Kabanata 29

2644 Words
“Hmm,” kunot-noong ungol ko at napagalaw sa higaan. Napahawak ako sa sariling ulo na tila ba nagkaroon ng sariling puso dahil pumipintig sa sakit. Kanina pa tunog nang tunog ang telepono. Pilit kong hindi pinapansin pero patuloy pa rin ang tumatawag. Pinilit kong bumangon at damputin ang telepono. Niyakap ko iyon bago sinagot ang tawag. “Hello?” “Good morning, Madam!” Isang matinis at sarkastikong boses ang bumungad sa ‘kin. Napanguso agad ako at napasubsob ng mukha sa kama. “Kung umasta ka, akala mo yata ay nasa bakasyon ka lang, Madam? Aren’t you even gonna ask about your parents, huh?!” Napilitan na akong bumangon para mag-ayos ng sarili at mag-asikaso. Maaga pa. Linggo na agad kaya walang pasok sina Bom at Cindy. Ibig sabihin, kukulitin na naman ako ng dalawang iyon. Wala namang kaso sa akin. Cute sila at kahit minsan binu-bully nila ako, tinuturuan naman nila ako sa mga bagay-bagay na hindi ko nakasanayan. “Makukulong na si Tito Frank,” problemadong saad ni Louise. Tila napamulat ako at nagising. “Ano? M-Makukulong si Papa?! Anong nangyari?” gulat kong tanong. Matunog siyang bumuntonghininga. “Nasangkot daw ang papa mo sa isang ilegal na transaksyon. I heard naghahanap ang family mo ng private attorney. At si Tita Ruella, laging nagkakasakit nitong huli. Iyon lang ang mga balita sa ‘kin ni Hera. Mukhang kailangan mo nang bumalik dito, Isla, o mawawala ang lahat sa inyo! Alam mo naman na gusto kong nasa maayos kang lugar at kalagayan pero, friend, we cannot just leave your family and your businesses like this!” Problemado akong napahawak sa noo. Ang aga-aga pero ito agad ang bumungad sa ‘kin. “Ipapasundo kita. Pwede akong mag-utos sa mga pinagkakatiwalaan kong bodyguards, friend. Hmm, disguise yourself or something! Maghahanap ako ng matutuluyan mo na siguradong ligtas ka. You just have to sort things out here, tapos saka ka bumalik sa La Esperanza? Hindi ba? What do you think?” Bakit kasi na-engage si Papa sa mga ilegal na negosyo in the first place? Bakit niya ginawa iyon? Ganoon na ba kami nalulugi? They were so desperate? Na kahit ibenta ako, magagawa nila. “At kung makabalik ako? How would I sort things out? Ibebenta ako ni Papa? Kanino na naman? Some random bastard out there again?” Louisiana sighed. “Si Lucas, hinahanap ka... hindi na raw makakain at makatulog sa sobrang miss sa ‘yo! That stupid a*shole. Akala mo ay hindi ka niya niloko! Muntik ko na iyong tuhurin kahapon lang! Sinugod ba naman ako sa photoshoot at lasing na lasing na hinahanap ka. Ang ex mong iyon! At ano ang akala niya? Itinago kita?! Well, tinatago nga kita... p-pero wala siyang karapatan malaman kung nasaan ka!” Nahinuha ko agad ang pagnguso niya mula sa kabilang linya. Halos umikot ang mga mata ko nang maalala si Lucas. Isa pa ‘yon sa dahilan kung bakit ako umalis at kung bakit nangyari sa akin iyon. “Okay. Iisip ako ng paraan, Louise. M-Magkita tayo sa Maynila. I will check on my mom. Baka napaano na iyon...” nag-aalalang sambit ko. Ganoon ko ba ito pinag-alala? G-Ganoon ba talaga? Kung kailan wala na ang isang tao, saka pa naaalala... Ilang saglit pa kaming nag-usap ni Louise patungkol sa magiging pagkikita namin. Hindi ko alam kung paano ako pupuslit patungong Maynila nang hindi nalalaman ng kahit sino rito. At pagkatapos niyon... babalik pa kaya ako? O makakabalik pa ba ako? Saglit siyang tumikhim sa kabilang linya. “So... what about that guy, huh? Any update? O baka naman ay may bago ka nang bestfriend na pinagkukwentuhan? Magtatampo ako sa iyo, witch!” Natahimik ako. Sa huli ay binanggit ko rin sa kaniya dahil wala naman akong ibang mapagsasabihan kundi siya. At kukulitin niya lang ako kung hindi ako magsasalita! “Oh, my... goodness. Huwag mong sabihing?” Sinundan iyon ng eksaheradang singhap at tili. “May... m-may nangyari sa amin,” pagtatapat ko. I bit my lip. Ano pang saysay kung itatanggi ko iyon? It’s not like I can hide anything from my bestfriend! “Y-You’re crazy!” sigaw niya. “Alam kong nahuhulog ka sa kaniya pero... pero bakit umabot sa ganoon? Paano kung mabuntis ka niyan? Oh, please! You’ve got to be kidding me, Isla!” “Akala ko ba ay gusto mo siyang makilala? He’s a good person, Louise!” Sunod-sunod niya akong binulyawan. Nakaramdam ako ng bahagyang inis ngunit sa huli ay napagtanto ko ang punto niya. Sabi niya’y magkita kami sa susunod na linggo at kung hindi ay siya mismo ang magtutungo rito. Bantay-sarado si Louise ng strict niyang parents at kung siya ang pupunta sa ‘kin, tiyak masusundan nila ito at malalaman nila kung nasaan ako, kaya kahit anong mangyari, kailangang ako ang makaluwas sa Maynila. Kung paano ko iyon gagawin, iyon ang problema ko. Dahil linggo ay maingay ang mga bata sa labas, puro naglalaro kahit pa tirik ang araw. Wala sina Nay Issa at Ate Aly kasama ang ibang mga kapitbahay na kumare nito. Nasa bayan. Mamimili raw at magsisimba na rin. Hindi muna ako sumama dahil masama pa ang pakiramdam ko’t nananakit ang katawan sa mga nangyari noong isang araw. Nakaupo ako sa ilalim ng puno at nagbabasa ng libro. Paminsan-minsan ay tumitigil ako para bumuntonghininga habang iniisip kung paano ako makakarating ng Maynila sa susunod na linggo. Babanggitin ko ba ito kay Seatiel? Pero ayaw kong intindihin niya pa ‘yon at ma-involve pa siya sa buhay ko sa Maynila. Kung babanggitin ko ito sa kaniya, kakailanganin ko pang ikwento si Louise, hangga’t sa mauwi sa buong kwento. Hindi pa ako handang malaman niya ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Sasabihin ko naman iyon. Kapag handa na ako. At hindi pa ngayon ang panahong ‘yon. Pinapanood ko sina Bom na naglalaro ng habulan. Sa tuwing may nadadapa ay bumabangon lang ulit na akala mo hindi nagalusan at saka muling babalik sa paglalaro. Hindi ko maiwasang matawa habang pinapanood sila. Pinipilit nila akong sumali pero alam kong gagawin lang nila akong tagahanap para lahat sila magsaya dahil walang gustong maging taya. “Ate Lauren! May nagpapabigay po.” Lumapit sa ‘kin ang isang bata sabay abot ng kumpol ng dilaw na mga bulaklak. Nagtataka akong napatingin dito sabay baba sa libro. “Huh? Sino?” medyo natatawang tanong ko at inabot iyon. Nagkibit-balikat ang bata, walang balak sabihin. Nang matanggap ko ang bulaklak ay tumakbo ito at bumalik sa mga kalaro. Nilibot ko ang mga mata sa paligid pero wala naman akong nakita. Hindi ko maiwasang mapangiti sa bulaklak. Bagong-bago. Kaya lang pilit ko ring inalis ang sobrang ngiti dahil hindi ko naman alam kung sino ang nagpabigay. Baka naman ay nangti-trip lang tapos mahuli pa akong ngiting-ngiti. Ilang sandali pa ay biglang may tumakip sa mga mata ko gamit ang mga palad. Napasinghap ako. “S-Sino ‘yan?” nakasimangot kong tanong pero walang sumagot. “Margaret? Reign? Itigil n’yo nga ‘yan...” “Guess who,” natatawang usal nito. His hot breath whispers against my neck, enough to send me shivers. Naamoy ko ang pamilyar na bango at ang boses na iyon. Parang biglang nabuhay ang mga insekto sa dibdib ko. Napalunok ako at kahit alam ko na kung sino ang naroon ay ibang pangalan ang binanggit ko. “Creed?” Dahan-dahan ay binitawan ako nito. Lumuwag ang mga palad sa mata ko at nang lumingon ay nakita ko si Seatiel na salubong ang mga kilay at titig sa ‘kin. Wala pa man ay madilim na ang mga mata niya. “Anong Creed?” mariing tanong niya. Nangiti ako. Siya ang unang mangti-trip at kapag ginantihan, magagalit... Nag-iwas siya ng tingin at tumayo nang maayos. “Saan ka pupunta?” tanong ko dahil mukhang aalis siya. “Ewan ko, Lauren. Itanong mo sa pangalang binanggit mo,” saad niyang may galit. Hindi ko na napigilang tumawa. “I’m just kidding! Alam ko namang ikaw iyon, at bakit ka ba kasi nananakip pa ng mga mata diyan?” Ngumuso ako. Kina Ate Aly siya tumambay kahapon. Umalis lang siya nang padilim na at ngayon, wala pang tanghalian pero nandito na siya. “Ano? Galit ka?” tanong ko dahil hindi niya man lang ako tiningnan. Sumandal siya sa puno at pinagkrus ang mga braso, malamig ang tingin sa mga batang walang kamalay-malay na naglalaro. “Seatiel?” Hindi niya ako pinansin. Nilapitan siya ng mga bata at tuluyan akong naitsapwera! “Kuya Seatiel, pwede po kaming sumama magpakain ng mga manok mamaya?” tanong ng mga bata. Ang isa’y kumapit pa sa kaniyang binti. Tumango si Seatiel. Kinakausap niya ang mga ito pero ako ay hindi niya man lang tinatapunan ng tingin! Napabuntonghininga ako at tiningala siya nang makaalis ang mga bata at bumalik sa paglalaro. “Biro lang iyon. Hindi naman gagawin iyon sa ‘kin ni Creed. Sorry...” Hindi siya natinag. Napanguso na ako. Hindi ako sanay na nanunuyo. At saka biro lang naman talaga iyon! “Seatiel?” tawag ko. Nang hindi niya talaga ako pinansin ay napabuntonghininga na lang ulit ako. Tumayo na ako mula sa saping kinauupuan dito sa damuhan at hinarap siya. Nilipad ang ilang hibla ng buhok kong nakatali sa isang low half ponytail. Sinara ko ang libro. Doon lang siya tumingin sa akin. Nagtagal ang mga mata niya bago binalik ang masungit na ekspresyon nito kanina. Salubong ang mga kilay niya at nanliliit ang mga mata, dahil na rin sa sinag ng araw na tinatanaw namin mula sa lilim ng puno. “Nag-sorry na ako. Bahala ka na diyan kung hindi mo ako papansinin. Aakyat na ako...” medyo asik ko sa kaniya at saka siya tinalikuran. Bago pa ako makaalis ay hinawakan niya na ang braso ko at napapabuntonghiningang nagsalita. “Tuloy hindi ko maisip na talagang nagka-boyfriend ka na... ni hindi ka marunong manuyo.” Umangat ang kilay ko kay Seatiel. At ngayon napunta kami sa usapan ng ex-boyfriend?! “At ano’t susuyuin ko iyon? Abala ako sa ibang bagay, wala akong panahong manuyo.” I don’t have the energy to chase people. Kung ayaw, edi ayaw! Ganoon lang iyon. Hindi naman ako mapilit! Hindi kami ganoon katagal ni Lucas, pero siya ang una kong boyfriend. Siya rin ang first kiss ko, pero hanggang doon pa lang iyon. Una, gusto nina Papa na ikasal muna kami. Kaso ayaw pang magpakasal ni Lucas dahil sa nagsisimula niyang career. Hindi ko naman magawang maibigay ang gusto niya dahil sa utos nga nina Mommy. Ayon, hindi nakatiis at naghanap ng iba. “Oh, bakit? Ni minsan hindi iyon nagtampo sa ‘yo?” nanunudyong tanong niya. Hmm. Interesado yata siya ngayon sa una kong boyfriend? “Hindi kami nagsasama. Busy ako at mas busy siyang tao. We’re not even that close. Kung magtampo iyon, mensahe lang ang katapat.” Kakilala ko si Lucas dahil sa ama nitong kaibigan ni Papa. Iyon lang iyon. We were just introduced to each other, pero siyempre, gusto ko iyon... I liked Lucas. Hindi naman ako magiging girlfriend nito kung hindi ko siya nagustuhan. Bahagya siyang ngumisi at nailing. “Anong klaseng boyfriend iyan?” Niyakap ko ang libro ko at hinarap siya. Nagbaba siya ng tingin sa ‘kin. “Pure?” sagot ko. Bumaba ang mga mata ko sa matipunong dibdib ni Seatiel. Compared to my first boyfriend, he’s more matured. He’s more rough. He’s more... wild. Siya ang tumangay sa lahat ng kainosentehan ko. Now, my innocence is forever gone. Lahat iyon ay kinuha niya. Matagal kaming nagkatinginan ni Seatiel. Napatitig ako sa malalalim niyang mga matang titig sa ‘kin. Ang magkakrus niyang mga braso habang nakasandal sa puno ay mas dinefine lamang ang kaniyang braso, with firm muscles. Saktong maaliwalas sa mga mata. “Oh? Pure ang una mong boyfriend? Paano pala kapag sa ‘kin?” Humina ang boses niya sa huling tanong. Nagkibit-balikat ako sabay balik sa pagkakaupo sa sapin. Binuklat ko ang libro habang nasa tabi ko ang mga dilaw na bulaklak na malamang ay sa kaniya galing. Tinabihan niya ako matapos akong tawagin. Ipinatong ni Seatiel ang mga siko sa mga tuhod at tiningnan ako sa kaniyang tabi. Sa tapat namin ay ang mga batang naglalaro kasama na sina Bom at Cindy. “Sa iyo? Hindi nababagay sa ‘yo ang salitang pure.” Tumawa ako. Umangat ang dalawang kilay niya sabay lingon sa malayo. He found it amusing. Kahit siya, hindi niya itatanggi dahil totoo naman! Nasaan ang salitang pure sa kaniya? Nang hindi na siya muling sumagot ay napatingin ako sa kaniya. Madilim pa rin ang mga mata niya at nakakunot ang noo. Is this still about Creed? Sinabing biro lang iyon! “Bakit ba nagagalit ka pa rin?” Hindi na ako nakatiis at sinara ang libro. Itinuon ko sa kaniya ang atensyon pero malalim pa rin ang isip niya na wala na ulit balak kausapin ako. “Biro lang ang pagbanggit ko kay Creed. I swear! Tigilan mo nga iyan...” Sa wakas ay nilingon niya rin ako ulit, iyon nga lang ay masama pa rin ang tingin. “I hate hearing another man’s name from you.” Malalim akong bumuntonghininga at nailing. “Boyfriend lang ang nagsasabi ng ganiyan...” Ngayon ay talagang bumalik na sa akin ang kaniyang atensyon. Itinukod niya ang isang kamay sa likod ko at ang isang braso ay ipinatong sa ibabaw ng mga tuhod kong nakatupi. Sobrang lapit niya sa ‘kin habang nakaupo kami sa damuhan. Halos mahulog ang hawak kong libro sa kaba. Anong ginagawa niya? Baka may makakita sa amin na ganitong sobrang lapit! “Oh, bakit? Ayaw mo akong maging boyfriend? Liligawan naman kita...” nakaangat ang kilay na sabi niya. Itinulak ko ang braso ni Seatiel para malayo siya sa ‘kin sabay sulyap sa mga bata. “Ano bang ginagawa mo? May mga bata...” nag-iinit ang mga pisnging sabi ko na umani ng mahinang tawa sa kaniya. “Anong ginagawa? Wala pa naman.” Mapaglaro ang ngisi niya, natutuwa sa ginagawa at sa mga reaksyon ko! Hindi siya tumigil. Pati pamumula ng mga pisngi ko ay pinuna niya. Hindi na ako nakatiis at tumayo para iwan siya! Mamaya ay may makakita pa sa amin! Ayaw kong malaman ng kahit na sino ang nangyari o magkaroon man lang ng idea tungkol doon. Pakiramdam ko hindi nila ako magugustuhan para kay Seatiel. Sure, they don’t have a problem with me, pero kung patungkol na sa pagiging malapit ko kay Seatiel, baka roon pa magsimula ang pagkadisgusto nila sa ‘kin. Sino ba naman kasi ako? Sampid lang ako sa lugar nila. Dinampot ko ang mga bulaklak at iniwan siya. “Diyan ka na nga!” “O baka naman gusto mong asawa na lang?” tumatawang pahabol niya pa kahit tinalikuran ko na siya. Hindi pa ako nakakalayo ay dumating sina Mang Rick at ilang kumpare nito. Tumayo si Seatiel nang kausapin siya. Narinig ko ang sinabi ng mga ito, mag-iinom daw sila mamaya. Alam kong malapit siya sa lahat ng mga tao rito kaya siguro papayag siya. Ibig sabihin nandito siya mamayang gabi. Mag-iinom... sila? “Titingnan ko, Mang Rick,” dinig kong sagot ni Seatiel habang papalayo ako. “Bakit, bunso? Nag-asawa ka na ba? Pinagbabawalan ka ba?” Humalakhak sina Mang Rick at tinapik ang braso nito. Dinig ko rin ang mahinang tawa niya. Pasimple akong lumingon at nakitang nakatingin sa ‘kin si Seatiel. Muntik pa akong madapa dahil hindi nakatingin sa dinaraanan! “Tatanungin ko muna. Baka ayaw ng misis ko...” sagot niya at ngumisi habang nasa akin ang tingin kahit palayo na ako. Misis his face! “Ate Lauren, saan ka po pupunta?” tawag ng mga bata at pinigilan ako sa pag-alis. Oh, darn. Pati mga bata rito, kampi sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD