"Pustahan pa tayo may gusto sa akin yan."
Sabi ko sa kanila. Natawa na lang sila sa akin.
"Ayaw niyo maniwala na pakipot lang yan." Sabi ko saka nagpunas ng kamay ko at lumakad palapit kay Primo.
"Uy Zane, ano na naman ang gagawin mo?" Tanong nila sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila. Saka binuhat ang plastik ng abono. Lumapit ako kayla Primo. Napalingon sila sa akin.
"Mang Berto idagdag niyo na po ito diyan sobra po to sa nilagay namin." Sabi ko sa matandang lalake.
"Akina at mukhang kukulangin nga kami dito ng abuno." Sabi nito saka lumapit sa akin. Ng aktong iaabot ko na ito. Kunyari na dulas ako dahil tinapakan ko ang malambot na lupa na nakita ko. Babagsak sana ako sa lupa. Pero nasalo ako ni Primo. Napasigaw ang matatanda sa gulat. Akala nila babagsak ako sa lupa kasama ang abono na hawak ko.
"Haay, ikaw talagang bata ka sa tuwing nandito si seniorito lagi ka na lang nadidisgrasya. Pano hindi ka nagiingat." Sabi ni mang Berto saka kinuha ang plastik ng abono sa akin.
"Pano laging lutang, na kay seniorito na lang ang isip niya." Sabi naman ng ibang kabataan. Pagtingin ko kay Primo pulang pula ito.
"S.. Salamat seniorito. Buti na lang lagi kang nandiyan para sa akin." Sabi ko dito. Kumunot ang noo nito.
"Next time use your brain. Bago mo gawin ang isang bagay. Para hindi ka nadidisgrasya lagi." Sabi nito saka nagpaalam na sa matandang kausap niya. Naiwan ako na nangangarap.
"Naku, nagalit yata si seniorito." Sabi ng matanda na kausap ni Primo.
"Hindi po, nahiya lang yun kasi nakita niyo ng saluhin niya ako. Ang gwapo talaga ni seniorito Primo no manang. Lalo na kapag namumula siya." Sabi ko na kinikilig pa. Napailing na lang sa akin ang mga ito.
"Haay, ikaw talagang bata ka minsan iniisip ko sinasadya mo na ang mga bagay bagay para lang makuha ang pansin ni Seniorito." Sabi naman ni Mang Berto.
"Kayo naman mang Berto, kahit hindi ako magpapansin kay seniorito papansinin parin ako nun. Lihim kayang may gusto sa akin yun." Sabi ko sa kanila. Natawa sila sa sinabi ko.
" Zane pag nanligaw ba sayo si Seniorito Primo sasagutin mo agad? " Tanong ng isang matanda sa akin.
" Ano kaba mang Isko. Matagal na kaming may relasyon niyan. Hindi lang namin sinasabi pero lagi kaming nagkikita. " Sabi ko sa kanila napalingon sila sa akin.
" Talaga Zane? Saan naman kayo nagkikita ni seniorito? " Tanong naman ng isang matanda na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
" Sa panaginip lagi kaming nagkikita dun. Kasi dun malakas ang loob niyang aminin na mahal niya din ako kaya boyfriend ko siya dun. Hayaan niyo manang kapag lumakas na ang loob ni seniorito na magtapat sa akin ng nararamdaman niya. Aayain ko na siyang magpakasal at dito kami sa Hacienda ikakasal para malaman niyo na mahal niya talaga ako. " Sabi ko sa kanila.
" Diyaske kang bata ka akala pa naman namin totoo ng may relasyon kayo ni seniorito. " Sabi ni mang Isko. Nagtawanan ang mga kababata ko.
******
Maaga pa gising na ako magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil wala kaming pasok sa school. Nitong nakaraang araw hindi na ako makatakas sa klase dahil nangako ako kay tatay na hindi na tatakas sa klase. Kasi pag tumakas pa ako ihahatid na niya ako sa maynila. Ayoko mangyari yun kaya nagtino muna ako hanggang sa kumalma si tatay.
"Zane saan ka pupunta? Ang aga aga hindi ka pa nga nagaalmusal." Sabi ni tatay sa akin.
"Sa taniman tay. May mga dala naman na pagkain sila mang Isko makikikain na lang ako." Sabi ko kay tatay. Saka pinatakbo ko na ang kabayo ko. Napailing na lang ito sa akin.
"O, Zane! Ang aga mo na naman ah." Sabi ni Mona sa akin.
"Ano kaba Ani ngayon kaya kailangan maaga tayo para makarami tayo." Sabi ko sa kanya.
"Pagdating dito ang sigla sigla mo at aga mo pang gumayak. Samantalang pag papasok ka sa school tamad na tamad ka. Lumalakas ka lang pag nakita mo na si seniorito Primo."
Sabi ni Jekjek sa akin. Binato ko ito ng bunga. Nasa taas kami ng puno. Nasa ibaba naman sila Isabel at mona.
"Paunahan tayo kung sino ang makarami ngayon o." Sabi ko sa kanila.
"Oo ba hindi na kami magpapatalo sayo akala mo ah." Sabi naman ni Dario. Kaya nagkakatuwaan kami na manguha ng bunga. Ng biglang sitsitan ako ni Dario. Napalingon ako sa kanya.
"Nandiyan na yung boyfriend mo sa panaginip." Sabi ni Dario sa akin. Napalingon ako dito.Nakita ko na parating si Primo sakay ng kabayo.
"Ang gwapo niya talaga para siyang prinsepe sa isang libro." Sabi ko sa kanila saka niyakap ang bunga. Natawa sila.
"Kung prinsepe siya ano ka naman?" Tanong ni Mona sa ibaba.
"Ano pa e di ang prinsesa niya. Ang hina niyo talaga. Alangan naman nanay niya. Ang bata ko naman para maging nanay niya no. " Sabi ko.
" Para naman nagbabasa ka ng libro. " Sabi naman ni Jekjek.
" Oo naman no. Minsan nga lang. " Sabi ko.
" Buti pa si Zane minsan lang magbasa may naalala ikaw Jekjek lagi mo na ngang kaharap ang libro mo wala ka manlang naalala kahit isang letra." Sabi ni Dario. Nagtawana sila. Nakita namin na bumaba si Primo sa kabayo niya saka itinali Ito sa puno na kinalalagyan ko. Binati ito nila Mona. Ngumiti lang ito sa kanila.
"Magandang umaga seniorito!" Bati ko dito.
Tumingin ito sa taas. Saka napakunot ang noo nito.
"Kanina maganda pero ngayon hindi na." Sabi niya saka umalis.
"Parang kagabi lang, sinasabi mo sa akin na hindi kompleto ang araw mo kapag hindi mo ako nakikita at ang sweet sweet mo pa. Tapos ngayon ang suplado mo na naman kaya lalo akong naiinlove sayo." Sabi ko dito. Inis na lumingon ito.
"Where? In your dreams?" Inis na tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Inis na tiningnan ako nito ng masama.
"O kitam sabi ko na nga ba. Nagkikita tayo sa panaginip kasi alam na alam mo." Sabi ko sa kanya. Lalong namula ito sa inis.
"Pwes mangarap ka na lang dahil hindi magkakatotoo yun." Sabi nito na inis na inis sa akin. Saka tumalikod na. Tawa ng tawa sila Dario.
"Bilib na talaga ako sayo Zane hindi ka pumapalya sa pagsira ng araw ni Seniorito." Sabi ni Dario.
"Ulol." Sabi ko dito saka binato ito ng bunga. Nagtawanan sila
"Ah basta ako. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Ang gwapo talaga ni Seniorito." Sabi ko saka niyakap ang sanga ng puno at tinitigan siya habang nagmamadaling lumayo sa amin. Napailing na lang sila sa akin.