“Ano ba ‘yan, Mia? Bakit nag-alsa balutan ka kung kelan gabing gabi na?” tanong ng Mama niya pagkatapos niyang ipapasok ang mga gamit niya sa loob ng bahay. Gusto na niyang maiyak kanina pa dahil sa pagkapahiya at insulto na nakuha niya mula sa dating nobyo. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod dito dahil natatakot siya na malaman ng Mama at Papa niya na magkasama sila noon ni Ken sa condo niya. At kung iisipin ay parang nag-live in na rin sila. “Sa condo sana kase ko matutulog, Ma. Kaso may multo akong nakita kanina. Parang mamamatay ako sa takot kaya ayoko na do’n,” paliwanag niya na kunwari’y kinikilabutan pa siya. “Pinag-iisipan ko na nga rin na ibenta ‘yon.” Lumabas ang Papa niya at gulat din na napatingin sa nagkalat na gamit niya. “Ibebenta mo ba dahil totoong multo ang