“Ma, saan ba talaga tayo pupunta? Bakit kase kailangan pa natin mag-dress?” “Wedding anniversary nga ng kumare ko,” sagot nito na patuloy sa pag-aayos ng buhok niya. “Kanina n’yo pa sinasabi ‘yan.” “Kanina ka pa rin tanong ng tanong,” natatawang sambit nito. She rolled her eyes habang nakangusong tiningnan ang sarali sa salamin. In fairness, wala naman siyang maipipintas sa itsura niya ngayon at sa ayos ng Mama niya sa kanya. Simple lang ang make up niya pero lumutang lalo ang ganda niya. Inilugay nito ang alon-alon niyang buhok na nilagyan ng cute na silver hair clip sa gilid. “Guess lang tayo pero parang ako ang celebrant sa okasyon na ‘yon,” nakasimangot na reklamo niya. “Isa pa, hindi ko naman kilala ‘yan sinasabi n’yong kumare mo tapos baka puro matatanda pa ang nando’n…Aray!”