Chapter 30

1034 Words
" Saka ko na lang yun poproblemahin tay. Sa ngayon akin lang si Cael. " Sabi ko saka tiningna. Ko ang anak ko. Nagpapasalamat ako na kamukha ni Papa ang anak ko. Atleast makitaan nila ito hindi nila malalaman na anak ito ni Primo. Hinayaan ako nila Papa sa gusto ko. Pagkaraang ng dalawang linggo bumalik na ako sa pagaaral ko. Sa bahay nga lang kaso hindi pa ako pinapayagan ni Papa na pumasok sa school dahil baka mabinat ako. Pagkalipas ng apat na taon grumaduate ako sa korsong Business ad. Tuwang tuwa sila Papa at tatay Kanor dahil Mataas ang karangalan na nakuha ko. "Sabi ko na nga matalino ka anak. Hindi ka lang nagaayos magaral noong nasa Hacienda ka kasi sunod ka ng sunod kay Seniorito Primo." Sabi ni tatay Kanor. "Mama bakit po kayo sumusunod sa seniorito Primo na sinasabi ni Lolo?" Tanong ng anak ko na tatlong taon na. "Ha? Ah, wala yun anak wag mo ng isipin yun?" Sabi ko dito saka sinubuan na lang ng pagkain. Nahawakan naman ni tatay ang bibig niya. Sinabi ko kasi sa kanila na wag na wag nilang bibigkasin ang pangalan ni Primo kapag kaharap ang anak ko. Matanong kasi ito. Pero napaka pikunin kagaya ni Primo lagi lang din naka kunot ang noo. Kaya natatawa ako dito. Masyadong spoiled ang anak ko sa Papa ko lagi silang magkasama. Pinasok akong Personal assistant niya sa opisina niya dahil tinuturuan niya ako sa pagpapatakbo ng business namim. Dapat ko daw matutunan ang lahat dahil iiwan niya daw yun lahat sa akon balang araw. Akala talaga ng nasa opisina asawa ako ni Papa. Hinayaan na lang namin sila. Kahit ang ibang ka business partner ni Papa. Pagkalipas ng isang taon ako na ang pinahawak ni papa ng negosyo namin. Lagi na kasing nagkakasakit si Papa. Lagi silang magkasama ng anak ko. Kinuha ko ng personal na yaya ni Cael si Lydia. ***PRIMO POV#*** Mabilis lumipas ang panahon 2 years na mula ng umalis siya dito sa Hacienda. Pero hindi ko parin makalimutan ang mga pangungulit niya sa akin. Hindi rin naging maayos ang relasyon namin ni Crystal. Masyado kasi siyang demanding at selosa. Lagi siyang tamang hinala. Lahat na lang pinagseselosan niya. Nakakasakal na. Kaya nagpasya na akong makipaghiwalay sa kanya. May balak akong pumunta sa ibang bansa para doon tapusin ang pagaaral ako. Dahil pagdating ko dito ako na ang hahawak sa lahat ng negosyo na iniwan ng mga magulang ko at ni Lolo. Nagbabakasakali ako na maligaw siya dito sa Hacienda para makahingi man lang ako ng pasensiya sa ginawa ko sa kanya. Alam ko na nagkamali ako. Pero kahit ni Anino niya hindi ko na nakita. Ayaw din sabihin ni mang Kanor kung nasaan siya. Tahimik na daw ang buhay niya sa maynila. Kaya wala akong nagawa. Pero sa totoo lang hinahanap hanap ko ang pangungulit niya sa akin. Lalo na kapag nasa taniman ako. "Si Zane. Na namam ang nasa isip mo no?" Tanong sa akin ni Reeve. Hindi ako umimik. "Ikaw kasi kung nakinig ka lang sa amin sana hindi ka nagsisi ng ganyan. " Sabi niya sa akin. " Kung alam ko lang ba na nasa puso ko na siya nung time na yun di sana hindi ko na hinayaan pang umalis na siya. " Sabi ko. Napatingin siya sa akin. " Kinain ka kasi ng Pride mo hindi mo matangap na magkakagusto ka sa isang kagaya lang ni Zane. Kaya ginamit mo si Crystal para ipakita sa lahat na hindi kagaya ni Zane ang gugustuhin mo. Pero ang totoo hiinahanap mo din siya araw araw. Kaya nga pumupunta ka parin ng taniman kahit alam mo na bwibwisitin ka lang niya. Minsan sinasadya mo pang dumaan kayla mang Kanor para sundan ka niya. Hindi mo matangap sa sarili mo yun kaya lagi mong pinapakita na galit ka sa kanya. Ang hindi mo alam nasasaktan din siya sa ginagawa mo. Kaya nung hindi na niya kaya pa kusa na siyang lumayo sayo." Sabi ni Reeve. Umiling na lang ako sa kanya. " Alam mo bagay talaga sayo yang kukunin monb korso.." Sabi ko sa kanya. " Kailan ba ang alis mo?" Tanong niya sa akin. " Bukas na." Sabi ko sa kanya. " Pareho na kayong nasa ibang bansa ni Xian." Sabi nito. " Kumusta na nga pala yung taong yun?" Tanong ko kay Reeve. "Ayun walang tigil sa pakikipagaway. Actually hawak na niya ang Mexico." Sabi ni Reeve. "Hindi na talaga nagaral ang loko na yun no." Sabi ko dito. "Kahit hindi na naman yun magaral matalino pa sa atin yung loko na yun kung gugustuhin lang nun. Sa totoo lang sa kanya nga nagtatanong si Kian tungkol sa business nila. " Hindi na talaga siya bumalik dito kahit nung mamatay ang mga magulang niya." Sabi ko. "Pinangako niya na babalik lang siya dito kapag may narating na siya." Sabi ni Reeve. "At ngayon unti unti na niyang nagagawa." Sabi uli nito. Hindi na lang ako umimik. Ako hindi ko pa alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin. Sa pagalis ko. Kinabukasan maaga pa ako umalis papuntang US dun ko tatapusin ang pagaaral ko. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagaaral. Para hindi ko na siya malala. Mabilis lang lumipas ang mga araw. Hangang ang araw naging linggo at lnggo naging buwan. Hangang sumapit ang araw ng pagtatapos ko ng pagaaral. Umuwi ako ng Pilipinas. Tuwang tuwa si lola sa akin. Nagkaroon ng konting salo salo sa bahay. "kumusta Bro balita ko isa kana ring lieutenant ngayon?" Sabi ko kay Reeve. "Yeah! Pero balak ko bumuo ng grupo ng mga agent at magtayo ng sarili kong opisina." Sabi niya sa akin. " Pumapayag naman yata sila Tito e. " Sabi ko sa kanya. " Oo payad naman sila." Sabi niya saka tumungga ng alak. Tiningnan ko lang siya. Hindi na ako uminom buhat ng mangyari yun nung malasing ako. Mula nun hindi na ako tumikim man lang ng alak. " Ikaw Zuriel anong balak mo ngayon? " Tanong ko dito. " Siguro magaaral pa ako sa US. Doon ko tatapusin ang pagaaral ko kagaya ni Primo. " Sabi nito. Lawyer kasi ang kinukuha nito kagaya ng Papa niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD