Prologo

2209 Words
Palagi akong nahihiwagaan sa karagatan. Magmula pa noon ay mas nakakamangha ang asul na dagat kaysa sa asul na langit para sa ‘kin. I’ve always loved the sea more than the sky. Because I know, in the deepest part of the ocean, something lies beyond what we know. Ilang hampas ng marahas na alon ang tumama sa mga paa ko. Patuloy ako sa paglalakad sa dalampasigan habang hawak ang isang pampalengkeng basket. Galing ako sa pamilihan at kahit nga tumataas na ang tirik ng araw ay hindi ko ito alintana. “Isla!” dinig kong tumawag mula sa isang bangka sa ‘di kalayuan. Napatingin ako sa bangka na padaong na sa pampang bago napangiti at kumaway. Nasilaw ako sa araw kung kaya’t natakpan ko ang aking mga mata. Nagkakantyawan ang mga sakay ng bangka, sina Lara at Elaine at iyong dalawang lalaking kasama nilang hindi nalalayo ang mga edad sa amin. Madalas ay sumasama sila sa pamamalaot. Ilang beses na nila akong niyaya na tinatanggihan ko naman. Hinintay ko ang bangka nila na dumaong sa dalampasigan. Pinaglalaruan ko ang malinaw na tubig at ang buhangin na naghahalo sa mga paa ko habang ang mahabang suot na puting bestida ay banayad na tinatangay ng hangin. Hindi pa nakakalapit nang husto ang bangka ay bumaba na sina Lara at patakbo akong pinuntahan. “Saan ka galing? Sana hinintay mo kami para sumama kami sa bayan!” sabi ni Lara at agad kumapit sa braso ko. Mukhang masaya sa pagsama sa pangingisda ang dalawa. Ang lalawak ng ngiti at itong isa’y kinikilig pa. “Ah... nagtanong kasi ako kay Manang Adelasia... sumama raw kayo mangisda kaya ako na lang muna ang namili,” sagot ko habang lumalapit na rin sa amin ang dalawang lalaking kasama nila. Isa roon si Grayson, iyong lalaking nagugustuhan ni Lara. May pilyong ngisi sa mga labi sa kabila ng pagiging pawisan sa initan. I understand why Lara is crushing hard over this guy. Gwapo rin naman talaga at mukhang mabait. Kabaliktaran siguro nitong isa nilang kasama, iyong parating seryoso at wagas kung makatingin. Ano ulit ang pangalan niya? Kakapatay lamang ng makina ng bangka at nang tumingin ako roon ay naabutan kong nakatingin na ito sa akin, dahilan para mapatigil ako sa pagkausap kay Lara. A somewhat familiar guy to me stands at the boat. Ewan ko ba kung bakit ngunit tila ba pamilyar na pamilyar sa akin ang lalaking ito, magmula sa kaniyang tindig, ayos... at iyong malalim niyang mga mata na madalas kong nahuhuling sumusulyap. Dinig ko ay Seatiel ang pangalan nito. May isang buwan na rin yata rito sa Buenavista. Ayon sa mga naririnig ko ay gaya ko, napadpad lang din itong biglaan sa Buenavista. Kasa-kasama ito palagi nina Grayson at ng ibang mga kaibigan nila lalo na sa pangingisda. Madalas silang mangisda o magtungo sa kalapit na isla. Minsan kung hindi pumapalaot ay nasa bayan para tumulong sa pagbabagsak ng mga supply. Nagtama ang paningin namin ng lalaki. Sa tirik na araw ay nangingislap ang pawisan niyang dibdib. Hindi ko maitatangging gwapo ang lalaking iyon. He has the body of a model. May pagkamoreno at matikas ang tindig. Maganda ang malalim niyang mga mata lalo na kapag may tinititigan. Saktong makapal na mga kilay at hulmadong panga. Habang abala sila sa mga huli ay nakita ko ang pagsulyap niya sa gawi namin nina Lara. Tiningnan niya ang kabuuan ng suot ko maging ang ayos ng aking mahaba at maalong buhok, dahilan para mahigit ko ang aking paghinga. Saglit lamang iyon. Nag-iwas din siya para kausapin ang mga kasama nilang nakikibalita sa mga huli. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ngumiti iyong si Seatiel habang kausap ang isang lalaki. Hindi ko mapigilang tingnan ito nang may pagkamangha. Now I understand... He was smiling and smirking. Habang inaayos ang lambat na kanilang ginamit ay muli siyang napatingin sa gawi ko, pati na rin ang lalaking kausap na nailing at ngisi nang tumingin sa direksyon ko sabay tapik sa balikat ni Seatiel. Dahil doon ay natauhan ako. My face suddenly heated. Ang taas ba naman ng araw! “Huh?” tanong ko sa sinasabi ni Lara na hindi ko narinig. “Ang sabi ko ay magpapainom daw sila Mang Kolas mamaya, kaya huwag ka matutulog nang maaga. Sumama tayo!” paliwanag ni Lara na tinanguan ko na lang kahit hindi ko naintindihan. Binalik ko ang tingin sa tinitingnan kanina at bahagyang napasinghap nang makitang ngayon ay inaalis na nito ang suot na t-shirt at isinasampay sa kabilang balikat habang kausap ang mga kasamahan. “Ay...” dinig kong pabulong na usal nina Lara sa aking tabi, ang atensyon ay napunta na rin kay Seatiel at kina Grayson na binasa ang mga sarili sa tubig-dagat. Nanliit ang mga mata ko. Parang bigla kong naramdaman itong init ng tirik na araw. “Tara na. Kailangan na ito ni Manang Adelasya para sa tanghalian,” mahinang yaya ko kina Lara habang ang paningin ay tutok sa lalaking iyon. Hindi ko talaga maiwasang tumingin sa kaniya. Paano ba naman? Palagi kong naririnig ang pangalan nito rito sa Buenavista, lalong-lalo na sa mga babaeng kaedaran namin. Hindi ko rin alam kung bakit madalas kong nahuhuli ang mga mata niyang sumusulyap o ‘di kaya tumititig. Kapag naman tinitingnan ko pabalik ay hindi umiiwas. Kinakausap niya rin naman ako. Nagpapapansin pa kung minsan... Pero tuwing napapatingin ako sa kaniya at nahuhuling nakatitig siya, madalas seryoso lang, hindi ko alam kung anong iniisip. Minsan nga akong biniro ni Grayson na kamukhang-kamukha ko raw kasi ‘yong babaeng mahal nito. Simula n’on, nakaramdam ako ng inis sa Seatiel na iyon. Kaya lang pala niya ako tinitingnan ay dahil kamukha ko ang babaeng mahal niya? Hindi pa yata nakaka-move on kaya ako ang pinagdidiskitahan dahil kamukha ko raw. “Gwapo niya talaga! Sayang at may girlfriend na raw iyan...” nakangusong sabi ng isa sa mga babaeng dumating na kasama ng mga sumalubong sa mga pumalaot. “Nasaan ang girlfriend? Wala naman, eh...” hagikgik ng isa pang babaeng may mahaba at maalong buhok. Pasimple at patagong irap ang nakita kong sagot ni Lara sa sinabi ng babae na hindi kalayuan sa amin. “Asawa nga naaagaw... girlfriend pa kaya,” sambit pa ng babae. Isang matinding pag-angat ng kilay ang ginawa ni Lara dahilan para hawakan ko ang kaniyang braso. Napatingin siya sa akin at mukhang kung hindi ko pipigilan ay pagsasalitaan niya ang babae. Ngunit hindi ko naman maawat si Lara sa natural niyang pagiging palaganti. Isang hindi makapagtimpi at malaking ngiti ang iginawad niya sa akin bago pasaring na nagparinig sa dalawang babae. “Hay! Iba talaga kapag nangangati...” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kaibigan. Nakita kong napatingin sa amin iyong dalawang babae at umangat ang mga kilay. “Ano’t may sinasabi ka? Nagpaparinig ka?” inis na tanong ng babae. Kunwari ay inosente silang tiningnan ni Lara sabay iling-iling. “Ay! Natamaan ka ba?” “Lara...” pigil ko at pinandidilatan siya ng mga mata. “Tara na.” Bago pa niya mapatulan ang sinagot ng babae ay hinila na namin siya ni Elaine paalis sa dalampasigan. “Ang dami talagang nagkakalat na makati ngayon!” inis niyang sabi habang nagmamartsa sa buhanginan. Nailing na lamang ako at sa paglalakad namin palayo ay muli akong napatingin sa bangka. “Otsenta isang kilo, sagad na ‘yan! Aba, malulugi na ako kung mababa pa riyan!” Napanguso ako sa sinabi ng ale. Ang mahal naman ng otsenta na kilo para sa prutas. Eh, ang kaunti na nga lang nito! “Sige na, Ale! Sixty pesos na lang! Kulang kasi itong pera ko,” kagat-labi kong pangungumbinsi rito. Napakamot sa ulo ang tindera sa harap ng mga panindang prutas dito sa palengke ng Buenavista. Ang ibang kalapit na nagtitinda ay nangingiti at tawa na lang. “Seventy pesos! Oh, huli na ‘yan!” “Sixty-five?” pagbabaka sakali ko sabay pa-cute. “Anak ng kamote naman, Isla. Lulugiin mo yata itong tindahan ko, eh! Hay, naku! Oh, siya sesenta y singko! Huli na ‘yan, ha! Baka tumawad ka pa!” Malawak akong napangiti. Suki niya ako at lagi naman akong bumibili rito sa prutasan nila. Sa dami ng panindang prutas sa malaking palengkeng ito ay sa kaniya lang ako bumibili, ano! Pati sina Lara ay rito ko rin pinabibili. “Salamat po. Imposibleng malulugi ka, Aleng Tere. Sa ganda mo pong iyan, tiyak mamaya ubos na agad ‘yang paninda,” malawak ang ngiting sabi ko habang kinikilo niya ang mga napili ko. Nang makuha ko na iyon ay nagpasalamat ako at lumipat sa panibagong tindahan para bumili naman ng gulay at isda. “Tingnan mo ang babaeng iyon, balita ko bagong nakatira iyan kina Manang Adelasia. Ano kayang ginagawa niyon dito sa Buenavista? Dalaga pa raw iyan,” curious at naiiling na lamang na usapan ng mga tindera sa kalapit ng kasalukuyan kong binibilhan. “Baka malayong kamag-anak nila? Nagbabakasyon?” dinig kong sabi ng isa. “Kasal na raw iyan dati. Ewan kung anong nangyari.” Napabuntonghininga na lang ako sa narinig. Ngumiti ako sa tinderang kaharap ko at pilit na lamang na nilalabas sa aking kabilang tenga ang mga narinig na usapan. We really cannot control other people’s mouth. “Isang kilo po nito...” sambit ko sa ale. “Balita ko nga malapit iyan doon sa lalaking anak ng mayor ng La Esperanza, iyong karatig probinsya. Naku, alam na...” naiiling na usal ng isa pang babae. Napapikit ako sa aking narinig at tila may tali ng pasensya ko ang napigtas. I am trying to be nice and kind but I am not a saint! Nilingon ko iyon at handa na sana akong sumagot at manghila ng buhok kaya lang ay mabilis din akong natigilan nang mayroong humarang sa sana’y papatulan kong babae. Isang pamilyar na tindig at ayos ang bumungad sa akin. Nawala ang atensyon ko sa pag-uusap na narinig at sa halip ay napatitig na lang sa lalaking dumating, nakasuot ng isang puti at malinis na t-shirt, kupas na maong, at may manipis na chain necklace. “Magkano, Manang?” tanong nito sa natural niyang boses, malalim at nakakapanindig balahibo. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang dumampot sa isang mansanas bago muling bumalik ang tingin ko sa mukha ng lalaki. Walang iba kundi si Seatiel Del Fuego. Ang lalaking noong isang araw lamang ay kasama nina Grayson na pumalaot. Napatingin din siya sa ‘kin nang mapansin ang paninitig ko. Saglit lang ‘yon at binalik niya agad ang tingin sa tindera para bayaran ang kinuha niya. “Mag-isa ka lang?” tanong ni Seatiel. Hindi ako agad nakasagot, iniisip kung ako ba iyong kinakausap niya. Hindi ito ang unang beses niya akong kinausap pero ito ang unang beses na in-approach niya ako nang kaming dalawa lamang. Napalunok ako bago tumango. “Yeah...” Hindi ko narinig agad ang sagot niya. Bumalik din ako sa pagpili ng sariwang mga kamatis. Nang tingnan ko si Seatiel ay nakatingin siya sa akin at pinagmamasdan ako. Sa mga mata niya ay may ‘di maitagong pagkamangha. Nagulat ako nang iabot niya sa tindera ang isang buong libo. “Bayad sa bibilhin niya, Manang.” Matapos iabot ni Seatiel iyon ay tiningnan niya lang ako ulit. Napakurap ako at naramdaman ang pamumula ng mga pisngi habang pinapanood na siyang umalis kahit hindi pa tapos ang pagbabalot ng tindera sa binili ko. “Hey, wait!” Nangunot ang noo ko at nang makuha ang binili ay nagmamadali ko itong sinundan pero hindi ko na siya naabutan pa. Napasimangot na lang ako at tiningnan ang malaki pang sukli ng isang libo na hindi niya kinuha. Nang hapong iyon din ay nakita ko siya sa dalampasigan. May kausap na babae, iyong narinig namin nina Lara noong isang araw. Nasa duyan ako sa ilalim ng isang puno habang tinatanaw sila, nanliliit ang mga matang pinagmamasdan ang kilos noong babaeng malawak ang ngiti at kung paano siya kausapin ng Seatiel na iyon. Natigilan lang ako nang tumingin siya sa gawi ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Madalas akong malungkot sa mga nakalipas na buwan matapos ang nalaman kong posibleng hindi na babalik sa dati ang kondisyon ko, that it is possible I will never retrieve my memories again. My nightmares are only getting worst. Pakiramdam ko ay kaunti na lamang at tuluyan akong mahihiwalay sa reyalidad pero pinipilit kong tulungan ang sarili kong bumalik sa sinasabi nilang dating ako bago ang aksidente. Pero sino nga ba si Isla? Sino ba ako? Who was I before? Ano ang ugali ko noon? Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Sa kaibuturan ng aking puso ay hindi ko mawari, may lungkot na bumabalot sa malamig nitong parte. Minsan ay napaisip ako. Bakit kahit hindi ko pa pormal na nakakausap ang lalaking Seatiel ang pangalan, pakiramdam ko ay magkakilala kami? Kakaiba. Nalulungkot ako kapag nakikita ko siya, madalas hindi maintindihan ang kakaibang kabog ng dibdib. Kapag nakatingin siya sa ‘kin, nababasa ko sa mga mata niyang para bang nasasaktan siya... as if he’s getting hurt by just watching me from afar. I wonder... kamukha ko kaya talaga ang babaeng mahal niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD