“Mia, please get me an appointment with Mr. Villaluz, asap. You can cancel any of my meetings kung conflict sa schedule niya. Ako na ang mag-aadjust para sa kanya,” utos sa kanya ni Ken habang pinipirmahan nito ang mga papeles na inilagay niya sa ibabaw ng table nito. Halos magdadalawang buwan na mula ng tinanggap niya ang pagiging secretary nito at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagagawa na nilang mag-usap na parang wala silang nakaraan. Very casual at purely work related lang kung sila ay mag-usap. Pansin din niya na wala ng pait sa mga tingin nito sa kanya at tono ng pakikipag-usap sa kanya. Hindi na ito nagsusungit gaya noong unang buwan nilang magkasama sa trabaho. She must say that he’d really moved on. Na minsan ay aaminin niyang ikinaiinis niya. Isang buwan