When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Tuwang-tuwa niyang binuhat si baby Lucas pagpasok pa lang niya ng bahay. Gigil niyang pinaghahalikan ang mataba nitong pisngi dahilan para tumawa ito na parang kinikiliti. “Ang cute cute talaga ng pamangkin ko. Siguro ang gwapo rin ng Daddy niya 'no, Ma? Pero sana hitsura lang ang mamana niya kung sakali, hindi ‘yong sama ng ugali,” wala sa sariling sambit niya habang pinapaupo sa lap niya ang bata at tuwang-tuwang pinipisil ang magkabila nitong pisngi. “Di ba, baby? Kung ako lang, hindi kita ibibigay sa Daddy mo. Dito ka na lang sa Mommy Ninang, ha?” Sumunod siya sa Mama niya na abala pa rin sa pagluluto sa kusina. Tumingin siya sa paligid at nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang makitang indikasyon na naroon ang Papa niya. "Wala ka bang gustong itanong sa'kin?" sabi nito na ina