When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“Mia, wait!” sigaw na habol ni Ken sa kanya nang papalabas na siya sa gate. Tatlo na lang silang naiwan sa beach house pagkaraan ng ilang oras. Nauna nang umuwi ang mga magulang ni Lance pagkatapos ay sumunod na umalis ang celebrants dahil may celebration din na gaganapin sa bahay ni Samantha. Si Val naman ay nakita na lang nila na umuwi mag-isa at iniwan ang kasama nitong si Natalie. “Mia!” Pinigilan siya nito sa braso kaya wala siyang nagawa kundi harapin ito. “What? Uuwi na ‘ko.” “Let’s go,” seryosong sabi nito na dumiretso sa nakaparadang kotse. Inirapan niya ito at saka humalukipkip na pinagmasdan lang ito. Nilingon siya nito nang mapansin na hindi siya sumunod dito. Napipikon talaga siya at kung hindi pa siya lalabas ng bahay ay baka masabunutan niya lang ang Natalie na 'yon