“Mia, hindi mo na ‘ko tinawagan kahapon. Ok ka na ba sa condo mo?” tanong ni Ava habang papalabas sila ng building. Sabay silang nag-out sa trabaho. “Huh?..Oo, pasensya ka na kase namili ako ng ilang gamit kahapon kaya hindi na kita natawagan," alibi niya. “So, wala ka nang ipapabago pa sa unit mo?” “Wala pa sa ngayon. Maayos pa naman,” kaila niya. “Great! So kelan ako mag-sleep over?” Napakagat siya ng labi. May usapan nga pala sila na once a week ay sa condo niya ito matutulog. Tumingin siya rito at pilit na ngumiti. “Ah, oo..’yon nga…S…Siguro next next week na lang. Hindi pa kasi ako tapos mag-ayos plus ang dami ko pang kulang na gamit. Next month na pala para sure na kumportable ka.” “Sus! Eh ‘di ba, nagpapatulong ka nga sa’kin mag-ayos ng condo mo at usapan na natin ‘yon?” bale