Prologue

1129 Words
Nilingon niya ang mga kaibigan na nakaupo sa couch na nasa likuran niya habang nakikipaglandian sa mga babaeng ka-kapartner ng mga ito. Napailing na lang siya at muling tumingin sa dance floor sabay lagok sa hawak niyang beer. Hindi pa man lang dumidilim ay marami na silang customers na karamihan ay mga kabataan sa ganitong oras at paglalim ng gabi ay mga mas mai-edad ang pumupunta rito na halos lahat ay nasa alta sociedad. Pero iisa lang ang pakay kung bakit sila naririto, upang mag-enjoy at magwala na parang wala ng bukas. Sanay na siya sa tanawing ito isang buwan pa lang mula nang simulan nila ang unang negosyo nilang magkakaibigan na ilang buwan pa lang mula nang buksan nila sa publiko. Ito na rin ang nakagawian nilang tambayan pagkatapos ng kani-kanilang trabaho at nagsisilbing meeting place tuwing may mga lakad sila o may agenda ang barkada. At dahil birthday niya kinabukasan at plano niya na mag-celebrate mag-isa papuntang Palawan gamit ang yate niya ay minabuti niyang ngayon na lang makipagkita sa mga kaibigan na alam niyang hindi palalampasin ang birthday niya na wala silang ginagawang selebrasyon. “Dude, Natalie will be coming over,” sabi ni Lance na lumapit sa kanya at itinuon din ang atensyon sa mga nagsasayaw sa dance floor. “Sinabi n’yo na nandito ako?” napasimangot na tanong niya na biglang napalingon sa kaibigan. Bahagyang tumikwas ang nguso nito habang tumango-tango. “Sorry bro, ang kulit eh! Kanina pa tawag nang tawag, hindi na nga namin sinasagot pero nagpunta na pala rito and she even asked Daniella to inform her kapag dumating ka,” natatawang sagot nito sa kanya. Alam kasi nito na may allergy yata ang kaibigan sa babaing iyon at kulang na lang ay ipagtulakan nito ang dalaga na halos ipagdaluldulan ang sarili sa binata. Nangunot ang noo niya at isa-isang tiningnan ang mga kaibigan na lahat ay napatingin sa kanya. Sinenyasan ng mga ito ang mga ka-partner at binulungan saka isa-isang umalis at nagtungo sa dance floor. Umupo siya at inilapag sa table ang hawak na inumin nang tuluyan makaalis ang mga babae. “Let’s go somewhere else,” sambit niya. Knowing Natalie, sigurado siya na mahihirapan siyang itaboy ito once na makalapit na sa kanya at wala siyang planong salubungin ang birthday niya na ito ang kasama. Tumawa si Val na prenteng nakasandal sa sofa. “Palay na ang lumalapit sa manok pero inaayawan pa. Why don’t you give Natalie a try? Maganda naman, mayaman at dude, ang katawan,” bahagya pa itong sumipol. Umiling-iling na lang siya na tumingin dito. “Dude, kung type mo si Natalie, diskartehan mo. Ang dami mo pang sinasabi,” natatawa niyang sagot saka lumagok ulit ng beer. “Matagal nang naglalaway ‘yan kay Natalie kaso hindi naman siya type nun. Eh pa’no mas challenging daw ang mga suplado at hard to get tulad mo, CK. Hindi tulad nitong si Val na lahat na lang yata ng babaeng mapatingin lang sa kanya ay hindi natatapos ang linggo na hindi nagiging girlfriend o naikakama,” nang-aasar na sambit naman ni Tanner. Nagtawanan sila pero maya maya ay napatingin silang lahat kay Val nang wala silang nakuhang reaction mula sa pang-aasar ni Tanner na dati rati ay laging may nakahandang counter attack sa kahit na anong sabihin nila. “Miracle! What happened to you, dude? May sakit ka ba?” natatawang inabot ni Lance ang noo ng kaibigan na nakatitig sa kawalan. Maya-maya ay ngumisi ito sabay tingin sa kanilang tatlo. “I think, he’s up to something again!” biglang sumeryosong bulong ni Tanner. Lalo pa itong ngumisi at sinenyasan silang lumapit dito. Ilang sandali itong may ibinulong sa kanila na dahilan para lumayo sila rito habang nakalarawan sa mga mukha ang hindi pagsang-ayon sa sinabi nito. “You’re crazy, dude! Out ako d’yan. Hindi ko pwedeng i-risk ang relasyon namin ni Tanya,” sagot ni Lance na matindi ang pag-iling. “Madali akong kausap,” tatawa-tawang sagot ni Val. “Tradisyon na natin ito every year. Kung ayaw n’yo, you know my bank account. At ihanda n’yo na ang mga pinakaiingatan n’yong possession.” “I’m in,” biglang sagot ni Tanner na nakipag-high five pa rito. Habang si CK ay nag-iisip habang palipat-lipat ang tingin sa mga ito. Napatingin siya sa nag-ring na cellphone na lalong nagpakunot ng noo niya. Hindi niya ito pinansin nang makita kung sino ang caller sa halip ay napabilis ang pagsang-ayon niya sa bet ng kaibigan. “Ok, what’s the plan?” Mas gugustuhin pa niya na sakyan ang kabaliwan ng kaibigan kesa makipagharutan sa babaeng wala yatang bait sa sarili. “Bakit dito?” nakamasid sa labas na tanong niya kay Val. Kinuha nito ang susi ng sports car niya at ito mismo ang nag-drive na pinagsisihan niya na hindi muna inalam kung saan sila papunta. “Wait here, may kakausapin lang ako.” Lumabas ito at lumapit sa isang nakaparadang kotse. Lumabas ang driver nito saka iniabot sa kanya ang susi habang nag-uusap. Maya maya ay umalis ang driver. Nakangiting lumapit si Val sa kanya habang nakataas ang kamay nito na may hawak na susi ng kotse. Nakasimangot na napilitan na lang siyang lumabas ng kotse. “Ang daming lugar pero dito mo pa talaga napili, huh?!” sabi niya sabay pahaklit na kinuha ang susi sa kamay nito. “Of course, marami daw magagandang chicks dito sabi ni Dad kaya dito ka talaga nababagay,” balewalang sagot nito. Naglakad siya papunta sa kotse at tuloy umupo sa driver’s seat. Napatango naman siya habang inililibot ang mata sa loob ng sasakyan. Mabuti naman at maayos at malinis ang sasakyang napiling ipagamit sa kanya nito. Umupo sa passenger’s seat si Val at iniabot ang cellphone na gagamitin niya. “Here is your temporary phone, Mr. Driver at naka-set na ‘yan. So, all you have to do is to wait for your subject. And just do what I told you, ok? And don’t forget to give us a call until midnight.” Binuksan niya ito at pinag-aralan ang sinasabi nitong app na kakailanganin niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay natutunan niya na kung paano gamitin iyon nang maayos at tingin naman niya ay hindi siya papalpak. Naiiling na lang niyang inilagay ang cellphone sa holder nito na nakadikit sa dashboard ng kotse. At dahil sanay naman sila sa adventure ay madali lang sa kanya ang ipinapagawa nito. Maya maya ay lumabas na si Val sa kotse pagkatapos ay inihagis naman niya rito ang susi ng kotse niya. “Drive safely, dude!” nakangising paalam nito sa kanya na dumungaw pa sa bintana. “And don’t forget your precious yatch. Nakaabang na ang destination ko kung sakaling pumalpak ka,” nakakalokong paalala nito. “You wish!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD