Chapter 3

1685 Words
Kanina pa ako naghihintay dito sa Beanch ng school. Hinihintay ko na makita ang pagdating niya. Para ganahan ako sa kalase. Siya kasi ang nagbibigay ng lakas sa akin para pumasok. Maya maya nakita ko na ang pagdating niya tumayo ako. "Hi, Primo magandang umaga!" Bati ko dito. Kumunot agad ang noo nito ng makita ako. Nagtawanan ang mga kasama niya. "Magandang umaga daw Bro." Sabi ni Xian sabay bunggo sa braso nito. Pero hindi umimik si Primo. "Magandang umaga Zane, Ang aga mo ngayon ah." Sabi nito sa akin. "Kailangan e. Maaga kasing pumapasok ang pampagana ko." Sabi ko. Tumawa si Xian. "Narinig mo yun Bro. Vitamin ka pala nito." Sabi naman ni Reeve. Nagtawanan sila. Inis na tiningnan ako ni Primo. "Ewan ko sa inyo." Sabi nito saka iniwan kami at nilapitan ang bagong dating na si Crystal. "Good morning Crystal. Tulungan na kita." Sabi nito. Biglang nagbago ang mood. Saka nagtatawanan na pumasok na sila sa loob. "Pakipot lang yun." Sabi ni Reeve sa akin. Saka nagpaalam na sa akin. "Alam ko naman yun. Kaya nga lalo ko siyang nagugustuhan." Sabi ko na kikinikilig pa. Saka maganang pumasok na sa klase. Pagdating dun sige lang ang drawing ko ng Mukha niya. Hinahayaan lang ako ng mga teacher ko. Kasi minsan na nila akong pinaginitan. Pero lagi silang napapahiya kasi kahit anong tinanong nila sa akin nasasagot ko naman. Kaya hinahayaan na lang nila ako. Kinabukasan Inabangan ko siya na dumaan sa bahay kasi lagi yun dumadaan sa bahay kapag pumupunta sa taniman. Sige lang ang kuha ko ng damo saka hinahagis ko. "Bakit parang wala ka yatang lakas diyan?" Tanong ni tatay sa akin.Hindi ako umimik. "Wala ka bang balak pununta ng taniman?" Tanong uli ni tatay sa akin. Hindi parin ako umiimik. "Kung hindi ka pupunta sa taniman mabuti pa dalahin mo na lang ang mga ito sa malaking bahay." Sabi uli ni tatay. Tiningnan ko ang mga kaing ng prutas na nasa gilid ng bakod namin. "Kung si Seniorito Primo ang inaatay mo na dumaan diyan. Mamumuti na lang ang mata mo diyan. Hindi mo siya makikita na dadaan dahil may ginagawa sila sa bahay nila na project sa school. Kaya hindi ito makakapunta sa taniman. Pero kung pupunta ka sa malaking bahay baka makita mo pa siya." Sabi ni tatay sa akin. Napatingin ako sa kanya.Saka mabilis na tumayo. "Eto ba ang dadalahin sa malaking bahay tay?" Tanong ko sa kanya na bigla na lang akong nagkabuhay. Saka walang ano ano na binuhat ang mga ito sa tricycle. "Alis na ako tay." Sabi ko sa kanya saka pinaandar ang tricycle. Napailing na lang ito sa akin. Pagdating ko sa malaking bahay. Binati ko ang guard dito. "O Zane bakit ikaw ang pumunta dito nasan ang mga tauhan ni Kanor?" Tanong ni Lola Amor sa akin. "Ayos lang lola. Kaya ko naman saka wala naman po akong ginagawa." Sabi ko kay lola. Saka hinanap ng mata si Primo. Tinawag ni lola Amor ang mga katulong para buhatin ang mga kaing. "Mabuti pa iha halika muna at mag kape." Sabi nito sa akin at hinawakan ako nito sa kamay. Dinala ako sa may gilid ng bahay sa tabi ng pool. Nakita ko sila Primo na may ginagawa sa sala. Kita sila sa may pool. Pinaupo ako ni lola. Nakita ko na kinalabit si Primo ng kaklase niya. Napatingin ito sa akin. Kumunot na naman ang noo nito ng makita ako. "Maupo ka Iha." Sabi ni Lola Amor. Nagpakuha ito ng kape sa katulong. "Kumusta na pala sa taniman? Hindi na ako nakakapunta dun ngayon kasi masama ang pakiramdam ni Lolo mo." Sabi ni Lola Amor. Napatingin ako sa kanya. "Kumusta na po pala si Lolo?" Tanong ko kay Lola Amor. "Naku ayun at sinusumpong na naman ng high blood niya." Sabi ni Lola Amor sa akin. "Ayos lang naman po sa taniman. Sa katunayan po marami po kaming naani noong nakaraang linggo." Sabi ko kay Lola Amor. "Sabi nga nila. Kinagalitan ka nanaman daw ni Primo." Sabi ni Lola Amor. "Ah, yun po ba. Wala po yun Lola. Ganun lang po talaga maglambing sa akin si Primo. Pero ang totoo lola. Hindi kompleto ang araw niya kapag hindi ako nakikita." Sabi ko kay lola Tumawa ito sa akin. "Kaya nga ng malaman ko na hindi siya makakapunta ngayon sa taniman ako na lang ang pumunta dito. Para naman gumanda ang araw niya." Sabi ko uli. Tiningnan ni Lola Amor si Primo nagkakamali mali ito sa ginagawa. Kaya hindi na maipinta ang mukha. "Mukha ngang nagsisismula ng gumanda ang araw ng apo ko." Sabi ni Lola Amor sabay tawa. "Alam mo iha nakakatuwa ka talaga. Minsan iniisip ko kung makikita lang ni Primo ang mga bagay na meron ka siguro gaganda lagi ang umaga niya. Maganda ka naman mabait, Hindi ka man mahilig magaral pero alam kong may akin kang talino at higit sa lahat masipag ka." Sabi ni lola Amor na mula ako. " Lola naman wag naman masyado baka mamaya maniwala na ako niyan. Saka wag niyo pong masabi sabi yan sa apo niyo baka mamaya mainlove sa akin ng tuluyan ang apo niyo Kayo din. Baka mamay ayain na lang ako ng kasal niyan aba hindi ko hihindian yan. " Tuloy tuloy na sabi ko. Tawa ng tawa si Lola Amor sa akin. " Wala naman problema dun maganda nga yun kung mangyayari yun. Sa totoo lang iha boto kami sayo." Sabi uli nito. Namula na naman ako. " Si lola naman. Kinakabahan tuloy ako. " Sabi ko saka kumamot sa ulo ko. Tumawa uli ito. "Nakakatuwa ka talaga iha. Hindi ka marunong mag tago ng nararamdaman mo." Sabi uli nito. Sige ito tawa Ilang minuto din ako naglagi sa malaking bahay. Kaya nagsawa ang mata ko sa kakatingin kay Primo. Pero ni minsan hindi man lang ako nito pinansin. Pero masaya na ako na minsan niya akong tiningnan kahit hindi maipinta ang mukha niya ayos lang para sa akin ang gwapo niya parin. Pa sipol sipol pa ako na umuwi. Pinarada ko ang tricycle. "Mukhang napaganda mo na naman ang araw ni seniorito." Sabi ni tatay. "Si tatay talaga. Pano niyo naman na laman na gumaganda ang araw ni Primo kapag nakikita niya ako?" Tanong ko kay Tatay. "Pano hindi gaganda ang araw nun kung ano ano ang ginagawa mo sa tuwing nakikita mo siya." Sabi ni tatay sa akin. " Ay diyan kayo nagkakamali tay. Dahil wala akong ginawa sa kanya ngayon. Sa katunayan nagkwentuhan lang kami ni Lola Amor sa tabi ng Pool." Sabi ko sa kanya. " Talaga lang ah, hindi mo nilapitan si seniorito Primo? " Tanong niya sa akin. " Hindi nga tay, Kaya nga siguro mainit ang ulo nun kasi hindi ko siya nilapitan. Kaya siguro nagkakanda mali mali sa ginagawa niya yun. Sabi ko na nga ba. Gusto din nun na nilalapitan ko siya. Nagpapakipot lang talaga yun. " Sabi ko kay tatay. Binatukan ako nito. " E kung ikaw kaya ang magpakipot kahit minsan lang. " Sabi nito sa akin. Napakamot ako sa ulo ko. " Hindi kaya bagay sa akin yun tay. Kay Primo pa bagay. Lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko." Sabi ko saka nangarap na naman. " Haay, Kung saan na naman mapupunta yang utak mo. Mabuti pa pumunta kana ng hanganan tingnan mo ang mga tauhan dun kung ayos lang sila. " Sabi ni tatay sa akin. kakamot kamot ako ng ulo na pinuntahan ang kabayo ko. Pinuntahan ko ang hanganan. Pagdating ko dun binati ko ang mga trabahador. " Kumusta na po kayo dito?" Tanong ko sa kanila. " Ayos lang kami dito Zane, Minsan lang sinisira ng tauhan sa kabila ang bakod. Napalingon ako sa bakod. Nakita ko na nagkakasagutan ang matanda at ang tauhan sa kabila. Nilapitan ko ito. "Ano pong problema tatang?" Tanong ko dito. "Haay, kasi itong mga ito Zane hindi kami pinapayagan na magtanim dito ng Piña." Sabi ng matanda. Tiningnan ko ang mga lalake. "Mga kuya, bakit niyo naman po binabawalan sila na magtanim dito ng Piña e lupa pa naman po ito ng Villa real." Sabi ko sa kanila. " Uy miss, Wag ka ng makialam. basta bawal sila magtanim diyan tapos." Sabi ng isang lalake. " Ay hindi naman po pwede yun. Dapat kayo po ang hindi nakikialam dito dahil hindi na po ito sakop ng mga Samañego. dahil lampas na po ito ng bakod niyo." Sabi ko sa kanila. " Abat, talagang gusto mong sumali talaga ah. E kung halikan ka na lang kaya namin. Baka tumahimik ka no. " Sabi ng isa. Saka nagtawanan sila. Napakunot ang noo ko. " Sino naman ang may sabi sayo na gusto kong magpahalik sa isang mukhang susu. " Sabi ko dito Nagtawanan ang mga nagtatanim saka ang mga kasama niya. Namula ang lalake. " Mukhang susu ka daw Banong." Sabi ng isa na tawa ng tawa. "Dahan dahan ka ng pagtawa kuya sa laki ng bunganga mo baka magsipasok diyan ang mga insekto magbahay sila sa loob kasya pa naman ang bahay ng pulutpukyutan diyan. " Sabi ko lalong nagtawanan ang mga nagtatanim. Tumigil sa pagtawa ang lalake nagalit ito. " Naku mas masama pala pag seryoso ka kasi lumalaki ang butas ng ilong mo. Dahan dahan ka ng paghinga kuya baka mahigop mo kami ha. " Sabi ko sa kanya. Inis na naglabas ito ng baril. " E kung paputukan ko na lang yang ulo mo? " Sabi niya sa akin. " Etong ganda kong to papuputukan mo? Subukan mo lang kuya hindi pa ako kinakasal sa mahal kong si Primo. Baka mapasubo ka. " Sabi ko dito. Aktong Iaangat nito ang kamay niya ng may tumawag sa loob sa mga ito. Inis na siniksik agad nito ang baril niya sa bewang niya. Saka inis na tiningnan ako nito. Magsasalita pa sana ako kaso inawat na ako ng matanda na nasa tabi ko. " Kinabahan ako sayong bata ka? " Sabi ni Tatang sa akin. " Wala yun tatang mayayabang lang ang mga yun sige na po magtanim na po kayo diyan." Sabi ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD