Nagulat ako ng tawagan ako ni tatay. Kinagabihan umiiyak ito sinisii niya ang sarili niya sa nangyari sa akin.
"Pano nangyari yun Zane?" Tanong niya sa akin. Kwenento ko sa kanya ang lahat habang naiyak ako.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin anak? Bakit hinayaan mo na lang siya. Sana kung sinabi mo hindi ako pumayag na iurong natin ang kasal niyo."
Sabi niya sa akin.
" Alam ko na yun ang gagawin mo kaya hindi ko sinabi sa inyo. Ayoko ng ipilit ang sarili ko sa kanya. Wala siyang pagtingin sa akin kahit konti. Kaya kahit ipilit ko ang sarili ko sa kanya masasaktan lang ako hanggang huli." Sabi ko sa kanya na umiiyak.
" Ano ang plano mo ngayon na nagkabunga ang ginawa niya sayo? " Tanong niya sa akin.
" Itutuloy ko ito tay. Itutuloy ko din ang pagaaral hangat maliit pa ang tiyan ko. Aalagaan ko itong bata. Ipangako niyo tay na hindi niyo sasabihin sa kanila ang nangyari sa akin. Lalo na kay Primo. Ayoko ng isipin niya na ginagamit ko ang anak ko para makuha ko ang attention niya. Kaya ipangko niyo tay na kahit anong mangyari hindi hindi niyo sasabihin sa kanila kung anong nangyari sa akin at yung tungkol sa bata. " Sabi ko kay tatay na habang umiiyak ako.
" Sige na tahan na makakasama sa bata ang pagiyak mo. Pangako wala silang malalaman. Kung yan ang nais mo. " Sabi ni tatay sa akin.
" Salamat tay. Para din ito sa katahimikan naming lahat. " Sabi ko sa kanya.
Pinagpatuloy ko ang pagaaral ko. Hindi pa naman halata ang tiyan ko. Hindi naman mahirap ang pagbubuntis ko.
" Tumataba ka ma'am Zane. " Sabi ni Maria. kasalukuyan nasa kusina ako. Nagaantay maluto ang pinaluluto ko na pagkain kay manang.
" Haay, pano naman hindi tataba si ma'am. Araw araw ang daming pagkain na binibili ni sir para kay ma'am at sa baby niya. Kaya akal talaga ng mga kapit bahay natin babae talaga ni sir si ma'am lalo nat nalaman nila na nabuntis ito. " Sabi naman ni Nadia.
" Haay, hindi lang dito no. Pati sa opisina ni sir. Nung minsan nga may pumuntang impleyado ni sir sa opisina niya nakita na natutulog si ma'am Zane sa sofa. Nasalubong ko sila sa hallway. Pinaguusapan nila si ma'am Zane. Ang bata pa daw ng babae ng boss nila. " Sabi ni Lydia. Nagtawanan kami.
" Hayaan mo sila. Maganda nga yun paglumabas ang anak ko. May Papa na siya agad. Kahit nga sa school. Akal nila si Papa ang ama ng pinagbubintis ko. Natatawa na lang ako ." Sabi ko sa kanila. Medyo malaki na ang tiyan ko. Kinausap nga ako ni Papa kung gusto ko na sa bahay ko na lang ipagpapatuloy ang pagaaral ko. Sabi sa school na lang. Saka na lang pag malapin na akong manganak.
*****
"O dahan dahan ka ng pagbaba. Baka madulas ka mapano pa kayo ng apo ko. Dapat talaga dito na sa ibaba ang silid mo. Hanagang sa makapanganak ka." Sabi ni Papa habang inaalalayan ako sa pagbaba sa hagadan. Dumating na kasi ang guro ko na magtuturo sa akin. Home study na kasi ako mula ng magwalong buwan na ang tiyan ko. Hindi na pumayag si Papa na pumasok ako sa schol kasi napapagod daw ang bata. Sa totoo lang nahihirapan narin naman ako kaya pumayag na ako.
Nagising ako na sumasakit ang tiyan ko kaya kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan ko si Papa.
"Papa! Manganganak na yata ako." Sabi ko dito. Bumangon ako sa higaan ko nagmamadali akong naligo. Paglabas ko nasa silid ko na si Papa.
"Ano anak aalis na ba tayo?" Tanong niya sa akin.
Habang hindi mapakali na nakatingin sa akin.
"Opo papa." Sabi ko sa kanya. Magsusuklay pa sana ako ng buhok ko. Kaso sumakita na ng husto ang tiyan ko kaya napaupo ako.
"Ano anak kaya mo pa ba?" Tanong sa akin ni Papa ng mapatingin siya sa akin.
"Hindi na Papa ang sakit na talaga niya." Sabi ko sa kanya habang umiiyak na ako. Napamura ba siya ng makita na umiiyak na ako. Agad na binuhat niya ako at lumabas na ng silid ko.
" Wayne! Ihanda ang sasakyan. Manganganak na si Zane!! " Sigaw niya sa driver ko. Natataranta na inilabas nito agad ang sasakyan.
"Ang cute cute naman ng apo ko." Sabi ng Papa ko ng ipasok ang baby ko sa silid ko. Isang lalake ang naging anak ko. Naluluha ako na pinagmamasdan ko ito. Kamukha ito ng Papa ko. Palibhasa pinaglilihian ko yata siya nung pinagbubuntis ko ang anak ko. Kaya gusto ko lagi ko siyang nakikita. Kaya madalas na nasa opisina niya ako at laging nakayakap ako sa kanya. Kaya akala ng mga empleyado niya babae niya ako.
"Oh, Albert anong ipapangalan natin sa apo mo?" Tanong ng Doctor ko. Kaibigan siya ni Papa. Siya ang nagalaga sa akin ng mula ng malaman namin na buntis ako. Tumingin sa akin si Papa.
" Cael Aguilar po ang pangalan ng anak ko." Sabi ko sa doctor. Tumingin ito kay Papa. Tumango si Papa sa kanya.
"Kamukha mo ang apo mo lalo lang mapagkakamalan na anak mo yan." Sabi nito kay Papa. Natawa si papa.
"Pinaglihian kasi ako nito. Halos hindi na umaalis sa tabi ko." Sabi ni Papa. Natawa ang doctor ko. Kinagabihan dumating si tatay. Tuwang tuwa ito ng makita niya si Cael.
"Hindi ba talaga nagbabago ang pasya mo? Ayaw mo ba talagang makilala nila si Cael. Alam mo bang nagtatanong siya tungkol sayo pagkaraan ng ilang buwan mula ng umalis ka. Nagalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sayo. Humingi siya ng tawad. Handa naman daw niyang panagutan yun." Sabi sa akin ni Tatay. Napayuko ako. Nasasaktan parin ako kapag siya ang napaguusapan. Bumabalik ang sakit na nararamdaman ko.
"Kung hindi lang ako nangako sayo baka sinabi ko na sa kanya ang nangyari sayo. Pero dahil nangako ako sayo. pinigilan ko ang sarili ko." Sabi niya sa akin.
" Nakokonsensiya lang siya Papa. Hindi namin kailangan ni Cael ng awa. Sapat na sa amin kayo ni Papa. Magiging masaya na kami." Sabi ko kay tatay.
" Pano kung maghanap ng ama ang anak mo? " Tanong ni Tatay sa akin.