Kabanata 25

2715 Words
“Nasaan na si Seatiel, Lauren? Umuwi na ba?” tanong nila Margaret habang nasa sapa kami at naliligo. Napalingon ako at wala sa sariling sumagot habang binabasa ang buong katawan sa malamig at malinaw na tubig. “Hindi ko alam, Margaret. Hindi naman nagpunta kina Ate Aly... siguro hindi pa.” Ngumuso si Margaret at pumalatak. Halata sa mukha nito na naiinis siya sa hindi nito pag-uwi agad. Dalawang linggo at tatlong araw nang wala si Seatiel. Kung tumawag, isang beses lang tapos sina Ate Aly at Nay Issa lang ang kinakausap. “Bwisit kasi ang bruhang Tamsiah! Hula ko, may kinalaman sa babaeng ‘yon ang inaasikaso ni Seatiel,” sabi ni Margaret na medyo nakakuha sa atensyon ko. Ano namang kinalaman ni Tamsiah sa pagpunta ni Seatiel sa Manila? Tumawa si Reign at sinabog ang tubig na ikinaangil ni Margaret. Basang-basa na ang mahaba niyang buhok. “Sige, ipilit mo iyan sa sarili mo, Margaret. Lahat sinasabing nandoon sa Maynila ‘yong pakakasalan niya! Alam mo namang minamadali na ‘yon ng mga magulang! Pwede bang tanggapin mo na lang na ang gusto ng mga Del Fuego para sa anak nila ay ‘yong may maibubuga sa buhay! ‘Yong taga-Maynila! Ganoon! He won’t settle for just a probinsiyana like us...” saad nito at umirap. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo. What’s wrong with being a probinsiyana? Pantay-pantay lang naman ang lahat ng tao. At hindi ko maiintindihan kahit kailan ang pilit na paglalayo ng mga tao sa level ng mga taga-probinsiya at mga taga-sentro na kung tutuusin ay hindi naman talaga nagkakalayo at walang mas lamang. “Tumigil ka na kasi, Margaret. Hinding-hindi ka papatulan ni Seatiel dahil may mahal nang iba ‘yon! Baka kasi ganoon niya kamahal ‘yong babae kaya niya hinahanap, ‘di ba? Hindi niya mapakawalan, kaya back-off ka na, ‘te! Move on din kapag may time.” Umiling si Marga at naglupasay sa tubig. Ganoon niya ba talaga kagusto si Seatiel? Habang inaasar nila si Margaret ay bigla na lang napunta sa ‘kin ang usapan. “Oo nga pala, lagi ka yatang umaalis, Lauren? Saan ka pumupunta?” Nagsumiksik si Lara sa gilid ko sabay tukso sa ‘kin. “Nakita kitang kasama si Creed! Hindi mo sinabing anak pala ng mayor ang type mo, ha!” Pagak lang akong tumawa. “Hindi, ah. Magkaibigan lang kami... at saka iniimbitahan niya kasi ako roon sa mansion nila. May malaking library doon at art room. Sabi niya ay pwede raw akong magpinta roon noong nalaman niya na marunong ako...” kwento ko. “Talaga? Hala, sabihin mo, sama naman kami minsan! Gusto rin naming makita!” may tuwang sabi ni Reign. Tumango na lang ako at ngumiti. “Sige ba! Kaya lang hindi ko sigurado kung babalik pa ako roon kasi nakakahiya.” “Hindi iyan! Ang alam ko mabait iyong si Creed. I’m sure papayag ‘yon!” sabi nina Lara. Natapos kami sa pagligo nang dumating sina Marcus at Grayson. May dalang mga buko. Hindi ko mapigilang tumingin sa paligid kahit na alam ko namang hindi ko rin siya makikita. “Sinong hinahanap mo?” tanong ni Marcus at malaking napangisi. Nagyuko ako at kumuha ng buko juice. Umupo ako sa mahabang upuan na yari sa kahoy at tumanaw sa sapa. Humalakhak si Marcus. “Effective pala ‘yong gano’n? Magpa-miss? Magawa nga...” sambit niya at ngumisi. Hindi ko na siya pinansin. Pagtapos namin sa sapa ay nagsiuwian na sila para mananghalian. Sumaglit lang ako sa barrio para magpaalam kay Ate Aly. Niyaya ako ni Creed na magtanghalian sa kanila. Naroon daw ang mayor at gusto akong makita. Pinapasok agad ako sa mansion nila. Kilala na agad ako ng mga tauhan nila at hindi na ako hinaharangan. Sinalubong ako ng isang kasambahay at sinamahan patungo sa dining area. Namangha ako sa lawak niyon at sa gara ng lamesa. Maraming nakahaing pagkain. Meron kayang ibang bisita? Sobrang dami ng pagkain nila! Sa sobrang kaba ko, napapakapit ako sa dress ko. Pakiramdam ko, masungit ‘yong mayor dahil nang makita ko sila ni Creed, parang pinapagalitan niya ito. Napatingin ako sa mahabang mesa nang marating namin iyon. Nasa gilid si Creed at nakatayo paharap sa malaking bintana. May kausap siya sa cellphone at napatingin sa gawi ko nang mapansin niya ako. Binaba niya agad ang tawag at malawak na nangiti. “Oh, Lauren! Buti pinayagan ka? Have a seat...” Tumango ako at ngumiti. “Salamat, Creed. Ang don? Totoo bang pinapunta ako rito? O baka naman ay gawa-gawa mo lang iyon?” tanong ko kay Creed at natawa. Ngumuso siya sabay hatak sa kabilang upuan. Magkatapat kami ngayon. Hindi ko mapigilang mapalingon sa buong bahay at mapuna lahat ng mamahaling gamit. Grabe, ang yaman nila... sila kaya ang pinakamayaman dito sa La Esperanza? “Gawa-gawa?” Isang buong-buo na boses at matunog na halakhak ang narinig namin mula sa bagong dating. Napalingon ako roon at nagulat nang makita ang mayor. Nakangiti ito habang ang mga kamay ay nasa likod. May kasama siyang personal na tauhan. Magkamukha sila ni Creed. Siyempre, mas matured version ang kaniyang ama. Matangkad din ito. Gwapo rin gaya ni Creed. Napatayo ako at yumuko para agad na bumati. “Magandang tanghali po, Mayor.” I bit my lip. Narinig niya yatang pinagbintangan ko ang anak niya! Kahit nakalapit na siya at nakaupo na sa pinakadulo ng mesa, sa gilid namin ni Creed, ay nanatili akong nakatayo. He motioned me to sit down. “Maupo ka, hija.” “S-Salamat po.” Naghain ang mga kasambahay nila sa mga plato. Konti lang ang pinalagay ko sa akin dahil nahihiya ako kahit na ang totoo ay nagutom talaga ako sa pagligo sa sapa. “How old are you, Miss Lauren?” tanong ni Mayor Eugenio La Senna. “Twenty-three po.” Tumango-tango ito habang kumakain kami. Marami siyang tinanong tungkol sa ‘kin. Nasagot ko ang iba samantalang play safe na lang ang ibang hindi ko mailalantad ang impormasyon gaya ng tunay kong buhay sa Manila. Ang sabi ko ay may business ang pamilya ko sa Maynila. Sinabi kong bisita lang ako nina Ate Aly. Bukod kasi sa mga ito at kay Marcus, wala naman nang ibang nakakaalam sa totoong nangyari sa ‘kin at kung bakit ako narito. Ang alam nila’y malayong kakilala ako ni Ate Aly. Pagtapos kumain ay nagpaalam na rin ang mayor dahil may pupuntahan pa ito sa bayan. “Salamat sa pagsalo sa amin, Miss Lauren. Pumarito ka kahit anong araw mo gusto. Kahit isama mo ang mga kaibigan mo kung meron ay ayos lang,” magaan ang loob na sabi ng don. Malawak akong napangiti. “Salamat po sa pag-imbita at sa masasarap na pagkain, Mayor.” Ngumiti si Don Eugenio habang titig sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang lungkot akong nabasa sa mga mata niya. Hindi na ito nagtagal at nagpaalam na. Nakaramdam ako ng tuwa. Hindi naman pala masungit. Siguro ay nagkataon lang talaga na mainit ang ulo nito kay Creed noong araw na ‘yon. “Salamat dito, Creed,” pasasalamat ko. “Ipapabalot ko ang mga ‘to para madala mo. Wala rin kasing kakain sa mga ‘yan. Sayang naman kung masisira,” aniya at nagtawag ng mga maid. “Nakakahiya naman... ibigay mo na lang sa kanila,” tukoy ko sa kanilang mga tauhan. Lumapit ako sa maid at tumulong sa pagliligpit kahit pinapaalis ako ni Creed at sinasabing hayaan ko ang mga gumagawa. Hindi ako nagpatinag at inabot sa kanilang mga maid ang ibang nasa transparent na lalagyan para bahagian. Masiyadong marami ang mga iyon kung dadalhin lahat. “Dalhin mo na lahat, magpapaluto ako ng para sa kanila. Ihahatid naman kita hanggang sa inyo. Kakilala ko naman si Nay Issa.” Matapos kumain ay sinama niya pa muna ako sa bayan. Ililibre niya raw ako sa isang ice cream shop. Tumanggi pa ako pero pinaharurot niya ang sasakyan paalis. Narating namin ang bayan. Nilibre niya nga ako ng ice cream at kung saan-saan. “Huwag mo sanang mamasamain ang libre ko, Lauren. At huwag kang mag-alala, hindi naman kita nililigawan.” Inunahan niya na ako at sinamahan pa ‘yon ng halakhak. Natawa rin ako sabay hagis sa kaniya sa tissue na inabot niya para mapunasan ko ang sariling bibig sa nagkalat na ice cream. “I already love someone else,” sambit ni Creed at nangiti sa sarili kaya na-curious ako. “Sino?” pang-uusyoso ko. Sa dalas naming magkasama nitong mga nakaraan ay talagang komportable na ako sa kaniyang presensya. And I don’t think that much about him, kaya siguro wala lang sa ‘kin na magkalapit kami ni Creed. “Bakit ko sasabihin?” pang-aasar niya. Usog siya nang usog sa gilid ng bench. May iilang taong dumaraan sa tapat namin dito sa mataong parke sa bayan. Umusog ako para kulitin siya. “Sige na, sabihin mo na. Taga-rito ba?” Hindi siya sumagot. Hindi umiling at hindi tumango. “You love her? Hindi ka pa ba umaamin?” tanong ko. Umiling siya. “Patay na patay pa sa iba, eh... hayaan mo, mapupunta rin sa ‘kin ‘yon balang araw.” Hindi ko maiwasang mapangiti at matawa. Possesive rin ang isang ‘to! Inabot na kami ng paglubog ng araw sa sobrang dami naming napagkwentuhan at pinuntahan. Ang totoo ay first time kong pumunta sa ganito. Siguro ang huli, high school pa ako. Strict kasi ang mga magulang ko lalo na si Mommy Ruella. Ayaw na ayaw nitong lumalabas ako ng bahay. Kapag pumupunta sa mga pasyalan o palaruan, si Louisiana lang ang pwede kong kasama. Kapag may iba lalo na kung lalaki ay hindi pwede. Kaya para akong bata nang isama ako ni Creed sa park. Nawalan na ako ng pakialam kahit maraming tao. Pagod na ako habang nasa passenger seat. Panay ang tawa ko sa mga kwentuhan namin. Malalim akong huminga at sumandal sa headboard nang mapagod. Grabe, gusto ko na lang humilata pag-uwi sa bahay. Sa tagal nga namin ay nag-utos na lang siya sa mansion ng maghahatid ng mga pagkain kina Ate Aly. Magpapaliwanag ako agad pag-uwi. Ayaw kong isipin nilang may namamagitan sa amin nitong si Creed. Halos makatulog ako sa passenger seat. Naalimpungatan lang ako nang huminto na ang sasakyan niya malapit sa kung saan niya ako ibinaba noon nang ihatid niya ako gamit ang kabayo. Madilim na ang paligid. Bumaba si Creed para pagbuksan ako. Inalis ko ang seatbelt at sumunod sa kaniya. “Kung hindi ko alam ang edad mo, iisipin ko na high school ka,” pang-aasar ni Creed kaya tumawa ako. Wala na akong ibang dala ngayon dahil nga naipahatid niya na ang mga pagkain. Hindi na rin siya nagtagal dahil kailangan niya pang bumalik sa bayan at doon siya tutuloy ngayong gabi. “Paano, Lauren? Mauuna na ako, ha. Thanks for today. Sana nag-enjoy ka.” My smile grew wider. “Oo naman! Salamat sa libre at sa pagsama sa ‘kin. Ingat,” paalam ko at kumaway pa nang ibaba niya ang bintana. Bubusina pa sana siya pero mabilis ko na itong pinaalis dahil baka may makapansin pa sa kaniya. Tinanaw ko ang papalayong kotse ni Creed sa maliit na sementadong daan. Malalim akong napahinga at saka tumalikod na para tumuloy pauwi, pero ganoon na lang ang pagkatigil ko nang mapatingin sa puno sa isang tabi na hindi malayo sa kinatatayuan ko. Napaawang ang labi ko nang magtama ang paningin namin ni Seatiel. Nakasandal siya sa puno habang naroon si Cruise. Akala ko pa ay guni-guni ko lang iyon pero nang medyo gumalaw ang buntot ni Cruise ay alam kong totoo ang nakikita ko! Hinahaplos niya ito habang ang isang kamay ay may hawak na namang sigarilyo. Hindi iyon nakasindi. Pinaglalaruan niya sa kaniyang mga kamay habang ang tingin ay nasa gawi ko. Para akong nahuling nagtataksil. Hindi ako makagalaw. Napawi lahat ng bakas ng ngiti ko kanina nang ibaba ako ni Creed. Pati pagod ko, biglang naglaho at nilipad kung saan. “S-Seatiel...” napapalunok na tawag ko at humakbang palapit sa kaniya. Hindi ko siya napansin at ganoon din siguro si Creed dahil madilim sa kinatatayuan niya. How come hindi man lang nag-ingay si Cruise? Palasunod sa may-ari! Kung gumawa ito ng maski kaunting ingay, baka mapansin pa namin ni Creed. Hindi sana namin siya inignora. Hindi nagsalita si Seatiel. Nakasandal pa rin siya roon habang nakatingin sa akin, malamig ang mga mata. Mas kinakabahan ako dahil hindi siya nagsasalita. “K-Kailan ka pa dumating? At saka bakit nandito ka?” Halos magkandabuhol-buhol ang mga salita ko sa lalamunan. Konti na lang yata lalabas na ang puso ko sa kaba sa sama ng tingin niya! Malalim ang paghingang pinakawalan niya. “Sakay,” mahina at malamig niyang saad. “H-Ha?” gulat na tanong ko. Inalis niya sa pagkakatali si Cruise. Nang tumapat sa harapan ko ang kabayo ay napalunok ako. “Saan tayo pupunta? H-Hindi ba pwedeng bukas na lang? P-Pagod kasi ako...” Medyo natigilan siya at nagsalubong ang kilay. Nang tingnan niya ako ay alam ko na agad na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Hindi ko alam na ngayon ko pa siya makikita sa lahat ng araw na naghintay ako! “Sakay, Lauren,” mas mariing sabi niya. Napansin ko ang suot niya. Mukhang kauuwi niya nga lang talaga. Halos matulala ako. He’s wearing a white long sleeve. Nakatupi hanggang siko at bukas ang dalawang butones sa taas kaya bahagyang lantad ang maputi niyang dibdib. Hindi ko mapigilang mamangha sa ayos niya. Nang umakyat muli sa mukha niya ang tingin ko ay muli kong nasilip ang malamig at madilim niyang mga mata. “Hindi ka talaga sasakay?” matamang tanong niya. “Hinahanap na yata ako... nina Ate Aly.” Hindi pa rin ako makabawi sa itsura at ayos niya! He looks so... rich and expensive. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kabayo nang hindi talaga ako sumakay. Sinundan ko siya ng tingin. Nilagpasan niya ako nang kaunti kaya napalingon ako sa kaniya. Akala ko ay mag-uusap kami kaya ganoon na lang ang pagsinghap at tili ko nang bigla niya akong buhatin at isinakay sa taas ng kabayo! “Seatiel!” sigaw ko sabay kapit sa balikat niya nang buhatin niya ako sa bewang! Isang iglap lang ay nasa taas na ako ng kabayo at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Why did you do that?! Paano kung nahulog ako?!” reklamo ko sa kaniya at kumapit nang mahigpit sa kabayo. Hindi siya sumagot at sa halip ay inurong ako. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. A-Anong ginagawa niya?! Huwag niyang sabihing... Halos manigas ako sa ibabaw ng kabayo nang makasampa si Seatiel at pumwesto sa likod ko. Mahigpit niyang hinawakan ang tali ni Cruise kaya napatingin ako sa mga braso niyang halos yumakap sa magkabilang gilid ko. Naramdaman ko agad ang init ng katawan niyang halos kinukulong ako mula sa likod, ang kaniyang matipunong dibdib ay halos masandalan ko, at ang... ang... Nag-init ang buong mukha ko. Maglilikot pa sana ako ngunit idiniin niya ang sarili sa likod ko at nilapit ang bibig sa likod ng tenga ko para bumulong. “Missed me?” mahinang tanong niya. Hindi ko malaman kung ano ang uunahin, ang pakikipag-usap sa kaniya o iyong... iyong... my goodness! B-Bakit gano’n?! Why is it freaking hard?! Halos mangamatis ang mukha ko! Ramdam na ramdam ko siya mula sa likod ko. Hindi ako sumagot na umani ng mahinang tawa sa kaniya. He guided the horse to move forward. He trained Cruise kaya sumunod ito agad. He moved his hips a bit forward, para siguro i-guide ang kabayo, pero halos mapapikit ako sa sobrang pamumula ng mukha ko na hanggang leeg na yata! My knees are now weak. “I didn’t miss you. Ibaba mo na ako, Seatiel,” nangangatal ang boses na usal ko. Kailangan kong pakalmahin ang t*bok ng puso ko or I’ll faint right here! Mahinang tawa lang ang sagot niya roon. Nagsalita siya. His voice is husky enough to give me chills. “Ako, na-miss kita...” marahang sagot niya. His hot breath against my hair and the back of my ear sent me shivers, straight to heaven knows where.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD