Chapter 12

1336 Words
Callahan’s POV  Si Conley?! Narinig ko pa lang ang pangalan niya, parang may sumabog na bomba sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano bang takot o galit ang naramdaman ko sa oras na iyon, pero isang bagay ang sigurado ako—hindi magiging madali ang laban na ito. Magkaibang klaseng laban na ito ngayon. Hindi na ito tungkol sa tarpaulin business o vape shop; ngayon, ito’y tungkol sa bayan, sa mga tao, at sa pangalan ko. Napatayo ako mula sa upuan ko, sabay lakad palapit sa bintana. Sa labas, kita ko ang maliit na plaza kung saan kami ng mga tauhan ko madalas magdaos ng mga community events—libreng feeding programs, pamimigay ng gamit sa eskwelahan, at kung ano-ano pang proyekto para makatulong sa mga kabarangay. Ngayong malapit na ang halalan, dapat lang din na magpakilala na ako sa mga tao. Para habang busy pa si Maia, heto, may iba rin akong ginagawa para matulungan ko ang sarili ko na manalo sa halalan. Sa totoo lang, hindi lang basta-basta si Conley. May pera siya, may koneksyon, at may kakayahang gawin ang lahat ng gusto niya para matalo ako. Kung sa negosyo lang, matagal na kaming nagka-krus ng landas. Siya ang tipo ng tao na hindi papayag na may ibang nauuna sa kanya. Kaya alam kong kapag nagseryoso si Conley sa pagkalaban sa akin, kailangan kong mas galingan. Pumunta ako sa gilid ng mesa at pinagmasdan ang calendar ko sa dingding. Malapit na ang halalan. Kailangan ko na talagang maghanda. Hindi ko mapigilan maalala ang unang pagkakataon na naging magkaaway kami ni Conley. Pumasok ako sa business noon, at ang unang hakbang ko ay magpatayo ng maliit na tarp printing shop sa bayan. Pagkatapos ng ilang buwan, sumikat kami dahil sa murang serbisyo at maayos na kalidad. Wala pang isang taon, nag-expand ako. Masaya at maayos ang takbo ng negosyo, at nakilala rin kami ng mga tao sa lugar. Pero isang araw, napansin ko ang isang bagong tarp shop na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Napatitig ako nang mabuti, pinagmamasdan ang mga nakapaskil sa labas. May pakiramdam akong may mali, pero hindi ko agad napansin ang pangalan ng shop. Pagkalapit ko, doon ko nalaman—Conley’s Tarp. Hindi na bago sa akin ang mga balitang naririnig ko tungkol sa kanya. Kaya naman noong araw na iyon, hindi na ako nagulat. Pero sa loob-loob ko, ang akala ko ay hindi niya ako papatulan sa negosyo ko. Hindi naman niya kailangang gawin iyon, ‘di ba? Pero alam ko rin kung bakit siya ganun—alam ko dahil sa isang babae. Noong kami’y bata pa, pareho naming niligawan si Ellen. Si Ellen, na dating kapitbahay namin at magandang babae sa lugar nain. Minsan nga, para akong natatawang naiinis dahil napaka-cliché ng sitwasyon namin ni Conley. Pero sa huli, ako ang sinagot ni Ellen. Malupit si Conley; hindi niya matanggap ang pagkatalo. Hanggang ngayon, parang may bara sa lalamunan niya, kahit pa wala nang ugnayan si Ellen sa aming dalawa. Tila ba ang bawat tagumpay ko, bawat hakbang ko, ay isa lang patunay ng pagkatalo niya. Sa gitna ng mga alaala kong iyon, tumunog ang telepono ko. Nakita ko ang pangalan ng pinsan kong si Marco sa screen at agad ko itong sinagot. “Bro, narinig mo na ba? Si Conley daw ang kalaban mo sa pagka-baranggay captain,” bungad niya. Huminga ako nang malalim, pilit na pinipigil ang sariling mapamura. “Oo, narinig ko na. Pambihira talaga, Marco. Hindi na siya makuntento sa negosyo ko, pati sa posisyon sa baranggay, gusto niya akong kalabanin.” Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung galit, kaba, o halo na ng dalawa ang nararamdaman ko. “Alam mo naman si Conley, ‘di ba? Gagawin niya lahat. Alam kong malaki ang tsansa mong manalo, pero kailangan mong maging maingat,” babala ni Marco. Alam ko naman iyon. Kilala ko si Conley. Kilalang-kilala ko siya, at alam ko ang mga taktika niya. Mabilis ang mga kamay niya sa pera, at kahit anong paraan ay gagamitin niya para sa kanyang kapakanan. Pero ang pinakamalala sa lahat, hindi siya madaling mapagod. Parang may apoy siya sa loob ng katawan na hindi namamatay, at ang apoy na iyon ang nagbibigay sa kanya ng lakas para gawing personal ang laban namin. Kung noon nagtiyaga siya sa pag-gaya sa mga negosyo ko, ngayon alam ko, kaya niyang gawin ang lahat para ipahiya ako sa publiko, kahit pa walang katotohanan ang mga sasabihin niya. “Salamat sa heads-up, Marco,” sabi ko, nag-iisip nang malalim. Binaba ko ang tawag, sabay tinitigan ang sarili sa repleksyon ng bintana. Oras na para labanan ang apoy ng apoy din. KINABUKASAN, pinulong ko ang mga tauhan ko. Mga kaibigan ko rin sila, at alam kong maaasahan ko sila. Lahat sila’y kabisado na ang istilo ko at alam kong handa silang tumulong sa darating na laban. Tinignan ko sila isa-isa—si Tito Fred, ang matandang kalbo na noon pa’y tumutulong sa akin sa tarp shop, si Boyet na laging on-the-go kapag may kailangan akong ipaabot sa iba, at si Maribel na siyang nagma-manage ng mga finances ko. “Guys, may mas malaki tayong laban ngayon,” panimula ko. Lahat sila tumingin sa akin, kita sa mga mata ang pagkasabik at kaba. “Si Conley ang kalaban natin sa pagka-baranggay captain.” May halong kilabot sa mata ni Maribel nang marinig niya iyon. “Si Conley? Diyos ko, Callahan. Alam mo bang kung ano ang kaya niyang gawin?” Tango lang ang naisagot ko. Alam ko. Alam kong gagawin niya lahat para manalo. Hindi ako basta umaatras, pero alam kong mas magastos, mas komplikado, at mas maraming laban ang haharapin ko ngayong kalaban ko na siya. Para kaming magkaibang posisyon sa chess board. At kahit alam kong hindi maganda ang reputasyon ni Conley, hindi ko puwedeng maliitin ang impluwensya niya. “Ano ang plano, Callahan?” tanong ni Tito Fred. “Magiging mahirap ito. Kailangan natin ng malinis at malinaw na adbokasiya. Pero higit sa lahat, kailangan natin ng suporta ng mga tao.” Hindi pa man tapos ang pulong, pero ramdam ko na sa loob-loob ko ang init ng tensyon. Sa mga araw na susunod, isusulong ko ang mga proyektong plano ko para sa barangay, habang tinitiyak na maayos ang aming kampanya. Pero alam kong hindi magiging madali. Kilala ko si Conley. Kung noon ginaya niya ang tarp business ko, at kung paano siya nagbukas ng vape shop tulad ko, alam kong hindi ito simpleng laban. Ginagawa niya ito para lang ipakita sa akin na hindi ako puwedeng mangibabaw sa kanya, na kahit anong larangan, kaya niya akong tapatan. “Huwag kang mag-alala, suportado ka namin. Sa dami ng kaibigan namin, alam naming mananalo ka, ilalakad ka namin sa lahat ng kakilala namin,” sabi ni Boyet kaya natuwa naman ako. “Oo, kami na ang bahala sa mga malalapit na tao sa amin,” sabi naman ni Tito Boyet. “Marami rin akong kakilala at kaibigan, sureball ka na rin sa kanila kapag ako ang nagsabi,” sabi naman ni Maribel. “Guys, salamat, malaking tulong ‘yan,” sagot ko at saka kami nag-group hug tatlo. Tatlo palang kami sa ngayon, pero kailangan ko na rin talaga ng mas marami pang tauhan. Habang pauwi ako, napansin kong may bagong poster na nakakabit sa poste sa gilid ng kalsada. Malinaw ang mga salita: “Si Conley, Para sa Barangay!” Tumigil ako sandali at pinagmasdan iyon. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang gumuhit sa dibdib ko, pero alam kong ito’y nagpapaalala na ang laban na ito ay hindi magtatapos nang madali. Sinimulan ko nang ihanda ang sarili, pero alam kong mas maraming balak at taktika ang kailangan ko pang ilatag. Sa kabilang poste, nakita ko naman ang picture ni Maia na may ini-endorse na coffee shop. Maia, isa ka sa inaasahan kong magpapanalo sa akin. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, kahit sa kama pa ‘yan, i-panalo mo lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD