“K-Kanina ka pa d-diyan?” napapaawang ang labing tanong ko.
Muntik na akong mag-alis ng suot! Paano kung hindi pa ako lumingon sa paligid! Wala siyang balak magsalita? Hahayaan niya lang ako?!
Napalabi ako. “Y-You scared me. Sana ay tinawag mo na lang ako. Hindi ko napansin ang pagdating mo,” sabi ko habang inaayos ang sarili. Muli ko na lang tinago ang bra at tinabi ang mga damit na pamalit. Mamaya na lang ako magbibihis.
Umalis siya sa pagkakasandal at tinungo ang bintana. Mukhang siya pala ang nagbukas niyon. Pinatong niya ang mga kamay sa window frame at tumanaw sa malayo. He smoked once then flicked the cigarette butt off the window.
Bumagsak iyon sa basang putikan sa baba. May mga luma pang cigarette butts doon. Kaniya pala iyon! Ibig sabihin ay siya ang umuukopa sa kwartong ‘to bago ako dumating...
Napansin ko na mula rito sa bintana ay natatanaw pala ang poso kung saan ako naligo kanina.
Lumingon siya at nagbaba ng tingin dahil sa tangkad niya. “Magbihis ka na. Malalamigan ka,” paalala niya at saka binalik ang tingin sa bintana, pinaglalaruan ang kaha ng sigarilyo sa kaniyang kamay. “Dito ako matutulog ngayon,” dagdag niya na tila walang balak lumabas man lang para makapagbihis ako.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dito siya matutulog? Ngayon? Halos wala pang tanghalian, matutulog siya? Bakit? Ganoon ba siya kapagod kagabi? Hindi pa siya natutulog?
“Ngayong... tanghali?” mabagal na tanong ko.
“Bakit? Papayag ka kung hanggang gabi?” tanong niyang hindi ako nililingon. He’s really expecting me to change my clothes while he’s here? Eh, baka humarap pa siya bigla!
Hindi ko naman ito bahay. Bakit ako ang tinatanong niya?
“I don’t know about you... this is your house, Seatiel.”
He chuckled. Pinanindigan niya talagang tumalikod sa direksyon ko at harapin ang bintana. “Aalis ako mamayang gabi. Huwag mo na akong hintayin.”
“Okay,” sagot ko. Ilang sandali ang namagitan sa amin na parehas kaming natigilan, ako sa sagot ko, at siya sa sarili niyang sinabi.
Nag-init ang mukha ko at nakalimutan na ang lamig na nararamdaman. Nabalewala ang basa kong damit na nagsisimula na namang tumulo at bumasa sa sahig ng kwarto!
“I mean...” Hindi ko mabawi ang nasabi ko. I’m pretty sure it sounded like I agreed with what he said! “Sinong may sabing h-hinihintay kita?!” hindi mapigilang tanong ko.
Ngumisi si Seatiel at saka puno ng pang-aasar na tumingin sa akin. I saw his cheeks getting flushed!
“Hindi kita hinintay... maaga akong natulog,” dagdag ko pa.
“Talaga...” tanging sabi niya lang at muling sinulyapan ang basa kong damit. “Magbihis ka na. Maghihintay ako sa labas,” sa wakas ay sabi niya saka nagtungo sa pintuan.
Sinundan ko siya ng tingin. Mukhang pagod na talaga ito at inaantok. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano bang dahilan at pagod yata siya.
“B-Bakit dito ka matutulog? May iba pa namang k-kwarto diyan?”
Nilingon niya ako nang palabas na siya ng pinto. Umangat nang bahagya ang kaniyang mga kilay. “This was my room. Dito lang ako nakakatulog.”
Magsasalita pa sana ako pero agad niya nang dinugtungan ang sinabi.
“Matutulog lang ako, Lauren. Unless you want me to do something else.” He chuckled, sabay sarado sa pinto at hinuling tingin pa ako.
Napanguso ako. Wala naman akong sinabi!
Mabilisan na lang akong nagbihis at ginawa niya talaga ang sinabing limang minuto niya lang akong hihintayin. Hindi ko tuloy halos makabit-kabit ang hook ng bra ko sa taranta.
Natulog nga siya rito sa kwarto buong araw. Wala siyang sinabi kung saan siya galing, kung anong nangyari kagabi, kahit nga si Tamsiah ay hindi niya binanggit.
Hinayaan ko na lang. There’s no point of telling me those, anyway.
Nakatambay lang ako sa tapat ng bintana habang natutulog siya sa kama. Nag-iwan siya ng espasyo sa kabilang gilid ngunit hindi ko naman magawang tabihan siya at doon magpahinga. Pilit ko tuloy nilalabanan ang antok. Sa panonood pa lang sa kaniya, inaantok na ako sa sobrang payapa.
Nakakahiya mang aminin sa sarili, but I am so curious how it feels to be in his arms again. Pakiramdam ko, bawat nangyari sa bahay na bato ay nakatatak na sa isip ko!
Nangalumbaba ako habang pinagmamasdan si Seatiel, natutulog sa kamang pinagtutulugan ko gabi-gabi. I’ve been thinking about him all night last night, at ngayon ay narito pa siya sa mismong kwartong ‘to.
Bumuntonghininga ako at binalik na lang ang tingin sa labas ng bintana.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko akalain na magiging ganoon ako katagal sa La Esperanza. Wala rin kasing nagpapaalala sa akin o nagpaparamdam na dapat ay umalis na ako.
Nasanay na ako sa lagi kong ginagawa. Gigising nang maaga para tulungan sina Bom at Cindy sa kanilang pagpasok, pagtimplahan ng kapeng barako si Nay Issa, at manood ng TV kasama si Ate Aly. Minsan, sinasama niya ako sa farm kapag nangunguha siya ng mga gulay o prutas. Minsan, nasa ilog kami nina Margaret dahil lagi nila akong hinahatak. At kapag sapit ng dilim, nakatambay na ako sa bintana na parang si Rapunzel.
Sa mga nakalipas na araw, mas madalas na wala si Seatiel. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta. Pakiramdam ko nga nakaw na oras lang ang mga pagpunta niya rito kina Ate Aly at sa tuwing ganoon, nakikitulog siya rito sa taas.
Hindi alam ‘yon nina Nay Issa. Minsan sa likod ng bahay siya dumadaan. Kapag nagising, aalis na ulit. Wala siyang sinasabi kung saan siya laging tumutuloy. Hindi na ako nangahas magtanong.
I have to keep in mind kung ano ang lugar ko sa mga buhay nila.
Naging abala rin ako kahit papaano sa pagtulong sa kanila lalo na kay Ate Aly. Inutusan niya akong pumunta sa isang flower farm para kunin ang ibibigay ng nangangalaga rito na kakilala niya.
Magaling na lahat ng sugat ko. Kaunting mga pasa na lamang at mga bakas. Nagbihis ako at excited na nagpunta sa flower farm.
Ito ang unang beses na lalabas ako nang mag-isa. Masaya akong inutusan ako ni Ate Aly!
“Wow! Ang ganda talaga rito,” sambit ko habang nilalakbay ang field. Wala talagang katumbas ang pamumuhay sa ganito kagandang probinsiya.
Malakas ang hangin na sinasabog ang buhok ko. Kahit ang dress ko ay tinatangay nito. Nakausap ko si Louisiana noong nakaraang araw at kinukwento ko sa kaniya ang mga nangyayari dito, pero siyempre hindi lahat.
Nakwento ko sa kaniya si Seatiel. Sobra ang excitement niya at gusto niya itong makita. Pakiramdam niya raw kasi ay ito ang dahilan kung kaya’t hindi ako ganoon kamadali na makaalis sa Esperanza.
“Magandang hapon po!” sabi ko nang buksan ang gate ng flower farm at marating ang enclosed gazebo sa gitna ng naggagandahang mga pananim na bulaklak. Maliit lang ang saradong gazebo at sa loob ay may mga bulaklak na nasa mga pot, may sofa, maliit na mesa at dalawang upuan.
Agad lumiwanag ang mukha ng taga-bantay rito, isang may edad na babae.
“Oh, Lauren! Tuloy! Sakto, gumagawa ako ng tsaa!” tuwang-tuwa na sabi nito.
Lumawak ang ngiti ko at tumango. Pumasok kami sa loob. Gumagawa ito ng lavender tea. Tinuro nito iyon sa akin.
“Maganda ‘to para sa pagod at fatigue. Nakakatulong din sa pagtulog nang maayos at nakaka-relax. Noong buhay pa ang mister ko, ito ang pinapainom ko roon. Kaya tulog mantika talaga ang isang ‘yon,” natatawang kwento nito na tila binabalikan ang nakaraan.
Nagkwentuhan pa kami bago niya iniabot sa akin ang mga ipapabigay niya kay Ate Aly. Mga herbal yata at mga panggawa ng tsaa kasama na ang lavender.
“Oo nga pala. Bukas kasi ay aalis ako. Pupunta ako sa bayan kaya lang hindi ko maaaring iwan itong farm nang walang tao lalo na may darating bukas na bukas din.” Hinarap ako nito at saka medyo nahihiyang ngumiti. “Eh, sabi ko kay Aly, baka pwedeng ikaw na lang muna ang tumao rito sa farm bukas... hindi kasi maire-reschedule ng kukuha dahil kailangan na raw. Ipi-pick-up na lang naman ang mga bulaklak at seedlings. Naayos ko na lahat at kukunin na lang nila.”
“A-Ako po?” Nakaramdam ako ng excitement. “Ayos lang po sa ‘kin! Kaya lang po... wala po talaga akong alam sa mga bulaklak, eh...”
“Ay, wala iyon! Sadyang ipi-pick-up na lang at saka hindi naman na iyon magtatanong,” pangungumbinsi nito na agad ko rin namang sinang-ayunan.
Sino pa ba ang tatanggi, hindi ba? Gustong-gusto ko itong flower farm!
Inabutan ako ng papalubog na araw sa field habang tinatahak ko ‘yon. Nalito kasi ako sa mga puno. Sa sobrang lawak ay nakalimutan ko kung saang direksyon ang patungo sa baryo.
Namuhay ang kaba sa dibdib ko.
Kanina lang ay medyo wala lang ‘yon sa akin dahil panay ang pagmamasid ko sa papalubog na araw. Sobrang ganda nitong tingnan mula sa ganitong field na walang kahit anong building o matataas na establisyementong nakaharang.
Iyon tuloy at naiwala ko ang daan!
“Dito ba ‘yon o doon?” litong tanong ko sa sarili. “Nakalimutan ko...”
Pinili ko ang medyo mas pamilyar na daan kaso lang, kaya pala familiar ay dahil patungo ‘yon sa ilog kung saan kami naligo nina Margaret. Kaso nasa kabilang side ako. Ang tanda kong daan pabalik ay ang kabilang side. Ibig sabihin, kailangan kong tawirin itong ilog!
Nagtatalo ang isip ko. Hindi ako marunong lumangoy! May mabatong parte ang ilog sa bandang dulo kung saan medyo makitid na. Nakausli lang ang mga bato at pwede yatang tapakan kaso malamang kung hindi ko kaya ang agos ng tubig ay tatangayin ako niyon. Tantiya ko ay malalim na ang ibang parte ng ilog kung tatangayin ako ng agos.
“Malas naman, oh,” bulong ko habang nag-iisip kung tatawirin ko ba ang ilog o hindi. Hinanap ko ang dulo nito ngunit hindi ko matanaw.
Padilim na pero hindi pa rin ako makapagdesisyon! Kung mag-iiba pa ako ng daan, baka tuluyan kong maiwala ang sarili!
Ilang sandali pa ay narinig ko ang tunog ng paparating na kabayo. Napatingin ako sa bagong dating na sakay ng isang stallion. Isang lalaking tingin ko’y hindi naman nalalayo sa akin ang edad.
“Miss? May problema ba?” tanong nito pagkababa sa kabayo.
Nakasuot ito ng jeans at isang hapit na shirt. He looks way too expensive to be riding that horse!
Napakamot ako sa ulo sabay turo sa ilog. “Uhm... I... I lost my way. Sa kabila pala dapat ang tungo ko.”
“Oh... that means you have to cross this river?” tanong nito. Tinali niya ang kabayo sa isang puno.
Tumango ako at sinundan ito ng tingin nang lumapit siya sa ‘kin. Doon ko maayos na nakita ang mukha ng lalaki na ikinamilog ng mga mata ko.
Oh... siya ‘yong lalaking dumating kasama ng mayor noong nakaraan!
“You look familiar...” sambit nito habang nakatingin din sa ‘kin.
Hindi na ako sumagot. He probably wouldn’t figure it out.
“Naliligaw ka? Taga-saan ka ba?” tanong nito na hindi ko sinagot.
“Tatawirin ko lang itong ilog. Kaso lang...” Hindi ko matuloy ang sasabihin.
The guy raised his brow. “Kaso lang?”
“H-Hindi ako marunong lumangoy. Baka tangayin ako ng agos.”
Napatingin ito sa ilog sabay kibit-balikat. “Paano ba ‘yan? Ako rin, eh... hindi kita matutulungan diyan.”
Halos bumagsak ang balikat ko. Paano na ako babalik nito?
“Kung sasabihin mo kung taga-saan ka at alam ko, pwede kitang ihatid doon. Don’t worry, I have no intention of harming you,” offer nito.
Nakalubog na ang araw. Matingkad na kulay asul na ang langit at sa dulo ay ang naiwang bakas ng papalubog na araw.
“Kina... kina Margaret Pelaez,” sambit ko sa pagbabaka sakaling kilala niya ito.
Napatango-tango ito agad. “Ah, kina Tatang Greg ba? ‘Yong kapatid ni Mang Rick? Si Margaret. Hindi ba pinsan ni Miss Trinity?” tuloy-tuloy na tanong nito sabay ngiti.
Woah, so ibig sabihin kilala niya sina Margaret?
“Dating nagtatrabaho sa barangay sa bayan si Tatang Greg. I was too young back then,” paliwanag niya. “Pwede kitang dalhin doon... alam ko ang lugar nila.”
Sa huli ay pumayag na lamang ako kaysa ang i-risk ang buhay sa ilog na ‘yon.
“Anong pangalan mo?” tanong niya nang makasakay kami sa kabayo. Hindi gaya ni Seatiel, pinasakay ako nito sa likod niya.
Hindi ko malaman kung saan kakapit, pagkatapos ay tatanungin niya pa ‘yon.
“Lauren,” sagot ko na lang habang iniisip kung kakapit ba ako sa kaniya o hindi na.
“I’m Credence. Creed na lang,” sambit nito at saka mahinang natawa dahil hindi ako kumakapit sa kaniya. “Kapag pinatakbo ko ang kabayo nang hindi ka nakakapit, hindi ko alam kung anong mangyayari, Lauren...”
Sunod-sunod akong napalunok at unti-unting kumapit sa tali ng kabayo. Hindi maiiwasang hindi pumaikot ang mga braso ko sa kaniya.
“Hindi mo naman siguro ito patatakbuhin nang mabilis?” kabadong tanong ko.
Humalakhak si Creed. “Kapit lang.”
Mabuti at maliit ang basket at kasya sa saddle bag nitong kabayo. Hindi niya naman ginawang karera ang pagpapatakbo sa kabayo kaya hindi ako masiyadong nahirapan. Narating din namin agad ang baryo at mga kabahayan.
Nagpababa na ako sa kaniya sa puno pa lang ng mangga kung saan kailangan ko pang lakarin ang patungo kina Ate Aly.
“Salamat...” Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay makauwi. Akala ko talaga ay kakailanganin ko pang lusungin ang ilog na ‘yon. That will probably be my death!
Ngumiti si Creed habang binibigay sa akin ang maliit na basket na dala ko mula sa flower farm. Nang iabot niya sa ‘kin ‘yon ay natahimik pa kami nang hindi ako humakbang agad paalis.
“Naaalala ko na kung bakit ka pamilyar. Ikaw pala iyon...” nangingiting sabi niya, siguradong ang tinutukoy ay noong naligo ako sa poso.
Ngumiti na lang ako at saka nagpaalam. Kailangan ko nang magmadali. “Salamat ulit... pasensya na sa abala.”
He just smiled. Hindi na nagsalita. Sumunod pa ang tingin niya nang lumakad ako palayo. Napalingon ako pabalik at nakita ko ang ngiti nito. He even waved his hand to which I just responded with a smile.
Nagmadali na ako patungo sa bahay nina Ate Aly. Mabuti na lang at hindi ito nagalit na medyo natagalan ako. Kinumpirma niya rin ang sinabi ng tagapangalaga noong flower farm na ako ang tatao roon bukas. Pumayag ako.
Pumanhik ako sa taas nang napapahilot sa ulo. Akala ko, gaya kahapon ay wala si Seatiel. Ang huling tulog niya rito ay noong isa pang araw at kahapon ay ni anino niya wala. Kaya naman ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko siyang nakahiga sa kama at natutulog!
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi.
He’s topless. Bumaba na ang comforter sa kaniya kaya lantad ang kaniyang malapad na dibdib, and his prominent abs!
Ang hinubad na t-shirt niya ay sinabit niya pa sa mga pinagsasabitan ko ng cardigans. Ang susi at wallet niya ay nasa mesa, at ang kaniyang belt ay nasa gilid.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagpihit ng dibdib ko. My heart’s beating rapidly.
B-Bakit siya nandito? Kapag ganitong oras, umaalis na siya, pero ngayon, mukhang kakatulog niya pa lang. Gabi na at tuluyan nang dumilim ang langit!
He’s sleeping peacefully. In my bed...
And the sight of his perfectly sculpted physique is making me lose my innocence!