NAGSIMULA ang lahat sa isang itim at revealing na silk dress.
After party ng matagumpay na fashion show ng designer na si Anton Rump. Ang may-ari ng boutique kung saan ako nagtatrabaho. Imbitado ako at ang iba pa niyang staff sa party na ekslusibo lamang sa mga modelo, production crew ng show at sa mga VIP guest. Imbitado rin si Lizzy na isa sa mga stylist na tumulong kay Anton para maging matagumpay ang fashion show.
Ang plano ko nang gabing iyon ay dumalo sa party suot ang normal kong kasuotan. Jeans, pumps at ang blouse na gawa ni Anton na iniregalo niya sa akin noong naka-isang taon ako sa trabaho. Pero nang makita ako ni Lizzy ay bigla niya akong hinatak sa isang dressing room. “Hubarin mo iyan. Ito ang isuot mo. Bilisan mo para malagyan din kita ng make-up,” sabi ng kaibigan ko. Nang tingnan ko ang inabot niya sa aking dress ay nanlaki ang mga mata ko. Isa kasi iyon sa inirampa kanina sa fashion show. At isa sa paborito ko sa bagong collection ng boutique namin.
“Lizzy,” singhap ko habang pinagmamasdan iyon. Maganda at classy ang damit. Mababa ang neckline niyon. Ganoon din ang tabas ng likuran. At ang laylayan, kahit hanggang sakong ay hanggang kalahati ng hita naman ang magkabilang slit. “Babagay ba ito sa akin?”
Pinanlakihan ako ng mga mata ni Lizzy. “Shut up. Bagay sa iyo iyan. That dress is made for your body type.” Sabay turo niya sa dibdib ko. “Gusto kong makitang isuot ang damit na iyan ng babaeng malusog ang boobs. Besides, gusto kong maganda ka ngayong gabi.”
“Pero bakit?” tanong ko pero nagsimula na maghubad. Hindi rin naman kasi ako titigilan ni Lizzy hangga’t hindi ko sinusuot iyon. Isa pa, gustong gusto ko talaga ang damit na iyon.
“Ipapakilala kita kay James.”
Napahinto ako at manghang napatingin sa kaniya. Ngumisi ang kaibigan ko. “Oras na para gawan ng paraan ang pagsinta mo sa kaniya. And I want you to be so gorgeous he will not be able to resist you. Malay mo, magkaroon ka na ng s*x life sa wakas.”
Uminit ang mukha ko pero sumikdo naman sa antisipasyon ang puso ko. Kinakabahan akong makaharap at makilala ng personal si James pero hindi ko tatanggihan ang alok na iyon ng kaibigan ko. Lumunok ako. “Papansinin kaya talaga niya ako?”
“Of course! Ako ang bahala. Ipapakilala kita sa kaniya pagdating na pagdating natin sa party.”
Pero hindi natupad ni Lizzy ang pangako niyang iyon. Pagpasok pa lang namin sa club kung saan ginaganap ang after party ay may isang kakilala nang humatak sa kaniya kaya nagkahiwalay kami. Naiwan tuloy akong nakatayo sa entrada at medyo naiilang sa tinging ipinupukol ng mga lalaking nasa malapit. Lalo na ang tingin nila sa dibdib ko. Pinigilan ko ang udyok na takpan ang sarili ko. I don’t want to ruin the dress by doing that. Ako pa rin ang manager ng boutique namin at kahit hindi ako modelo, tungkulin kong pagmukhaing maganda ang likha ni Anton kapag suot ko. Kaya taas noo akong naglakad patungo sa bar counter. Doon ko hihintayin si Lizzy.
Umorder ako ng baso ng martini, sinimsim iyon habang iginagala ang tingin sa karagatan ng mga taong nagsasayaw sa dance floor. Tulad ng dati, sa tuwing alam ko na nasa iisang lugar kami ay hinanap agad ng mga mata ko si James. Naubos ko na ang laman ng bagong hawak ko ay hindi ko pa rin nakikita kahit dulo ng buhok niya.
Hindi kaya nasa kung saan na siya at may kasamang babae? Napaorder ako ulit ng martini sa naisip ko. Iginala ko ulit ang tingin sa paligid, ngayon ay sa madidilim na sulok na, kumikirot ang puso at nagtatalo ang kagustuhang makita siya at ang pag-asam na wala siya sa mga parteng madilim dahil ang ibig sabihin ‘non ay siguradong hindi siya nag-iisa.
“Are you looking for someone?”
Muntik akong masamid nang mas madama ko kaysa marinig ang mababa at mapang-akit na tinig na iyon sa kanan ko. At nang lumingon ako ay nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura ko nang makita kung sino ang kaswal na nakasandig sa bar counter, may hawak na baso ng alak sa isang kamay, halos kadikit ko na.
Si James Salgado. Sa malapitan.
Nakita ko nang maglakbay ang mga mata niya mula sa mukha ko, pababa sa katawan ko, tila ba sinasadyang magtagal sa dibdib kong halos ang mga tuktok lang ang natatakpan ng tela, pababa pa hanggang sa mga paa ko.
Uminit ang pakiramdam ko sa ginawa niyang pagpasada ng tingin sa katawan ko. Nahigit ko ang hininga nang sa muling pag-angat ng tingin niya ay magtagpo ang aming mga mata. Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. “That looks good on you. Sinasabi ko na nga ba at may kulang sa modelong nagsuot niyan sa show.”
Uminit ang mukha ko at natuwa sa sinabi niya. Ngumiti ako. “Thank you.”
“Do you want more of that?” tanong niya na sandaling tumingin sa hawak kong baso bago ibinalik ang tingin sa mukha ko.
Napasulyap din ako sa basong hawak ko. Sa totoo lang ay hindi ako malakas uminom. Hanggang dalawang baso lang ang kaya ng tolerance ko. Pero ayoko pang matapos ang sandaling iyon kaya tumingin akong muli kay James at matamis na ngumiti. “Sure.”
Kumislap ang katuwaan sa mga mata niya. Sinaid niya ang laman ng basong hawak niya. Hindi nilulubayan ng titig ang mga mata kong pinaraan niya ang dila sa mga labing basa ng alak.
May kumalat na init sa katawan ko. Hindi ko napigilang ibaba ang tingin sa mga labi niya. Kung ibang lalaki marahil ang gumawa niyon ay masagwa tingnan. Pero kay James, nakakabuhay ng laman. Nakakapanayo ng balahibo dahil sa paghagod ng antisipasyon sa aking katawan.
Kahit nang humingi siya ng panibagong maiinom sa bartender ay sandali lamang niya inalis ang tingin sa akin. Matagal kaming nag-usap. Mga impersonal na paksa. Nang may ibang mga babaeng naglakas loob lapitan siya para ayain sa kung saan ay sandali lamang niya tinapunan ng pansin ang mga ito. Nginitian niya ang mga babae at maayos na tumanggi. At nang nagpumilit pa ang mga ito ay bahagyang kumilos si James palapit sa akin, hanggang halos madama ko na ang init ng kanyang katawan. Saka lamang umalis ang mga babae, halatang mga dismayado at tinapunan ako ng naiinggit na mga tingin.
Sa simpleng pagkilos ng katawan ni James ay nagpadala siya ng isang mensahe. Sa gabing iyon, ako ang napili niya.
“Okay lang ba talaga na hindi ka sumama sa kanila? Sigurado ka ba?” tanong kong halos hindi humihinga.
Niyuko niya ako at makahulugang umangat ang gilid ng mga labi. “I never do anything I’m not sure of.”
Bumilis ang t***k ng puso ko. Dama ko ang panginginig ng mga kalmanan ko sa pagkasabik. Titig pa lang ni James, ang ngiting iyon pa lang, nagdudulot na ng nakakakiliting sensasyon sa bawat himaymay ng katawan ko. May init nang humihiwa mula sa tuktok ng mga dibdib ko pababa sa pagitan ng aking mga hita. Ni hindi niya ako hinahawakan. Kahit nang dumikit siya sa akin ay may ilang sentimetro pa ring espasyo sa pagitan namin. Pero tinititigan niya ako na para bang hinahaplos niya ang katawan ko sa isip niya.
“Hindi mo ba iinumin iyan?” tanong niya patungkol sa panibagong baso ng martini na hawak ko.
“I’m at my limit already.”
“Such a good girl,” mabagal na usal niya sa bawat salita.
“Depende kung ano ang depinisyon mo ng ‘good’.”
Umangat ang isang kilay niya, lalong humilig palapit sa akin hanggang ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa. “Are you flirting with me?”
Oh God, yes. Kung sa ibang pagkakataon, kung hindi madilim at kung hindi ako nakainom, baka hindi ako magkalakas ng loob. Pero mayroong kung ano sa gabing iyon, marahil ang s****l tension na kanina ko pa nararamdaman habang kausap siya, na nagpapatapang sa akin.
“Do you want me to?” tanong ko sa pinaka-kaakit-akit na boses na kaya ko.
Himbis na sumagot agad ay naging mapang-akit din ang ngiti niya. Nahigit ko ang hininga nang maramdaman ang magaan na paglapat ng mga daliri niya sa tagiliran ko, marahang humahaplos doon. Pagkatapos ay inilapit pa niyang lalo ang mukha sa akin at bumulong sa tainga ko. “Gusto mo bang gawin ang gusto ko?”
Hindi ko napigilan ang mapapikit sa sensasyong dulot ng mainit niyang hininga sa aking tainga. “Yes.”
“Kung ganoon ay inumin mo iyan. I want to see you swallow it all down,” bulong niya, halos nakalapat na ang mga labi sa tainga ko.
Napabilis tuloy ang inom ko ng martini. Nasaid ko agad ang laman ng baso. Napahiya ako nang maramdamang may lumampas sa mga labi kong likido, tumulo hanggang sa baba ko. Inangat ko ang kamay para sana palisin iyon nang –
“Let me,” pigil ni James. Takang napatingala ako sa kaniya. Umawang ang mga labi ko nang lumapat ang hinlalaki niya sa gilid ng mga labi ko, sensuwal na pinahid ang martini mula roon, pababa sa baba ko.
“Thank y –”
Hindi ko naituloy ang pasasalamat nang ang hinlalaking kanina lamang ay nasa gilid ng mga labi ko ay nasa loob na ngayon ng bibig ni James. Nakatitig siya sa aking mga labi habang marahan niyang sinisipsip ang hinlalaki, na para bang ninanamnam ang lasa ng martini – o iyon nga ba?
I unconsciously squeezed my thighs together. But the silk against my skin only made me feel more sensitive. At nakikita ko sa mga mata ni James na alam niya ang nangyayari sa akin. Katunayan ay parang ikinatutuwa niya iyon. Pagkatapos niyang sipsipin ang hinlalaki ay marahan naman niya iyong pinaraan sa ibabang labi niya.
Lumunok ako, nakatitig na rin sa mga labi niya. “Ano pa ang gusto mong gawin ko?” anas ko.
Pumailanlang ang mabagal at sensuwal na awitin sa loob ng club. Ibinaba ni James ang baso sa bar counter, dumeretso ng tayo at inilahad ang kamay. “Dance with me.”
“Iyan ang gusto mo?”
Tumango siya. Wala nang mapaglarong ngiti sa mga labi. Mas matiim na ang titig sa akin. “Iyon ang gusto ko.”
Napangiti ako. Lihim akong napabuntong hininga. At last! Ibinaba ko rin ang basong hawak ko at dumeretso ng tayo. Itinaas ko ang aking kamay at kinuha niya iyon. Pinaglingkis niya ang aming mga daliri. Saka ako hinatak patungo sa gitna ng dance floor.
Napakaraming tao doon. Siksikan. Kaunting galaw lang ay may pawisan at mainit na katawang mababangga. Pero ang sitwasyong iyon mismo ang dahilan kaya halos magkadikit ang aming mga katawan. Kaya hindi na namin tinangkang maglagay ng distansya sa pagitan namin sa pamamagitan ng mga salita.
Sapat nang nag-uusap ang aming mga mata. Sapat na nang magkaharap kami sa gitna ng dance floor ay marahan niya akong hinigit hanggang sa halos magkalapat na ang aming mga katawan. Sapat nang ang mga kamay niya ay nakahawak sa magkabilang tagiliran ko, humahaplos, sumasabay sa saliw ng mabagal na awitin; pataas hanggang sa ilalim ng dibdib ko, pababa hanggang sa balakang ko.
Napapapikit ako sa ginagawa niya, napapalapit ng husto sa katawan niya. Mahina na akong napaungol nang sa sunod naming pag-galaw sa saliw ng awitin ay pumagitan sa mga hita ko ang isa niyang hita. Nalilis ang slit ng gown na suot ko. I know my legs are fully exposed now, but I started not to care. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong seryoso ang ekspresyon sa mukha niya at ang titig niya sa akin… napakainit.
Wala na talaga akong kawala. Tuluyan na talaga akong nahulog sa mga mata ni James Salgado.