Kabanata 7

1503 Words
Maaga pa lang ng tawagan ako sa HR ng Forrester Company. This is it pancit! Ito na ang sagot sa lahat ng problema ko, wala pa man ay iniisip ko na at pinapasok sa isip ko na positive ang mangyayari sa'akin. Heto lang ang tanging paraan ko para makuha ko sa masamang damo ang mga kapatid ko. Ayokong nakakaranas sila ng ganyan sa murang edad. Ayaw kong danasin nila ang dinanas ko ng noong bata pa lamang ako. Na sa murand edad ay nakikipag sapalaran na sa kalye makatulong lang sa pang araw-araw na gastusin sa bahay. Kung minsan naiisip ko kung hindi ba naglalabada si Nanay, buhay pa siguro ito. Pero hanggang sana, sana, sana na lang talaga ako. Matapos akong maligo at makahanap ng susuotin pinili ko talaga ang damit na presentable para sureball na makakapasa ako sinuklay ko ang mahaba kung buhok na hanggang baywang at hindi ko na inabalang ipuyod man lang hinayaan ko siyang bumagsaka lang. Lumabas na ako ng apartment at nag hintay na may dumaang tricycle, kung sinu swerte nga naman ako dumaan si Pablito ang tricycle driver na may gusto sa'akin. "Mara, saan ang punta mo?" tanong nito pero hindi sa mukha ko nakatingin, as usual sa mayaman kung dibdib. "Hoy! Pablito, 'yong mata mo saan saan na naman nakatingin, dukutin ko yan gusto mo?" tanong ko sabay amba nang dalawang daliri ko patungong mata nito. "Ikaw naman Mara my labs ko, hindi naman mabiro dyan." anya. "Tigil tigilan mo ako Pablito, kapag ako sinugod ni aling Rosalinda na asawa mo sasakalin talaga kita." banta ko rito sabay sakay sa loob. "Sungit mo talaga, para sabihin ko sayo hindi ko asawa 'yon--- sasagot pa sana itong muli, pero binara ko na siya. "Pablito, alam ko na mga karakas mo. Sa kanto lang ako. Salamat." sambit ko. "Bahala ka kong ayaw mong maniwala. Basta ako nagsasabi ako ng totoo." paliwanag nito. "Gago!! Wala kang maloloko dito. Sige na baba na ako." wika ko. Oh! bayad ko. Nag abot ako ng bente pesos rito. Kinuha niya ang bente pesos at imbes na sa bulsa nito ilagay, nilagay ba naman sa gitnang bahagi ng dibdib ko. "Aba! Gago ka talaga, upakan na kita. Kung ayaw mong mag pabayad. Bahala ka sa buhay mo." singhal ko. Sabay lakad at pakendeng kendeng na pumasok ng Forrester Hotel. Buti na lang talaga malapit lang ang apartment ko sa lugar na 'to. Hindi na ako mahihirapan mag byahe kung dito na ako magta-trabaho. "Good morning ma'am," bungad na bati ng nakangiting guard ngayong araw. "Good morning kuya." nakangiting sagot ko rin rito. "Good mood ka yata ah!!" wika niya. Good luck sayo." dagdag pa nito. Nginitian ko na lamang si kuyang guard sabay pasok ko sa loob ng elevator. Paakyat na ako ng third floor kung saan naroon ang office ni sir Stevenson. Sinadya ko talagang mag-suot ng pa-sexy baka sakaling maakit sa'akin." usal ko. Pero nang nasa tapat na ako ng office nito, nakita kung palabas ito ng office kasama ang isang babae at may kasamang batang lalaki. Ouch! heartached kaagad. May asawa na pala ang boss ko. "Good Morning sir and ma'am at sayo pogi," bati ko rito sabay hawak ng baba niya. Nginitian niya ako at nakita ko tuloy biloy niya. Hindi man lang nila ako pinansin at base sa mukha ng babae ay badtrip ito. Kaya hinayaan ko na lamang silang maka alis. Nag hintay na lang ako sa loob at naupo. Ilang minuto lang rin naman bumalik na si sir Stevensons at kung dati kinikilig pa ako rito, pwes ngayon hindi na lalo sa nakita ko. May pamilya na pala siya. "You must be Mara Cruz?" hindi ko namalayan na tanong nito. "Miss, are you okay?" muling tanong nito. "Yes! sir." sagot ko. "Okay! So, are you my secretary replacement?" tanong nito. "Opo," saad ko. Alanganin man dahil hindi ko alam ang pinag sasabi niya. "I see. You can start by tomorrow. Pag pasensyahan muna rin ang asawa ko. Buntis kasi," wika nito. "Okay lang sir," sagot ko. "Okay! You may go home now, and see you tomorrow." wika ni sir Stevenson. "Thank you sir." mabilis na sagot ko. Lumabas ako ng Forrester Company na nakangiti. Dala ang pag-asa na magiging maayos ang simula ng pagta trabaho ko rito. Mukha naman kasing mabait ang CEO maliban lang sa asawa nya napaka mataray at mukhang selosa pa. Pero hindi ako pwedeng sumuko, dahil kailangan kung makapag ipon para mabawi ko ang mga kapatid ko sa sakim na baklita na 'yon. Akala nya ba makukuha niya ako sa mga paandar niyang ganyan. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para pumayag na maging s*x slaves ng mayamang bilyonaryo sa bansa. Nakita ako ni Manong guard at kinamusta kung anong nangyari sa interview ko kanina. Nag thumbs up lang ako at ngumiti rito bago lumabas ng pinto. Kasalukuyang naghihintay ako ng jeep habang nakatayo sa init ng kalsada ng may kaskaserong driver ang biglang humarurot patungo sa kinaroroonan ko kaya napa atras ako bigla. Biglang umakyat ang kulo ng dugo ko sa ulo ko, dahil sa kaka atras ko tumilapon ako sa gilid. Nang maka kuha ng lakas mabilis akong tumayo at pinagpag ang mini-skirt ko na nadumihan, sinugod ko ang kulay itim na kotse.. "Hoy! Tarantado ka, anong tingin mo sa sarili mo hari ka ng highway. Bumaba ka dyan gago." sigaw ko sabay hampas ng kotse nito sa may harapan. Dahil sa tinted ang kotse ni Ace, hindi siya nakikita ng babae pero siya kitang kita niya ang babaeng palengkera na nagwawala sa labas. "Boss, lalabasin ko ba?" tanong ng isa sa body guard niya na si Brown. "Sige, bigyan mo ng limos, para manahimik." sagot ko. Sabay bukas ng ipad ko para mag-check ng ilang kaganapan sa social media account ko. Bumaba naman si Brown para kausapin ang dalagang nag e-eskandalo sa labas. "Miss beautiful, anong sa'atin." magalang na tanong ni Brown. "Anong sa'atin pinag sasabi mo dyan. Sino ka ba? Nasaan ang amo mo, gusto kung maka usap. Sabihin mo sa'kaniya hwag siyang mag da drive ng parang nabili niya ang buong kalsada," inis na singhal ko, dahil talagang napikon ako sa nangyari. "Miss beautiful pasensya ka na. Ako talaga ang nagda drive, hindi kasi kita nakita. Heto ang pera gamitin mo sa pag papagamot mo, kung gusto mong mag pa ospital." wika nito sabay abot ng pera sa kamay ko. "Teka! Ano to, Manong? Hindi ko kailangan ng pera niyo. Ang gusto ko ay--- Hindi ako nakapag salita ng biglang may bumaba na lalaki mula sa likuran, bigla akong nabatubalani sa kagwapuhan nito. Kahit na naka suot ito ng shades kitang kita mo ang kagwapuhan nito. Hindi ko namalayan na lumapit na pala ito sa kinatatayuan ko. "Brown, I told to give her money. That's it!" may diing wika nito. "Hoy! Gago ka! Hindi ako mukhang pera, saksak mo yang pera mo sa baga mo." inis na wika ko. "Okay! Stranger get lost. Masyado ka nang abala. Kung ayaw mo ng pera, baka itong baril ko ang gusto mo." wika nito sabay kilos na akmang dudukot ng kaniyang baril. Imbes na masindak ako sa gagong 'to. Mabilis pa sa alas-kwatrong dumapo ang palad ko sa mukha nito. "Abay! Tarantado ka talaga ano. Muntik niyo na nga akong mapatay kanina, babayaran niyo pa ako at ngayon babarilin mo ako." sigaw ko rito. Nakita ko ang pag salubong ng kilay nito at ang pag-igting ng mga panga niya. Gumalaw rin ang adams apple nito sabay himas sa pisngi nito na sinampal ko. "Remember this day Miss." wika niya sa matalim na boses. Sabay hawak ng mukha ko at tapik nito. "Let's go Brown. Sinasayang mo lang ang oras natin para sa babaeng yan." huling salita nito bago tumalikod at sumakay ng kotse. Sumunod naman kaagad ang tinawag nitong Brown. Wala na akong nagawa nang humarurot ito ng alis. Napaka gago talaga, bweset!!! Malakas na sigaw ko, pero alam kung malabo na nitong marinig ang mga pagmumura ko. Hwag lang talagang mag krus ang mga landas naming muli, makikita ng hinayupak na 'yon. Gwapo sana kaso bastos at hambog. Naglakad na ako at nag abang ng jeepney para sumakay pauwe ng apartment. Nang maka kita ako ng jeep na palapit sa kinatatayuan ko, kaagad ko itong pinara para makasakay na ako. Medyo mag gagabi na rin kasi kaya kailangan ko ng makauwi ng apartment. Bumaba ako sa tapat ng Blumentrit sa Manila, doon kasi malapit ang apartment na kinuha ko para mas malapit lang rin ako sa mga na-applyan ko kamakailan lang. Maswerte lang na natanggap agad ako sa Makati at sa sikat na company pa. At ang masaya pa roon, makakasama ko araw-araw ang gwapong boss ko.. "Gaga! Ambisyosa may asawa't-anak na nga diba?" hiyaw ng baliw kung isip. Na kahit kailan talaga palaging kontra sa mga gusto ko.. Hanggang makauwe ako ng apartment siya ang laman ng isip ko at kung paano ako makakaganti sa abnormal na lalaking 'yon. Humanda siya! Lintek lang ang walang ganti... Nakakagigil!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD