauty vlogger. Malaki na ang pinagbago ni Maia; nagsumikap siyang maging sikat na vlogger para matustusan ang mga luho niya. Marami na siyang natatanggap na PR package, inuulan na rin siya ng mga alok bilang endorser ng iba't ibang brand. At dahil popular na si Maia, hindi lang sa Barangay Hyacinth kundi pati na rin sa buong bayan ng Lucinda, si Kapitan Callahan na ang kusang lumapit sa kanya. Nagulat si Maia na nakikilala pala siya nito kahit noong high school pa sila. Nung una, naisip niyang pina-plastic lang siya nito para makuha ang gusto nitong pagkapanalo sa Baranggay nila. Kaya lang, nang ma-meet niya si Callahan, mas lalo itong naging guwapo. Mas lalong lumaki ang katawan. Lalo na rin siyang na-attract dito. Inalok siya ni Callahan na tulungan ito para manalo bilang Kapitan ng kanilang barangay. At sa oras na manalo si Callahan, may ayuda si Maia sa kanya tuwing gabi sa kama. Pumayag kaya si Maia, o siya naman ang magiging snobera kay Callahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD