Halos naisin ng maligo ni Valine dahil sa sobrang lagkit kung makatitig si Creon sa kaniya. Kahit noong nasa sasakyan pa lang sila at nagmamaniho ito ay panay na ang nakaw tingin sa kaniya. Ngayon na kabababa lamang nila ng sasakyan ay ramdam na niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod.
‘Tama ba ’yong ginawa kong pang-aakit kay ninong? Parang kinakabahan yata ako sa mga gagawin niya. I mean hindi naman namin ito first time na gagawin, pero ngayon . . . mag-asawa na kami. I'm already ninong's wife legally.’ Natampal ni Valine ang kaniyang noo dahil nagpadalos-dalos siya nang ayain itong mag-honeymoon sila. ‘Kasalanan ko rin naman. May honeymoon plan para sa ’min si ninong after naming makabisita sa Villa Samotcha. Pero sinira ko ’yon dahil ayaw ko pang pumunta roon . . .’ Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Valine.
“V, may problema ba?” anitong nakahawak na sa braso niya. Valine could see kung paano ka mapaglaro ang mga ngiti ni Creon.
‘’Yan ’yong mga ngiti na talagang may binabalak.’
“V? Are you okay?” Is there something wrong?” Pinipilit nitong hawakan ang kaniyang baba upang magkatitigan sila. Ginagap din nito ang kamay niya at bahagya iyong pinipisil.
“Uhm . . . hah? Wa-wala . . .” Pagak na tumawa si Valine sabay hila nang bahagya paalis sa kamay ni Creon.
“Don’t tell me nagba-back out ka na?” Nakataas ang kilay ni Creon na pinagmasdan siya. Natigilan naman si Valine at agad na nag-isip ng palusot.
“Hindi naman sa ganun, ninong. It's just too sudden. ’Di ba. Saka hindi mo rin sinabi na pakakasalan mo na pala ako. I thought you wanted to be Farrah. Binigla mo ako nang nagpakasal tayo sa huwes.” Namumula ang mukha ni Valine habang sa siya ay nagpapaliwanag.
“Shhh . . . that's enough. Stop talking about someone else and just focus on me. Will you?” Tumango naman si Valine sabay iling. “Come on. Pumasok na tayo sa loob. Kahit panay ang ulan ay maalinsangan pa rin ang paligid. This weather is bad for you.” Hinapit na siya ni Creon sa bewang bago sila nagsimulang humakbang.
Sa pagpasok nila sa mansyon ay pinauna na siya ni Creon na magtungo sa silid nito—ang master’s bedroom. Sa pagpasok ni Valine sa loob ng silid ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa sobrang lakas ng t***k ng kaniyang puso.
“Come on, Valine! Kalma. Kalmahan mo lang . . . sana nga po ay kumalma na ako.” bulong niyang may kalakip na dasal. Tumingala pa siya sabay bahagyang tap sa kaniyang dibdib. “Bakit ba ako kinakabahan nang ganito? Hindi namin ito magiging first time!” untag ni Valine sa sarili niya. Tumingin siya sa may wall clock at napalunok.
“Three pm pa lang . . .” Sa kaniyang paglingon ay nahagip ng nga mata niya ang isang itim na pinto. ‘Ninong’s obsession . . .’ Napangiti si Valine. Agad siyang nagtungo sa likuran na bahagi ng master’s bedroom kung saan ay naroon ang mga collection ni Creon —ang mga vintage limited edition wine. Makikita mula sa labas ang ibang wine sa peeking glass ng bakal na pinto.
“Noon ay sumisilip lamang ako rito. Pero ngayon ay narito na mismo ako sa loob. Not to mention na magiging pag-aari ng anak ko ang lahat ng mga ’to. Noon ko pa gustong pumasok diyan. But how could I ever do it before? Nahihiya ako kay ninong . . . Nahihiya pa rin naman ako ngayon. Medyo may konting confidence na nga lang sa sarili ko.” Marahan na tinulak ni Valine ang mabigat na pinto.
“Huh? How come? Naiwan ba ’to ni ninong na bukas?” Napailing si Valine na nagpasyang pumasok na. Immediately her eyes glimmer with fondness and amazement nang naamoy niya ang kakaibang samyo ng silid.
“Amoy pa lang ay nakalalasing na . . .” Isang malapad na ngiti ang namutawi sa kaniyang labi nang mahagip ang pangarap niyang matikman na wine.
“I could even touch these bottles if I really wanted to. Lalo ka na . . .” naglalaway niyang turan. ‘Matitikman kaya kita? Hah! Itong wine collection pa lang ni ninong ay hihiga na ako sa salapi. ’Di baleng nawala sa ngayon ang pamana sa ’kin ni Mommy. Kukunin ko rin ’yon ’pagdating ng panahon.’ Nangunot naman ang noo ni Valine nang naalala niya si Farrah matapos makita ang isang itim na bote. ‘Mukhang budhi ni Farrah sa itim . . .’
“Ano kaya ang magiging itsura ni Farrah ’pag nalaman niyang nakapasok ako sa collection room ni ninong. Heh! Ano pa kaya ’pag nalaman niyang kasal na kami ng lalaking matagal na niyang inaahas sa ’kin.” Panay ang salita niya habang titig na titig sa iba’t ibang bote.
Nang nagsawa sa harapan na bahagi ay marahan siyang umikot sa likuran na bahagi nang napansing niyang mukhang may daanan doon.
‘Huh? May isa pang pinto rito. Cr? Nah! Baka tinatagong wine cellar ni ninong na mayroong nakatagong mas mamahalin pang wine . . .’ Kinikilig si Valine sa iniisip niya. Hinawakan niya ang siradura ng pinto.
“Valine . . .”
“Ahhh!” sigaw ni Valine nang may biglang humawak sa braso niya.
“Ni-ninong . . . Ikaw lang pala ’yan. Pinakaba mo ako roon ah.” Alanganin siyang ngumiti.
“Oh. I'm sorry. I didn't mean to do that. Come on, go back to bed. May dala akong food. I know you want some snacks.” Nakaramdam naman ng gutom si Valine nang marinig ang salitang snacks. ‘Gutom na naman ba ulit ang baby ko?’ Hinimas ni Valine ang kaniyang tiyan. Tatalikod na sana siya nang muli niyang naalala ang isa pang pinto kaya ay muli niya iyong tinitigan.
“V? Come on . . .” Valine jolted at humabol na kay Creon na nakatayo malapit sa pinto.
Nakangiti namang sumunod si Valine hanggang sa nakalabas sila.
“You left the door open kaya ay pumasok ako. I'm sorry at ’di ako nakapag paalam. Baka biglang nagbago ang temperature sa loob ng wine cellar sa pagpasok ko . . .” Nabahala naman si Valine dahil hili na nang naalala niya ang maintained wine cellar temperature.
“It’s okay, V. May temperature regulator sa loob. Kaya kahit pumasok at lumabas paminsan-minsan ay ayos lang.”
Nakahinga naman nang maluwag si Valine at pabagsak na umupo sa couch na nasa kabilang side ng silid.
“Are you tired?” Nakatitig lamang sa kawalan si Valine. Unti-unti namang lumapit si Creon sa kaniya na may bitbit na isang basong may lamang fresh pineapple juice.
“Medyo lang naman, ninong,” ani Valine na nag-lean sa couch at bahagyang pumikit.
“Here, V. Drink this.” Iminulat ulit ni Valine ang kaniyang mga mata at agad na tumambad sa harapan niya ang perpektong mukha ng kaniyang ninong.
Valine smiles mischievously . . . “Ang gwapo . . .” Kita naman niyang nangunot ang noo ni Creon. “I was just telling the truth, ninong. Sobrang busy mo na ba talaga at nakalilimutan mo ng manalamin? Kanina nga ay titig nang titig sa ’yo ’yong secretary ng judge. Kita na nga niyang naroon ka para ikasal.” Umirap naman si Valine.
“Are you jealous?”
“Sino ba namang hindi?”
“Here. Drink this. It is freshly picked and squeezed. I already told you stop thinking about anything . . .” Nakangiti namang kinuha ni Valine ang baso ng juice at sumimsim doon. ‘Oh . . . may na-spill sa damit ko. Ang sticky pa naman nito.’ Muli ay uminom si Valine sa hawak na baso.
“Uhmmm . . . ang sarap. Taste it, ninong.”
“Sure!” Nanlaki ang mga mata ni Valine nang excited na ngumiti si Creon.
“Sanda—” Wala ng nagawa si Valine nang dilaan ni Creon ang labi niya.
“Yeah. Masarap nga,” anitong nakangiti nang maloko. Namumula namang umirap si Valine sabay inom ulit ng juice. Habang tumayo naman si Creon at kumuha ng fruits na kahihiwa pa lang.
“Have some . . .” Binuksan naman ni Valine ang kaniyang bibig at sinubo ang hawak na sliced pineapple ni Creon.
Napapapikit si Valine habang ninanamnam ang lasa. ‘Ang sarap talaga ng Häwaiian pineapple nila ninong. Kaya sa tuwing nagpapadala siya sa Villa Samotcha ay nagtatago ako ng ilang piraso sa silid ko. Pinatatago kasi ni Farrah. Ang damut!’
“Nga pala, ninong. Ano nga pala iyong isa pang pinto sa wine cellar?” Nagmulat si Valine sabay subo sa nakahanda na grape sa kaniyang harapan. Tiningnan niya ang mukha ni Creon. She could see na nag-pause ito at naging seryoso ang facial expression. ‘Mukhang ’di naman ’yon stockroom. Baka stockroom ng secret.’ Valine's curiosity peeks.
“Oh . . . It's just a stockroom.” Muli namang pumikit si Valine sabay nguya. ‘Yayayain ko sanang kumain din si ninong. Pero baka itong nasa bibig ko na naman ang pagdiskitahan niya.’ Natatawang napailing su Valine sa kaniyang iniisip. ‘Pero talagang curious ako sa room na ’yon. At sa tulad kong namamatay sa curiosity, hindi talaga ako mapapanatag hangga't ’di ko nakikita ang gusto kong makita.’
“V, eat some more . . .” Nagmulat si Valine sabay ayos nang upo. ‘Sisilipin ko na lang ’yon ulit. ’Pag nasa-work na si ninong.’ “I know that smile, V. Alam kong may kalokohan kang naiisip.” Bumusangot naman si Valine sabay kuha sa tinidor na hawak ni Creon. Pinagmasdan niya si Creon sabay rolyo ng kaniyang mata. ‘Masyado ba akong obvious?’
“Wala akong iniisip na bad po.” Tinusok niya ang isang hiwa ng pineapple at Iniumang sa bibig ni Creon.
“I know you, V . . . But judging from your previous records, puro iyon kalokohan. Have you for—”
“Shhh . . . say a . . .” Malapad na nakangiti si Valine at hinihintay na makain ni Creon ang prutas na isinusubo niya. “Good! Masarap ’di ba?” Tumango naman si Creon. Dahil dito ay mas nasiyahan pa siya.
“Alam mo bang mabuti sa katawan ang pinya, V?” Inilapag ni Creon hita ni Valine ang bowl na may lamang hiniwang mga prutas.
“Of Course! Saka mabango rin po, ninong. Alam mo po last time nang kumain kami ni Jian ay nagtawanan kami kasi ang tamis ng amoy ng ihi ko,” natatawang kwento ni Valine.
“Oh . . . Alam mo bang hindi lang ihi ang nagiging amoy pinya, V?” Agad namang natakpan ni Valine ang kaniyang bibig dahil sa sensitibo niyang kwento. ‘Nagiging madaldal talaga ako ’pag kumportable ako sa tao. Buti na lang ay ’di ko naisali na pati popo ni Jian ay nag-amoy pinya rin.’ Valine was giggling sa loob niya.
“Pati rin po siguro pawis, ninong,” inosenting turan ni Valine at sinubuan pa ulit si Creon. Tapos ay siya na naman sumubo at pinagsabay ang pineapple at grapes. ‘Mukhang wrong move yata. Nahihirapan tuloy akong nguyain.’ Medyo natatawa si Valine dahil ramdam nitang may tumulong katas ng juice sa gilid ng kaniyang bibig.
“You eat like a chipmunk, V . . .” Natatawa namang pinunasan ni Creon ang gilid ng labi ni Valine gamit ang hinlalaki sa kamay. Akto namang dinilaan din ni Valine ang gilid bf kaniyang labi.
“Uhm! Matamis din po ang daliri mo, ninong . . .” Excited na humarap si Valine kay Creon. Only to find out na malagkit na naman siya nitong tinititigan. ”Ma-may dumi po ba ako sa mukha?”
“Yes . . . V.” Unti-unting inilapat ni Creon ang kaniyang mukha sa mukha ni Valine. “You look innocently gorgeous, V . . .”
“Ni-ninong . . .”