One Week Later.. After the proposal ng boss ko sa fiance' niya na ngayon na si Miss Andrea, hindi ko na rin nakita man lang si Ace. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko parang may malaking bahagi ng buhay ko ang nawala na hindi ko maintindihan. God knows na wala akong feelings sa'kaniya pero, bakit noong nawala siya na-miss ko ang presensya niya. Ginugol ko ang bawat araw ko sa pagta trabaho, kung minsan inaaya ako ni Zach para lumabas. Nang minsan nasa office ako ng boss ko bigla na lang nag ring ang cellphone nito. Pasimple kung sinilip kung sino ang natawag. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Ace. Gustuhin ko man na sagutin ang tawag niya bigla akong nahiya lalo na't dumating na ang boss ko at kinuha ang cellphone niya. "Yes! Mara, may kailangan ka ba?" tanong ng boss ko. "W-W