Chapter 4

1040 Words
Kinabukasan maaga siyang nagising upang pumasok sa opisina. Nag aayos na ako ng aking sarili sa nang dumating si Anne. "Ang aga mo ata ngayon." aniya sa akin. "Ah, oo eh, para hindi ako matraffic." saad ko at pinag patuloy ang pag bo blower sa akin buhok. Six forty- five na nang umaga kaya tamang tama ang kung aalis siya ngayon para hindi siya matraffic at mahirapan sumakay lalo na at rush hour. Nang matapos siya sa pag aayos kinuha na niya kanyang bag at nag paalam na kay anne "Aalis na ako Anne," paalam niya dito. "Paki lock na lang ang pinto Van sobrang antok na kasi ako." anito na tumagilid patalikod sa kanya. Kaya umalis na rin agad siya at nilock ang pinto at gate ng apartment nila. Sakto seven thirty siya ng dumating sa kompanya at dahil maaga pa naman ay dumaan muna siya canteen para bumili ang kape at pewde niyang i- almusal at kainin sa taas habang wala pa ang kanyang boss. Pagdating niya sa itaas ay inayos niya muna ang loob ng opisina ng kanyang boss at ang mesa nito. Hinanda niya na rin ang mga papeles na kailangan nito ngayong umaga para hindi na ito mag tanong pa sa kanya. Tinignan niya rin ang mga schedule nito ngayong araw at kung saan ito may meeting para maihanda niya ang mga dapat gawin. Pagkatapos niyang mag ayos ng mga kailangan nito ay umupo muna siya sa at kumain sa kanyang mesa. "Good morning, Miss Perez" napa angat siyanm ng tingin mula sa kanyang kinakain. Napalunok siya ng kanyang laway ng makita ang gwapong mukha ng kanyang boss. "G- good morning po sir." nauutal na bati niya dito. "Follow me to my office Miss Perez." utos nito sa kanya saka ito tumalikod. "Diyos ko lord, bakit mukhang galit siya sa akin. Bawal ba kumain dito sa itaas?" bulong niya sa kanyang sarili. Uminom muna siya ng tubig at inaayos ang kanyang sarili bago sumunod dito. Nagulat pa siya ng pagpasok niya sa loob ng opisina nito ay agad siya nitong isinandal sa pinto at sinungaban ng halik. Nanigas ang kanyang katawan dahil sa kanyang pagkabigla. "S- sir" bahagya niya itong itinulak ng makabalik sa kanyang pagkabigla. "I'm sorry, baby, hindi ko mapigilan ang halikan ka dahil na miss kita kaagad" aniya sa akin at muli akong hinalikan sa labi. Damang dama niya ang sabik sa bawat halik nito sa kanya. Para itong uhaw na uhaw at sa kanyang halik lang papawi ang pag kauhaw nito. "Hmmm" ungol niya sa pagitan ng halikan nilang dalawa. Halos kapusin siya ng hininga ng bitawan nito ang mga labi niya. "Hmm, what a delicious breakfast." bigla siyang pinamulahan ng mukha dahil sa narinig. "E- eh, titimpla ko po kayo ng kape." saad ko sa kanya at agad na tumalikod dito papuntang pantry. "Ano ka ba naman Vanessa!" bulong niya sa sarili habang tinitimpla ang kape nito. "Nakakahiya ka talaga! Oh gosh nakakahiya sobra." napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi tuloy alam kung paano ito haharapin ngayon dahil sa nangyari kagabi at kanina. "Saan ang nakakahiya?" "Ay, titing malaki." gulat na saad niya at napa tingin sa lalaking nag salita sa kanyang likod. Narinig pa niya ang tawa marahil sa kanyang sinabi. Gwapo ito at matangkad. "Titing malaki? Talaga nasaan?" tanong pa nito sa kanya at binaling baling ang tingin na akala mo ay may hinahanap. "Ho?" sagot niya dito kaya mas natawa ito. "I'm just kidding, bago ka ba dito?" aniya sa akin. "Ah, opo." "Kaya naman pala, ako nga pala Jeffery." pagpapakilala nito. "Vanessa po." sagot niya dito "Hi Vanessa, ah, tapos ka na ba mag timpla ng kape?" tanong nito ulit sa kanya. "Ay oo po sir, pasensya na." bigla siyang nahiya dito siguro kanina pa ito naghihintay na matapos siya. "It's okay, saan ka pala naka assign dito?" "Ako po yung bagong secretary ni Mr. Monticello." "Oh, talaga? " "Opo, sige sir baka hinihintay na po ni Mr. Monticello tong kape." paalam niya dito at umalis na hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil sa sobrang hiya na nararamdaman niya. "Bakit ang tagal mo?" kunot noo na tanong tanong sa kanya ng boss niya. "Pasensya na po sir, nag punta pa kasi ako ng powder room." pagsisinungaling niya dito. "Ano ang schedule ko ngayong araw?" seryosong tanong nito sa kanya habang uminom ng kape. "May meeting po kayong ngayong ten ng umaga kay miss Ching Cruz. At mamaya naman pong alas dos kay Mr. Gilbert Mendez." aniya rito. "Ok, pag dumating si Miss. Cruz papasukin mo na lang siya dito. You may leave now." tila nagulat pa siya sa inasal nito sa kanya ngayon. Kanina kasi ang sweet nito sa kanya tapos bigla itong nanlamig sa kanya ngayon. "Why are you still here? I said you can leave now" saad nito sa kanya napalunok ng kanyang laway. "I- I'm sorry sir." pagka sabi nun lumabas na siya sa opisina nito. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng makalabas na siya sa opisina nito. Agad na siya umupo sa kanyang mesa at itinuon sa ang kanyang oras sa trabaho. "Excuse me miss, nandyan ba si Jonathan? I have a meeting with him today." nag angat siya ng tingin sa babae. Napaawang ang bibig niya dahil sa ganda nito. Para itong International model. Ang sexy pa nito sa suot nitong bodycon dress na hapit na hapit sa maliit na bewang nito. "Hey, are you ok?" tanong ulit nito sa kanya kaya bigla siyang natauhan. "I'm sorry ma'am, yes po hinihintay na po kayo ni Mr. Monticello sa loob." sagot niya dito at sinamahan na ito sa loob ng opisina ng boss niya. "Excuse me, sir nandito na po si Miss Cruz." bungad niya dito. "Hi hon, how are you?" tanong dito ni Miss Cruz. Umiwas siya ng tingin sa mga to nang hinalikan ito sa labi ng babae. "Pwede ka nang lumabas, at ayaw ko ng may papasok dito habang nag me- meeting kami. Pag may nagtanong sabihin mong busy ako at ayaw ko ng isturbo." saad nito sa kanya kaya tumango siya bilang pagsang ayon dito. Tinignan niya muna ang babae na ngayon ay kagat ang ibabang labi nito bago siya lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD