Kinabukasan ay nakasimangot na lumabas si Mia ng kwarto. Ayaw pa sana kasi niyang umuwi pagkatapos ng dinner nila pero dahil sa pangungulit ni Ken na ihatid siya ay napilitan siyang umuwi agad. Nadatnan niya ang Mama niya na naghahain. Habang si Lucas ay hawak ng Yaya nito habang pinapakain. "Oh, Mia. Tamang-tama, maghahain na ako. Maupo ka na." "Na..nana..nana," tuwang tuwang sambit nito nang makita siya. Napalitan ng ngiti ang nakasimangot niyang mukha at mabilis na lumapit dito saka kinuha ito mula sa high chair. "Good morning, baby. Na-miss mo ba si Mommy Ninang?.. Huh?" tanong niya habang pinanggigigilan ang pisngi nito at pinupupog ng halik. Tuwang tuwa naman si Lucas na titig na titig sa kanya habang bumubungisngis. Namumula ang mga pisngi nito na halos pumutok sa sobrang kata