Chapter 20 : Plano

1731 Words
Nakapag-order na ang dalawa ni Joshua at Daniel ng biglang napansin ni Joshua na may mukhang seryosong usapan ang dalawa, kaya’t naisipan nitong lapitan agad ang dalawang kaibigan. “Huy! Ano na, naka-order na kami. Kayo ba? mukhang napaka-seryoso ng usapan niyo ah? Ano yun? share naman diyan!” pahayag ni Joshua sa dalawang kaibigan nina Stephanie at Chloe “Oo nga ano yun?” napatanong din naman si Daniel “A-ano kasi, si--,” napatigil si Chloe ng biglang hinila ni Stephanie ito. “Oorder na kami, umupo na kayong dalawa dun,” pahayag ni Stephanie habang hila-hila si Chloe sa mag-titinda. At nag-hanap na ng mauupuan ang dalawa, habang na-order sina Stephanie at Chloe biglang kinausap muli ni Chloe ang kaibigan “Bakit ayaw mo sabihin sa kanila ni Joshua? May problema ba?” tanong ni Chloe kay Stephanie “Sa tingin mo ba? mapag-kakatiwalaan natin si Daniel, tingnan mo nga muna sa kaniya,” tugon ni Stephanie. “Mamaya, pag-mamasdan ko siya pag nandoon na tayo kasama nila,” pahayag ni Chloe sa kaibigang si Stephanie. “Sige sige, ano ba kakainin mo?” tanong bigla ni Stephanie ng ibang usapan. Habang na-order ang dalawa nina Chloe at Stephanie, ay kinausap naman ni Joshua si Daniel. “Alam mo may pinag-uusapan ang dalawa eh, ayaw lang sabihin,” pahayag nito “Oo, kanina pa sila nag-uusap eh. Napansin ko rin kanina,” tugon naman ni Daniel “Alam mo na ang gagawin mo ah?” saad muli ni Joshua “Anong gagawin?” tanong naman Daniel “Tanungin ulit natin at wag natin palampasin ang ating mga katanungan. Ano g?” tugon ni Joshua “Ahm, okay? G,” tugon ni Daniel na tila nag-tataka kung anong ibig sabihin ng G na sinabi ni Joshua At ng natapos na ang pag-order ng dalawa ni Stephanie at Chloe ng pagkain, ay patungo na sila sa lamesa kung saan nakapwesto sina Joshua at Daniel. At habang nag-lalakad ay pinagmamasdan ng dalawang binata ang mga ito. “Anong tinitingin-tingin niyo?” tanong ni Chloe sa dalawa ni Joshua at Daniel “Ahm, Nothi--,” napatigil ng sagot si Daniel ng biglang sumingit si Joshua, “Eh kasi, ano nga ang pinag-uusapan niyo kanina ni Stephanie?” tanong muli ni Joshua sa kaibigan “Oo nga, what are you hiding? Wag kayo mag-try, alam naming meron,” pahayag naman ni Daniel Ng maka-upo ang dalawa ay umimik si Stephanie, “Wala naman kasi kaming pinag-uusapan,” “Wala, pero mukhang meron. Wag nga kami Stephanie,” pahayag ni Joshua Agad namang tumingin na si Chloe sa kaibigang si Stephanie at sumenyas na ito na sabihin na niya sa dalawa kung anong napag-usapang nila. Kaya’t muling umimik si Stephanie sa dalawang nangungulit. “Sige na, sasabihin ko na. Kasi kanina, diba nakita natin ang matrona? May kutob si Chloe na may kakaibang kilos ang matrona kanina,” pahayag ni Stephanie “And how do you say so? May powers ba si Chloe?” tanong ni Daniel kay Stephanie “Mahirap paniwalaan pero Daniel, mabilis makaramdam si Chloe sa nasa paligid niya lalo na sa tao. Kaya masasabi kong meron, at nalaman lang namin kailan lang,” pahayag ni Stephanie kay Daniel. “Hindi ka naman namin pinipilit na maniwala, pero naka-ilang ulit na kasi na nangyari na tama ang kutob ko sa nakapaligid sa akin,” saad naman ni Chloe “O-okay okay, gets. So anong meron naman kay matrona?” tanong ni Daniel “Yun nga ang hindi naming alam, basta kutob ni Chloe meron yan. At tsaka hindi naman yun pupunta ng school kung walang rason eh,” tugon muli ni Stephanie “Oo nga, sobrang imposible kung wala siyang pinuntahan don o nakausap man lang, at tsaka kita mo! Kasama pa si ate Cristina,” pahayag naman ni Joshua. “Ano ang dapat gawin ba? para malaman natin?” tanong muli ni Daniel “Stephanie! Paano kung nalaman niya na nagpapadonate tayo sa ibang tao ng emosyon?” gulat na pag-kakatanong ni Chloe ng bigla niyang naisip iyon. “Oo nga no? lagot tayo ngayon, kailangan hindi iyon malaman ng matrona dahil kapag nalaman, baka imposible ng magkaroon pa ako ng iba pang emosyon,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan, “Oo nga, ang haba pa pala ng kailangan nating gawin,” saad naman ni Joshua “What if wag tayo sa school mag-lagay ng donation box? What if sa park or sa ibang lugar nalang para safe?” tanong ni Daniel ng maisip niya ang idea na iyon. “Oo nga Stephanie? Nasa sa iyo pa ba ang libro? Baka nawala mo na ah?” tanong ni Chloe sa kaibigan “Pwede pwede, at kung pwede sana yung malayo-layo sa school or kahit sa bahay ampunan para maiwasan ang masamang sitwasyon na pwede mangyari,” pahayag naman ni Joshua. “Sige sige, ahm may alam kabang lugar Daniel?” tanong ni Stephanie kay Daniel At nag-isip-isip si Daniel ng ilang lugar na napuntahan niya, at iyon ay sa park kung saan katabi lamang ng company ng pamilya nila. “Meron! Meron akong naisip na lugar,” tugon ni Daniel “Saan?” tanong ni Chloe “Sa city, katabi ng company naming. May park doon na pinagawa ng family naming, and maraming tao doon palagi, if it’s okay with you?” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan “Okay lang ba kung tingnan natin?” tanong ni Stephanie “Oo naman, later punta tayo doon. Tsaka malayo-layo yun ng kaunti dito,” tugon ni Daniel “Yun! okay na, wala na tayong iisipin. Kunin nalang natin yung box sa classroom, diba doon yun nakatago?” tanong ni Joshua sa mga kaibigan, “Ahm, wala tayong pag-tataguan noon, hindi natin madadala yun sa bahay ampunan lalo na at palaging naglilibot ang matrona, okay lang ba Daniel na sayo muna ang box?” tanong ni Chloe “Okay lang naman. Pag-kakain, just wait me here okay? Kukunin ko yung isang sasakyan sa bahay para hindi masyadong maliit yung space natin,” pahayag ni Daniel “Naks Daniel, big time ka ah,” saad naman ni Joshua “H-hindi hindi no, wala lang naman talaga sa akin ang sasakyan eh. Regalo lang yun ng Dad ko noong birthday ko, kaso Im’ so mad at him, kaya hindi ko palagi ginagamit,” tugon ni Daniel sa kaibigan, At napatingin naman sa kaniya sina Stephanie at Chloe, “Okay ka lang ba?” tanong ni Chloe “Yes, I’m fine. Kaso galit talaga ako sa dad ko, swear,” tugon ni Daniel “Bakit? Anong problema?” tanong muli ni Chloe “Lagi niyang inaaway si mom ng walang dahilan, pag-kakauwi ko minsan from school. Laging may pasa si mom na bago,” tugon naman ni Daniel “shiiiiiz! Kahit ako magagalit ako,” tugon ni Joshua sa kaibigan “Grabe naman yang tatay mo Daniel, bakit hindi niyo i-try na umalis sa inyo?” tanong ni Chloe kay Daniel “Ayaw ni mom, dahil mahal na mahal niya si Dad. Kilala niya kasi si dad, hindi daw siya ganon. Nagkaganoon lang daw noong siya na ang may-ari ng company na hawak dati ng lolo at lola ko,” tugon ni Daniel “Grabe, grabeng mag-tiis ang nanay mo Daniel, pero kung sobra na eh bakit hindi niyo muna mag-try na umalis muna sa inyo?” tanong naman ni Stephanie “Alam niyo, kung kaya ko gagawin ko. Kaso si mom, hindi niya maiwanan si Dad,” tugon naman muli ni Daniel “Bro? ampunin niyo nalang kaya ako?” pabirong tanong ni Joshua sa mga kasama At natawa din naman si Chloe sa biro ni Joshua, “Napakaseryoso ng usapan, napaka KJ mo talaga!” pahayag ni Chloe kay Joshua “Para mapangiti kayo, masyado na kasi kayong malungkot lalo na si Stephanie oh,” tugon naman ni Joshua sa mga kasama, “As if namang mapapatawa mo si Stephanie, eh hindi pa naman siya nakakaramdam ng saya. Puro lungkot ang na-donate sa kaniya,” pahayag muli ni Chloe kay Joshua “Seryoso??” gulat na pag-kakatanong ni Daniel, “Oo, hindi pa yan nakakatanggap ng saya,” tugon ni Chloe, “Bakit? Bawal ba kapag galing sainyo?” tanong muli ni Daniel sa mga kaibigan, “Bawal, kami kasi ang kasama niya na tumutulong sa kaniya,” tugon naman muli ni Chloe. Napapaisip si Daniel, “Ahm, hindi ko kasi alam kung papasok yung saya kapag nag-donate ako lalo na’t may pinag-dadaanan ako eh, sorry ah?” pahayag ni Daniel sa kaibigang si Stephanie “Ano ka ba, okay lang yun. Hindi ko naman minamadali ang emosyon na gusto kong makamit eh, alam ko naman kasi na kahit gaano katagal pa yan, lalapit at lalapit sa akin iyon kung para sa akin talaga,” saad naman ni Stephanie “Nakakainip no? dalawa na ang kinaiinipan ko, Hahahaha,” tugon ni Chloe “Ano naman yun?” tanong muli ni Joshua “E di ang ampunin at ang mag-karoon ng kakaibang emosyon na si Stephanie,” tugon naman muli ni Chloe “Oo nga no,” saad naman ni Joshua “Kahit kailan ba hindi pa kayo napipili ng isang mag-asawa na napunta sa inyo sa bahay ampunan?” tanong ni Daniel “Napili, kaso sinayang naming yung oportunidad na mapili,” tugon naman ni Joshua “Ako din, ayoko kasing iwan si Stephanie na mag-isa sa bahay ampunan lalo na’t ako ang ka-close niya,” tugon naman ni Chloe “Naks naman, para hindi totoo,” saad bigla ni Stephanie sa kaibigan, “Totoo ha, nag-pumiglas ako noon kay Ate Cristina nung hawak niya ako at balak ibigay sa mga aampon sa akin, kaso sabi ko iba nalang,” tugon muli ni Chloe “Mabait naman pala si Chloe, hindi lang halata,” pahayag ni Joshua ng may pang-iinsulto. “Tumigil ka nga diyan! Totoong kaibigan kasi ako ni Stephanie, ikaw hindi hahaha,” tugon ni Chloe kay Joshua “Tingnan mo itong dalawa na ‘to, mag-aaway na naman,” pahayag ni Daniel Naging maganda ang usapan ng mag-kakaibigan habang nakain. Hindi nag-tagal ay natapos na nila ang kanilang kinakainan at naisipan na ni Daniel na umuwi saglit at mag-palit ng sasakyan na gagamitin nila patungo sa city.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD