When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“Ma, okay na kaya ang lasa nito? Tikman mo nga!” nag-aalalang tanong ni Mia sa Mama niya. Kanina pa siya aligaga sa kusina at may ilang butil na ng pawis ang mukha niya. Weekend ngayon at sakto na second monthsary nila ni Ken kaya naisipan niyang umuwi at anyayahan ang nobyo na roon maghapunan sa bahay nila. Isang oras na lang at parating na ito kaya hindi siya mapakali. Naalala niya ang unang niluto niya noon na sobrang nakakasuka ang lasa at iyon ang ayaw na niyang maulit. “Anak, okay na okay na ang lasa. Siguradong magugustuhan ‘yan ng nobyo mo,” sabi ng Mama niya habang patuloy lang sa paghuhugas ng mga prutas. “Dalawang beses ko na natikman ‘yan!” Napangiwi siya nang hindi nito kinuha ang inaabot niyang kutsara. Ibabalik na sana niya ito nang pumasok naman ang Papa niya dala si