Chapter 22 : Park

1678 Words
Masayang nakikita ni Daniel ang kaniyang mga kasama na masaya. “Guys, ano? Let’s go?” tanong ni Daniel sa kaniyang mga kasama “Tara tara Daniel!” masayang tugon ni Chloe sa kaibigan. Nag-lakad na si Daniel, at sumunod naman agad sina Joshua, Chloe at Stephanie. Nagpunta muna sila sa may entrance. “Good Afternoon Sir.” Pag-bati ng gwardya na nakatayo at nagbabantay sa entrance. “Good Afternoon din, mga kasama ko,” pahayag ni Daniel sa gwardya. At hinayaan ng gwardya na makapasok ang tatlo nina Stephanie. “Pasaan tayo Daniel?” tanong naman ni Joshua sa kaibigan “Ahm, basta, gusto mob a mag-cr muna?” pabalik na tanong ni Daniel sa kaibigan. “H-hindi, hindi. Mamaya nalang,” tugon naman ni Joshua “Sige, tara sa elevator,” pag-aaya muli ni Daniel. Nag-lakad patungo ang mga ito sa elevator at pumasok. Pinindot ni Daniel ang numerong 20th floor kung saan nandoon ang kaniyang kwarto at napansin naman iyon ni Stephanie, “2o? ang taas naman noon,” pahayag nito. Napangiti lamang ang binata sa sinabi ni Stephanie. At ng nandoon na sila, ay naglakad muli si Daniel. Nagulat si Chloe sa napansin niya, “D-Daniel? Ang laki ng pintuang yan. Pasaan tayo diyan?” tanong ni Chloe sa kaibigan. Hindi naimik si Daniel dahil gusto nitong surpresahin ang mga kaibigan, hindi nila alam ay bago sila pumunta doon ay tumawag si Daniel ng isang assistant kung saan inutusan niya iyon na bumili ng pagkain para sa kaniyang bisita. Pinipindot na ni Daniel at code, ng biglang may umimik. “Welcome, Mr. Carter,” Nagulat naman si Chloe, “Ay! Ang sosyal may pa welcome, hahaha!” pahayag ni Chloe Papasok pa lamang sila, ay napanganga na si Joshua. Ng makita niya ang isang sofa na napakalaki at pagkain sa harapan nito ay tumakbo na agad ito patungo roon. “Hoy! Ang bilis ah! Ako diyan!” pahayag naman ni Chloe habang patungo rink ay Joshua, Habang si Stephanie naman ay nagmamasid sa paligid na tila ay hindi parin niya akalain na kay Daniel iyong kwarto. “Sayo ba talaga ‘to Daniel?” tanong nito sa kaibigan “Ahm, Oo. Nagulat lang din ako noong dinala ako nina Mom and Dad dito, masyado kasing malaki para sa akin, at tsaka alam kong mahal ang nagastos nila dito, nakakapanghinayang din, pero syempre thankful din naman ako,” tugon ni Daniel sa kaibigang si Stephanie “P-pero mukhang ayos naman kayo ng tatay mo ah, akalain mo binigyan ka ng ganito kalaking kwarto,” pahayag ni Stephanie “Sana nga ganoon padin siya hanggang ngayon, pero nagbago na kasi siya ngayon. And I hate him like sobra,” pahayag ni Daniel Habang nag-uusap ng seryoso ang dalawa ay tinawag ang mga ito ni Chloe. “Huy! Kayong dalawa, punta naman kayp dito, sinasarili niyo usapan ah,” pahayag ni Chloe sa mga kaibigan. Agad namang nagpunta ang dalawa kayna Joshua at Chloe, “Nag-abala ka pa talaga na bumili ng pagkain, okay lang naman kahit wala,” pahayag ni Stephanie kay Daniel. “Ano ka ba, okay lang yun. Mga kaibigan ko kayo, maliit na bagay lang yan,” tugon naman ni Daniel habang papaupo sa upuan ang dalawa. “Anong maliit na bagay?! Sobrang laking bagay na nito sa amin no!” pag-singit naman ni Joshua sa usapan ng dalawa ni Daniel at Stephanie habang nakain. “Pero salamat padin ah?” pahayag ni Chloe sa kaibigan. “Wala yun, anytime,” tugon naman ni Daniel. “Ahm, matanong ko lang. saan dito ang park na sinasabi mo?” tanong ni Stephanie kay Daniel. “Oo nga? Saan Daniel?” tanong naman din ni Chloe. “Gusto niyo na talagang makita?” tanong naman ni Daniel sa mga kaibigan, “Oo naman!” tugon naman ni Joshua. Dahan-dahang kinukuha ni Daniel ang remote  ng kwarto kung saan mapapagalaw niya ang mga gamit sa loob, at pinindot niya ang button para sa kurtina. Nagulat ang mag-kakaibigan na biglang nag-bukas ang kurtinang malaki, “Nasaan ang park? Eh binuksan mo lang naman ang kurtina eh,” saad ni Chloe kay Daniel “Tumayo kayo diyan, tapos pumikit kayo. And then maglakad kayo, humawak kayo sa akin,” pahayag ni Daniel sa kaniyang mga kaibigan. “Tapos?” tanong naman muli ni Stephanie “Yan na, malapit na. Stop! Hahhahaa!” pahayag ni Daniel Nakangiti si Daniel habang nakatingin sa mga kaibigan, “Now open your eyes and look down,” pahayag nito Nanlaki ang mata nina Stephanie, Chloe at Joshua sa nakita nila. Hindi lang basta-basta ang park ang nakita nila kung hindi napakalaking park at halos kulay berde ang kanilang nakikita sa dami ng mga puno. “Woooooah! Ang gandaaa,” reaksyon ni Chloe habang pinagmamasdan ang park na nasa baba. “Sa inyo to bro? seryoso?” tanong muli ni Joshua kay Daniel At tumango naman si Daniel sa tanong ni Joshua habang nakangiti. “Grabe, ang ganda Daniel. Ang damin tao sa baba,” pahayag ni Stephanie “Ang daming puno no? yan kasi ang gusto ni mom ang makakita ng madaming puno, at tinupad naman yun ni Dad,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan. Napatingin naman si Chloe sa kaibigan si Daniel, “Grabe pala ang pag-mamahal ng tatay mo noon sa mama mo no?” pahayag nito. “Oo, kung alam mo lang. Miss ko na nga ang makasama siya kung saan saan, actually ako ang may hiling n asana may park diyan katabi ng company naming,” tugon ni Daniel “Seryoso? Bakit park?” tanong naman ni Stephanie “Kasi gusto ko, kapag break time ni Dad at naiuwi nila ako dito sa Pilipinas. Gusto ko nakakasama siya, kasi ganoon siya before noong nasa States kami,” pahayag ni Daniel “Ang lungkot naman niyan,” pahayag ni Joshua “Oo, nakakapanibago. Na ang dating nangyayari sa amin at pinapangarap ko pagdating dito, iba naman ang kinalabasan bigla. Nag-iba ang ihip ng hangin, kaya alam niyo noong panahong may driver pa ako, nandyan ako lagi sa baba. Yan lamang ang ginagalaan ko,” pahayag ni Daniel Mahaba pa ang oras ng mag-kakaibigan at sa haba ng oras na iyon ay marami na silang napapag-usapan tungkol sa buhay ni Daniel at unti-unti ng nakikilala ang isa’t-isa. Sa haba ng oras nila na magaganap ay hindi nila alam na hinahanap sila nina Sydney kasama ang grupo niya. “Grabe, ilang oras na tayo dito sa school, umattend na rin tayo ng class pero wala pa din akong nakitang Stephanie,” pahayag ni Sydney sa mga kasama niya “Oo nga, baka may pinuntahan sila somewhere else,” tugon naman ni Sofia “I think so, kasi napansin ko sa parking lot wala ang sasakyan ni Daniel,” saad naman ni Gabriella Nagulat naman si Sydney sa sinabi ni Gabriella, “Bakit ngayon mo lang sinabi?!” tanong ni nit okay Gabriella. “Eh malay ko bang balak mong malaman pati sasakyan?” tugon naman ni Gabriella “Alam niyo, let’s go. Do you have your car with you Gaby?” tanong ni Sydney kay Gabriella “Oo, nandoon sa parking lot. Pasaan naman tayo?” tanong ni Gabriella sa kaibigan “Basta, magpapasama ako sayo sa company kung saan nagwowork si Dad. You want to join Sofia?” pahayag naman muli ni Sydney sa mga kaibigan “Oo naman, basta kung saan kayo G ako,” tugon naman ni Sofia “Let’s go,” pag-aaya ni Sydney sa mga kaibigan patungo sa parking lot Nagtungo na ang mag-kakaibigan sa parking lot, at balak na pumunta sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang tatay ni Sydney. Hindi nila alam ay nandoon ang magkakaibigan nina Stephanie. Mahaba-haba na ang usapan na napagusapan nina Daniel, Stephanie, Chloe at Joshua, kaya’t niyaya na ni Daniel ang mga ito sa baba kung saan nandoon ang park. “Let’s go, ayokong magtagal kayo dito baka mapagalitan kayo ng matrona niyo,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan. “Tara tara, excited na ako,” tugon naman ni Chloe sa kaibigan. At sabay-sabay na silang lumabas ng kwarto at tumungo na muli sa elevator. Ng makababa na sila sa building, ay nag-tungo na sila sa gate ng park. Napansin din ni Chloe na may gwardya doon. “Bakit may gwardya din dito? Mahigpit ba dito?” tanong ni Chloe kay Daniel “Ahm, Oo. Hindi naman sa mahigpit, gusto ko lang na safe ang mga tao na pumupunta dito, you get my point?” tugon ni Daniel sa kaibigan, “Oo nga naman, may point din si Daniel. Eh matanong ko lang, sayo din ba nakapangalan itong park?” tanong naman ni Joshua sa kaibigan. “Before, kay Mom. Ngayon, inilipat na sa akin ni mom. Dati walang guards dyan, nag-palagay lang ako para sa safety ng mga tao,” tugon naman ni Daniel kay Joshua “Ayos ka din talaga no Daniel? Mas iniisip mo parin ang kapakanan ng mga tao dito,” saad ni Stephanie sa kaibigang si Daniel. “Syempre naman, mukha bang hindi? Hahahhaa!” tugon ni Daniel “Oo, mukha ka kasing suplado dati. Masyadong seryoso ang mukha, hindi namamansin sa mga babae na nasa paligid, misteryoso ang dating alam mo ‘yon?” pahayag ni Chloe kay Daniel. “Ganon talaga ako pagdating sa public. Hindi ako ganoon palakausap or namamansin ng ibang tao, lalo na kung babae,” tugon ni Daniel sa mga kaibigan “Ayaw mo ng hinahabol ka ng mga chix?” tanong ni Joshua “Ayoko ng ganoon, napakasimple ko para paghabulan,” tugon ni Daniel “Sana ako nalang ikaw, palit nalang kaya tayo ng katawan? Hahahaha!” saad naman muli ni Joshua At masayang nag-tawanan ang mag-kakaibigan, ng makapasok na sila sa loob ng park ay nag-lakad-lakad na ang mga ito. Nag-libot sila sa loob ng napakalaking park, at sa unang beses nilang makapunta sa park. Kinuhanan sila ng litrato ni Daniel ng sama-sama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD