Chapter 1

2018 Words
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Mia dahil kanina pa naghihintay ang rider ng isang riding app kung saan palagi siyang nagbo-book as her means of transportation pauwi ng bahay mula sa maghapong trabaho bilang junior architect sa Ricaflor Holdings. Isang taon pa lang siya dito at ito ang una niyang trabaho. Gusto sana niya ang mas murang transportasyon pero alam niya na pagtatalunan na naman nila ng kanyang Mama kapag nalaman nito na nag-jeep na naman siya pauwi. Tiningnan niyang maigi ang plate number bago sumakay at naghihintay na din siya ng sermon o parinig ng naghihintay na driver. Umayos siya ng upo na hindi tumitingin sa driver ng hindi narinig ang inaasahan mula dito. “Tara na po Kuya.” Napatingin siya dito ng hindi ito sumagot ng pinaandar nito ang kotse. Sakto naman na lumingon ito kaya hindi niya nakita ang hitsura nito na hindi niya pinag-aksayahan pa ng panahon na sulyapan ulit. ‘Ok lang kahit suplado atleast hindi niya ko sinungitan katulad ng madalas kong matyempuhan. Na akala mo, sila lang ang napapagod at parang kakain na ng tao ma-late lang ng ilang minuto…Well, aminado naman ako na habit ko na talaga ang ma-late.” Napangiti siya ng maalala ang pagsusungit ni Manong driver kahapon na nasakyan niya. Na ni-lecture-an siya buong byahe kung gaano kahalaga ang bawat minuto. Pero bago dumating sa bahay nila ay humingi naman ng pasensya at malambing na tinawag siyang anak at pinaalalahanang palaging mag-iingat. Kinuha niya ang cellphone ng maalala na hindi pala siya nakapagtext sa boyfriend niya na sakto naman na nag-ring ito. “Babe, ite-text pa lang sana kita…” excited niyang bati. “Hello babe? Sorry I can't make it tonight. Pinag-overtime kase ako ng Boss ko, emergency lang.” Narinig niyang bungad ng boyfriend niyang si Nathan. Tenth month anniversary nila ngayon at usapan nila na sa bahay sila magdi-dinner. Nagrequest pa siya sa Mama niya na ipagluto ito ng paborito nitong ulam. “Ganun ba? Hanggang anong oras ka ba diyan? Ok lang naman, hihintayin na lang kita. Hindi ka naman siguro gagabihin ng husto…” “No babe, di ba may tinatapos pa kaming project? Medyo nagulo ang ilang codes na ginawa namin kaya we need to redo it. Sobrang pagod ko na nga,babe.Kaya baka hindi ko na kayanin pumunta sa inyo.” Masama ang loob na tumango na lang siya at tumingin sa labas ng bintana. “Ok babe, I understand. Wag ka masyadong magkapagod ha? Text me when you get home, ok?” “Ok babe, thank you.” “I love y..” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil naputol na agad ang linya. Napabuntong -hininga na lang siya at malungkot na ibinalik ang cellphone sa bag. Tahimik lang na nakikinig ang driver at panaka-nakang sumusulyap sa kanya na hindi naman nito napapansin. Maya maya ay tumunog na naman ang telepono niya. Napakislot siya at hindi magkaintindihan sa pagkuha nito sa pag-aakalang si Nathan ang tumatawag at umaasang nagbago ang isip nito. Napanguso siya ng makita kung sino ang tumatawag. “Hello Ma.” “Hello, anak pauwi ka na ba? Baka nagtipid ka na naman ng pamasahe ha? Asan ka na?” nag-aalalang tanong ng Mama Lisa niya. “Hindi Ma, on the way na po ako. Medyo traffic lang. Wag niyo na din po ituloy ang niluluto niyo, hindi naman darating si Nathan.” Malungkot ang boses na sagot niya dito “Huh? Sayang naman itong niluto ko. Sabi ko na nga ba't iindyanin ka na naman ng boyfriend mong yan.. Oh, hayaan mo na siya at tayo na lang ang mag-celebrate ng break -up niyo.” Biro nito na narinig pa niyang tumawa sa kabilang linya. “Ma! Hindi kami nag-break, hindi lang siya makakapunta dahil kailangan niya mag-overtime. Busy nga po.” Naiinis niyang sagot dito. “Oh sya, dumaan ka na lang sa mall at ibili mo ko ng favorite cake natin. Sabihin mo sa driver mo, rent mo na lang siya at ako na ang magbabayad.” Inikot niya ang mata saka sumang-ayon. Masama ang loob niya dahil nag-prepare pa siya sa celebration ng 10th monthsary nila. Na buwan buwan naman talaga niyang pinaghahandaan pero mas espesyal sana ngayon dahil sa wakas ay napapayag niya ang Mama niya na ipagluto ito bagay na alam niya na napilitan lang itong gawin dahil sa pakiusap niya na bigyan ng pagkakataon si Nathan na patunayan ang sarili. Hindi boto ang Mama niya dito. Muka daw kase itong babaero at sasaktan lang siya na ipinagwawalang bahala lang niya dahil naisip niyang baka ayaw lang nito na mag-boyfriend na siya. Silip niya ang oras sa relos na suot niya. Maaga pa kaya naisip niya na mag-ikot na muna sa mall at bumili ng cake na bilin ng Mama niya. Tumingin siya sa driver na seryosong nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Napakagat siya ng labi ng makita ang hitsura nito sa front view mirror saka mabilis na tumingin sa labas ng bintana ng napatingin din ito sa kanya. ‘Gosh, ang gwapo pala ng driver ko ngayon. Kaya naman pala suplado at hindi man lang ako pinansin.’ Tumingin ulit siya dito at sinamantala na busy ang mata nito sa kalye dahil may mga sumisingit na motor. ‘Hindi siya mukang driver in fairness, mas bagay yata sa kanya ang maging artista.’ Bigla siyang napahiya ng mahuli nito na tinitingnan niya ito. Tumikhim siya saka nagsalita. “Kuya ok lang po ba na mag-change ng pinned location? Or ok lang kahit mag-add na lang ako ng fare kung hassle sa'yo, diyan na lang ako bababa sa unang mall na madadaanan.” Tumingin sa kanya ang driver, hindi agad ito sumagot. Akala niya ay hindi ito papayag o magrereklamo ito. “No worries Mam, since regular passenger ka namin you have three privileged hours. Meaning you can go anywhere you want for free.” Nangunot ang noo niya habang pinakikinggan ito. “For free?” pagkatapos ay tiningnan niya ang cellphone para kumpirmahin ang sinabi nito pero muli itong nagsalita. “This is our latest promo. Actually Ma'am, this is a surprise promo for our loyal customer. And you could actually add another hour if you want and will be charged with a 50% discount from a regular fare.” Lalong nangunot ang noo niya ng marinig ang sinabi nito. Bakit hindi niya nabalitaan ang promo na ‘yon? Tinitigan niyang maigi ang driver. Medyo nakangiti na ito ngayon. May pagka-conyo ito at hindi talaga mukang driver. ‘Mas bagay yata magpalit kami ng pwesto' naisip niya. Baka galing din ito sa trabaho at part time niya ang pagda-drive o baka nagtitipid sa gas kaya pinasok din ang ride sharing. “What do you think, Mam? Are you going to take this promo or not?” nakangiti pero may pagkasuplado pa din ang alok na tanong nito. Mia blinked her eyes and nod. “O, ok. Why not? Sino ba ang tatanggi sa free ride ngayon?” Satisfied na tumingin sa kanya ang driver. Maya-maya ay ipinasok nito sa parking ng mall ang sasakyan. Bago siya bumaba ay muli niyang hinanap ang promo na sinasabi nito pero wala talaga siyang makita. At the end ay nagpaalam na lang siya dito at sinabing baka abutin siya ng isang oras sa loob. Wala naman mawawala sa kanya kung sakali na hindi siya nito hintayin and besides, hindi naman ito mukang goons o may binabalak na masama sa kanya. Tumango ito at sinabing hihintayin na lang siya doon. Una siyang pumasok sa isang kilalang café upang umorder ng favorite cake nila ng Mama niya. Pagkatapos magbayad ay iniwan niya muna ito dito at babalikan na lang pagkatapos niyang mag-ikot at bumili ng damit. Pagkalipas ng thirty minutes ay wala pa din siyang magustuhan sa mga damit na kanina pa niya tinitingnan. Nagpasya siyang umuwi na lang at mag-food trip sa bahay kasama ng Mama niya. Dadaanin na lang niya sa kain ang sama ng loob na hindi niya kasama si Nathan. Papasok pa lang siya sa cake shop para kunin ang binili ay naagaw na ang kanyang pansin ng dalawang taong magkatabi sa dulong mesa. Sweet na sweet ang dalawang ito habang pinupunasan ng babae ang gilid ng labi ng lalaking katabi niya. Hinawakan naman ng lalaki ang kamay ng babae saka hinalikan ito sa pisngi. Biglang nanikip ang dibdib ni Mia at mahigpit na napahawak sa blazer na suot. Pumikit siya at kinagat ang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. Tinitigan niyang maigi ang lalaki sa pag-asang baka kamukha lang ito o namamalikmata lang siya. Pero sa loob ng sampung buwan na kasama niya ito ay kilala na niya ang bawat kilos nito. Naalala niya kapag kasama niya ito at ganitong-ganito din ito sa kanya tuwing magkasama sila. Hindi niya alam kung paano niya natatagalan ang panoorin sila pero para siyang tuod na hindi makagalaw sa bigat at sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ‘yon. Di sinasadyang napatingin sa kanya ang lalaki at nanlaki ang mga mata nito ng makilala siya. She came back to her senses ng makitang tumayo ito. Nakalimutan na niya ang cake na binili at nagmadaling lumabas. Halos patakbo siya pumunta sa parking lot dahil ayaw niyang kausapin ito dahil baka makapagdesisyon siya na pagsisihan niya. Nakalabas na siya ng exit door ng maabutan siya nito. Pinigilan siya nito sa braso. “Mia, let me explain…” Galit na humarap siya dito at sinalubong ng malakas na sampal ang pisngi ni Nathan. “That is for cheating on me and fooling around for ten months.. Ang kapal ng mukha mo at itinaon mo pa talaga sa monthsary natin?” sigaw niya habang iwinawaksi nito ang kamay na pilit siyang hinahawakan. “Mia, mag-usap tayo.” Pakiusap nito “No, wala na tayong dapat pag-usapan pa. Break na tayo.” Ngumisi ito at mataman siyang tinitigan. “Are you sure, Mia? Kaya mo ba na mawala ako sa buhay mo?” “Huh!!” hindi makapaniwalang tumingin siya dito. “Bakit ngayon ko lang nakita ang totoong kulay mo? Mas mabubuhay ako ng tiwasay kung mawawala ka ng tuluyan sa buhay ko at hindi na makita pa ang makapal mong mukha.” Tumalikod siya at hinanap ang kotse na sinakyan kanina. Pero laking dismaya niya ng hindi na ito makita kung saan nakaparada kanina. Nagulat siya ng mahigpit siyang hinawakan sa braso ni Nathan na nakasunod pa din sa kanya. “Fine, gusto mo ng break eh d break. Sinayang mo lang ang oras ko. Alam mo kung ano ang problema sa'yo, masyado kang pakipot. You don’t know how to keep your man because you're very obsessed for keeping your virginity. At sa palagay mo, may lalaki pa na maghihintay sa'yo hanggang sa gusto mong panahon?” galit na sabi ni Nathan na nakapagpatindig ng balahibo niya. She was speechless and stared blankly at him. Hindi siya makapaniwala na ito ang magiging dahilan niya sa pangloloko niya. Pilit siyang bumitaw sa hawak nito at disappointed na tumingin sa kanya saka tumalikod. Na sakto naman na tumigil ang kotse sa tapat niya. Napatingin siya sa driver na seryosong nakatingin kanya saka tumingin kay Nathan. “Get in the car!” utos nito. Muli siyang hinawakan sa braso ni Nathan para pigilan pero galit niyang iniwas ito. She glared at him angrily and said. “Get lost, Nathan. Wala na tayo.” Saka mabilis siyang sumakay sa kotse ng lalaking naghatid sa kanya sa lugar na dudurog pala ng puso niya. By instinct ay sa harap siya umupo para ipakita kay Nathan na she can get any man other than him. Pagkaupo ay kinuha niya ang cellphone at dinial ang number ng Mama niya. “Ma, mauna ka na kumain. Male-late po ako ng uwi. May lakad lang ako.” “Wait, saan ang lakad mo? 'Di ba on the way ka na?” “Yes, emergency lang, Ma. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo. Bye.” Hindi niya na hinintay ang sagot ng ina dahil siguradong madami pa itong sasabihin. “Sa'n tayo?” tanong ng driver
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD