Kabanata 24

2954 Words
Malamig na umaga ang gumising sa ‘kin. Nang maalimpungatan ako nang madaling araw ay nasa tabi ko pa si Seatiel. He was hugging me from behind while we’re both asleep. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakatulog. I lost track. Nang muling magising, wala na siya sa kwarto at maayos na ang kalahating parte ng kama. Wala na rin ang kaniyang gamit. There was no trace of his presence here. Walang mag-iisip na narito siya kagabi. Malalim akong bumuntonghininga at napatingin sa side table. Walang kahit anong sulat o anupaman. Talagang umalis lang siya. Napanguso ako pero pinilit kong tandaan sa isipan na makuntento sa kung anong nangyari kagabi, sa mga sinabi niya. Sa ngayon ay wala pa naman akong ibang plano at kakausapin ko pa ulit si Lousiana. “Oh, Lauren? Inaantok ka yata? Hindi ka ba nakatulog?” tanong ni Ate Aly habang nasa sala kami pagtapos mag-almusal. Panay kasi ang hikab ko at pangangalumbaba. Nagi-guilty akong lumingon sa kaniya at inayos ang sarili. “Medyo po, m-marami lang pong iniisip.” Napakibit-balikat siya habang umiinom ng tsaa. “Nawala bigla ang kabayo diyan. Alam ko, nandiyan pa iyon kagabi, eh. Pumunta ba rito si Seatiel?” tanong niya na halos ikaputla ko. “Siguro kinuha niya po kaninang umaga?” sagot ko na lang na ikinatango nito, hindi na ‘yon masiyadong pinansin. Buong hapon ay nasa flower farm ako. Maaga pa kaya naisipan kong diligan ang mga halaman habang naghihintay sa magpi-pick-up ng mga bulaklak at seedlings. Binilin din ng namamahala ng farm na ibigay ko raw ang hinanda niyang gift basket na may lamang mga panggawa ng tsaa. Mukhang importanteng tao ang pupunta dahil may pa-basket. Nakita ko ang laman kanina. Marami at halatang pinaghandaan. Ang gaganda ng mga bulaklak! Manghang-mangha ako habang nagdidilig. Mag-isa lang ako sa buong farm kaya pakiramdam ko tuloy pag-aari ko ang lupa at itong mga tanim. Habang nagdidilig at chinecheck ang mga halaman ay dumating ang isang sasakyan. Pumarada ito sa labas ng maliit at mababang wooden gate ng flower farm. Napatingin ako roon at huminto muna sa pagdidilig. Bumaba ang driver para pagbuksan ang nasa passenger seat. Dumiretso sila papasok sa loob nang makita ako. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino ang lalaki. Si Creed! Siya ang customer? “Miss Lauren?” tanong nito at malawak ang ngiting napatingin sa ‘kin. He checked me from head to toe, at tila nangislap ang mga mata dahil hindi niya inaasahan na magkikita agad kami at ganito kabilis. “Akala ko hindi na tayo ulit magkikita... sa ‘yo ba ang farm na ‘to?” Ngumiti ako at binaba ang watering can. Hinarap ko siya. “Hindi. Pinabantay lang sa akin ng tagapangalaga. Ako ang magbibigay ng mga ipi-pick-up n’yo ngayon.” Namamangha siyang tumango sabay lingon sa lalaking kasama. Nakasuot siya ng medyo formal ngayon. Long sleeves at halatang mamahaling pants. Nangingintab ang sapatos niya. Pati relo niya, mukhang mamahalin. “Pero, Boss Creed, may conference meeting ka pa...” sambit ng lalaking kasama niya. Umiling si Creed. “Sabihin mo ay matatagalan tayo kaya bukas na lang ang meeting.” Gusto pang pumalag ng lalaki pero wala itong magawa lalo na nang lumapit sa ‘kin si Creed at nakiusyoso sa mga bulaklak na dinidiligan ko. Tumalikod na ang kasama niya habang nilalabas ang cellphone para tumawag. “Mukhang may pupuntahan ka yata? Mabilis na lang naman ito. Naayos na ang mga bulaklak at ilalagay na lang sa pick-up. Okay na rin ang mga seedlings,” sabi ko pero tila wala siyang pakialam kahit buong araw pang matagalan ‘yon. “Ayos lang ‘yon. They can wait,” ngisi niya. Hinayaan ko na lang siya. “So, Lauren, gaano ka na katagal dito sa La Esperanza?” tanong niyang halatang curious. “Bata pa ako noong nandito ako. Kakabalik ko lang ngayon. Hindi kita matandaan dito. Halos lahat kasi sa baryo, kakilala ko na noong bata ako. Ikaw lang ang hindi ko natatandaan.” “Hindi ako taga-rito... ang totoo niyan, bisita lang ako nina Ate Aly at Nay Issa,” sagot ko at tinuloy ang pagdidilig na pinapanood niya. Ang sabi niya ay hindi naman daw siya nagmamadali. Nangunot ang noo niya. “Bisita? Hindi ka ba nila kamag-anak?” “Hindi. Long story, eh. Basta napadpad lang ako rito. Hindi naman ako magtatagal. Aalis din ako.” Tumingin siya sa ‘kin na tila nakuha ang interes sa sinabi ko. “Aalis ka rin? Taga-saan ka ba?” “Manila,” simpleng sagot ko. Napatango siya. “Talaga? I think I’ve seen you before... hindi rito sa La Esperanza. Baka nga sa Maynila... hindi ko lang matandaan.” Iginilid niya ang ulo habang titig sa ‘kin, hinahagilap sa isipan kung saan niya ba ako nakita. Medyo natigilan ako at naiwan ang tingin sa mga bulaklak. Nagtagal ang pagdidilig ko sa iisang parte ng halaman at parang may kumabog sa dibdib ko. Napalunok ako sabay higpit ng hawak sa watering can. Napansin iyon ni Creed. “Lauren? Ayos ka lang ba?” tanong niya kaya napabalik ako sa sarili. Naialis ko ang watering can at napaayos ng tayo. Ngumiti lang ako sa kaniya at unti-unting kumalma ang dibdib. There’s no way he knows me... hindi siya pamilyar sa akin bukod noong nakita ko siya kasama ang ama niyang mayor noong magpunta sila sa barrio. Tumigil na ako sa pagdidilig. Niyaya ko siya sa loob ng glass gazebo para ibigay na ang basket. May nakapaligid na mga tanim na bulaklak dito kaya kahit na yari sa salamin ay hindi masiyadong kita ang loob dahil natatakpan ng mga makukulay na bulaklak. Ganoon din mula sa loob ng glass gazebo na maraming flower pots na may malalaking tanim. Napatingin siya sa mesa kung saan ko naiwan ang pinagpapraktisan kanina. Balak ko kasing subukang gumawa ng lavender tea. Hindi ko pa naililigpit dahil hindi ko pa tapos. “Gusto mong... magtsaa?” tanong ko dahil naroon ang tingin niya. Nagliwanag ang mukha ni Creed at hindi pa man sumasagot ay naupo na siya. Natawa ako at napailing. Kinuha ko ang gift basket at inabot sa kaniya bago ako naupo sa katapat na upuan. “Marunong kang gumawa nito?” amused na tanong niya. Kinuha ko ang teapot at nagsalin ng panibagong tubig dito. “Itinuro lang sa ‘kin kahapon. Ito ang unang beses kong gagawin. Pinagpraktisan ko kanina kaso mukhang kaunti ang nalagay ko.” Tinulungan niya ako sa paglalagay sa teapot sa heater base nito. Nilagyan ko ng lavender flowers ang tea infuser at saka pinakuluan ang teapot na yari sa glass. “Can I take off my long sleeve? Mainit pala ang panahon, dapat hindi na ako nagsuot ng ganito,” sambit ni Creed habang medyo nag-aalangang alisin ang kaniyang long sleeve. Nagulat ako na nagpaalam pa siya, bago tumango na lang. Tinanggal niya ang long sleeve at naiwan ang manipis na puting t-shirt sa loob nito. Nakahinga siya nang maluwag at sinabit ang long sleeves sa likod ng kaniyang upuan bago ako hinarap. Malawak siyang ngumiti. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapansin ang dimples niya na lumilitaw sa tuwing ngumingiti siya. Maaliwalas ang presensya ni Creed. Palakaibigan siya at mukhang madalas ngumiti at makipagbiruan. “So, Lauren, ilang taon ka na?” tanong ni Creed habang hinihintay naming kumulo ang tsaa. “Twenty-three,” sagot kong ang paningin ay nasa mga lavender tea. Kailan kaya uuwi si Seatiel? Kung ngayong araw siya aalis, makikita ko kaya siya bago siya umalis pa-Maynila? O baka naman nakaalis na siya? Pero ang sabi niya kagabi, tomorrow night. Ibig sabihin, ngayong gabi siya aalis. “Ako? Hindi mo ba tatanungin?” Humalakhak si Creed kaya napaangat ang mga mata ko sa kaniya. Mukhang hinihintay niya talagang tanungin ko. “Ilang taon ka na?” tanong ko na lang para matahimik siya. Mas natawa siya. “Twenty-eight na ako, Lauren. Galing akong Manila, but my father wants me to enter politics, too. Dito ako magsisimula sa La Esperanza.” Habang nag-uusap kami at umiinom ng tsaa ay napagawi ang tingin niya sa isang sketch pad na nasa sofa kung saan ko ito iniwan kanina. Nahiya ako nang makita niya ang dino-drawing ko. Sobrang na-miss kong mag-drawing at mag-paint. Kaso wala akong mga materyales. All of my painting materials and canvas were in my car, at lahat iyon ay nakuha na. “Marunong ka ring mag-drawing?” tanong ni Creed. Napasandal siya sa kinauupuan at napangiti habang naiiling sa ‘kin. Inabot ko ang sketch pad at tinago. Hindi nakakahiya ang drawing ko kaya lang... si Seatiel ang ginuguhit ko ngayon! Hindi pa naman tapos kaya siguro hindi niya nakilala! O kilala niya ba si Seatiel? Hindi ko naisip iyon. “Do you paint, too?” Tumango ako. “Hindi sa ngayon. Nawalan kasi ako ng materyales... nakita ko nga lang ito diyan at nakihingi ng isang page. Nainip lang ako kanina...” kwento ko. Creed leaned forward. Halos mapunit ang labi niya kakangiti. “Alam mo bang mahilig ding magpinta ang nanay ko? Ang dami niyang naiwang mga gamit, ang iba ay mga lumang kagamitan pa. Hindi na nagagalaw ngayon dahil wala namang gagamit... lahat ay naimbak sa library ng mansion.” Nakuha niya ang interes ko sa sinabi niya. Bigla kong na-miss makakita ng paintings at lalo na ang gumawa nito. Malawak ang ngiti ni Creed nang ibaba ang tsaa. “Kung gusto mo, pwede kang bumisita roon anytime. Parating walang tao sa mansion, mga caretaker lang.” Tumango naman ako habang nangingiti. “Oo naman! Kaya lang... ipagpapaalam ko muna kina Ate Aly, Creed. Nakakahiya kasi kung magpapakalaya ako rito sa La Esperanza, hindi naman ako taga-rito.” Tumango si Creed at sinabing walang problema. Sabihin ko raw sa kaniya kung kailan ko gusto dahil lagi naman daw siyang libre. Hihingin niya sana ang number ko pero sinabi kong wala akong cellphone. Hindi ko naman pwedeng ibigay ang landline nina Ate Aly. “Kung ganoon, ang tagapangalaga na lang dito sa farm ang pagtatanungan ko. Sa kaniya ka magsabi kung kailan. Kahit anong araw ay libre ako,” saad ni Creed nang paalis na siya. Tumango ako habang naglalakad kami patungo sa wooden gate. Padilim na nang umalis siya. Naisakay na sa pick-up ang lahat at handa na silang umalis. Tumawag pa siya ng dagdag na tauhan kanina dahil hindi niya inakalang marami ang ipi-pick-up. Mukhang napag-utusan pala siya ng ama. “Thanks for today, Lauren. Nagustuhan ko ang gawa mong tsaa.” Ngumiti siya at sinampay sa balikat ang long sleeves na wala nang balak isuot. Sinuklay niya ang buhok na nililipad ng hangin. “Magbabantay ka ulit dito?” “Hindi ko sigurado, Creed. Nasa bayan pa rin kasi ang tagapangalaga at mukhang may inaasikaso,” sagot ko. Tumango siya. Nakalabas na kami sa wooden gate at sinabi ng mga nagbubuhat at naglalagay ng mga pots sa pick-up na ayos na ito. Hinarap ako ni Creed. “I hope to see you again, Lauren... Ingat ka sa pag-uwi.” Tumango ako at nagpasalamat. Hinatid ko sila ng tingin at tinanaw ang pick-up na bumusina pa muna bago umalis. Hindi ko maiwasang mapangiti. I feel so light. Hindi na ako basta na lang nakakulong ngayon sa bahay nina Ate Aly. Pinapayagan nila akong lumabas. Nakakatuwa na nakakalakad na ako ngayon sa malawak na field, nalalasap ang sariwang hangin ng probinsiya. Ganoon ang nagdaang mga araw. Hindi na nakapagpaalam pa ulit si Seatiel at mukhang dumiretso na ng Maynila. Ang huli naming pag-uusap ay noong gabing ‘yon na magkasama kami na hindi alam nina Ate Aly. Ayon kay Ate Aly, isang linggo raw si Seatiel sa Manila. Ngunit naging dalawang linggo iyon na walang pasabi kung bakit. Pati siya ay hindi alam kung bakit nagtagal. Isang beses ko lang narinig ang boses niya, noon pang tumawag siya kina Ate Aly, sa unang linggo ng pag-alis niya. Nangumusta lang siya saglit at nagbaba na. Ang dalawang linggo ay mukhang lalagpas pa ng mga araw dahil hanggang ngayon ay wala na siyang paramdam. Kahit sina Margaret ay hinahanap na si Seatiel at kung ano-ano na ang iniisip ng mga kapitbahay nila. Mabilis ang pakpak ng balita. Lahat ‘yon ay inignora ko... naniniwala ako na babalik si Seatiel. He won’t leave. Kung anong mangyayari pagbalik niya ay iyon ang hindi ko sigurado. Sa mga panahong ‘yon ay bumibisita ako sa flower farm. Kapag nagpupunta roon si Creed, sinasama niya ako sa mansion nila. Malapit lang iyon. Maganda at malaki. Halatang mayaman ang nagmamay-ari sa gate pa lang. Hindi mahirap maging kaibigan si Creed. He’s not creepy. Ramdam kong mabuti siya at totoo ‘yon. “This is my mother, Lauren. Donya Soledad.” Creed introduced his mother. Napatingala ako sa malaki nitong painting. Napaawang ang labi ko sa ganda ng babae. It’s a classic portrait. Napakaganda ng babaeng nasa larawan. Sobrang amo ng mukha nito at magaganda ang mga mata. Sa baba nito ay mayroon ngang nakalagay na pangalan ng donya. “Ang ganda niya...” manghang sambit ko habang kumikislap ang mga matang nakatingin sa painting. Ngumiti si Creed. Lumakad pa kami sa loob ng malaki nilang bahay. It’s now modernized, ngunit meron pa rin namang bakas ng old style. Ang yaman-yaman nila. Well, mayaman din naman kami. Pero mukhang doble ang yaman nina Creed. “Tara, ipapakita ko sa ‘yo ang iba pang paintings. Nagpabili ako ng mga bagong materyales at blank canvas. Naisip kong baka gusto mong magpinta kung magawi ka rito...” He sounded a bit embarassed in the last statement. Ako naman ay malaking napangiti. “Ayos lang ba talaga? Hindi ba parang nakakahiya naman kay Mayor? Baka kasi... ayaw niyang napapakialaman itong room ng mama mo.” Ngumisi lang siya. “Hayaan mo iyon. Hindi naman iyon magagalit. Kung magalit man, ako ang bahala sa ‘yo. Ako naman ang susuntukin niyon, hindi ikaw,” biro niya. Niyaya niya ako patungo sa isang malaking library. Halos manlaki ang mga mata ko sa daming lumang libro na maayos pa ring nakasalansan sa mga shelves. Mukhang talagang inaalagaan pa rin ito hanggang ngayon. “May kaunting alikabok. Hindi ka ba allergic?” tanong ni Creed. Ang bait niya talaga! Pati iyon ay naisip niya. “Ayos lang. Hindi ako allergic,” sambit ko at sinundan siya palapit sa mga shelves. Lumakad pa kami para makita ang mga paintings. Sa kaliwang dulong bahagi ng malaki at malawak na library ay may art room. Double door na kahoy ang frames at salamin na ang gitna kung kaya’t nasilip ko ang loob. Minuwestra ‘yon ni Creed. “My mother used to paint in this room. Huwag kang mag-alala, wala namang nagpaparamdam. At mabait ang nanay ko. She died in childbirth complication when she was twenty-three.” “Twenty-three?” gulat na sabi ko. Grabe! Ang agang namatay ng mama niya. Malungkot na ngumiti si Creed. Pumasok kami sa loob. Humahakbang pa lamang ako sa dalawang baitang na patungo sa pinto ay nakaramdam na ako ng labis na lungkot... at the same time ay excited ako na makita ang kabuuan ng loob nito. “Hmm. Eighteen siya nang ipanganak ako. Five years old ako noong namatay siya. I don’t have that much memories of her, pero ‘yong pagpipinta niya lagi rito ang natatandaan ko,” sabi ni Creed. Tumango ako. Mahirap nga sigurong manganak. Delikado iyon kaya saludo talaga ako sa mga nanay. Ang iba sa kanila ay grabe ang hirap na pinagdaanan para lang magsilang ng buhay sa mundong ito. Tumungo kami ni Creed sa loob. Simple na lamang ito. Kulay krema ang mga pader. May mga blank canvas. Sa apat na sulok ng kwarto ay may mga paintings. May ilan na hindi tapos ngunit isinabit pa rin. Lumapit ako sa isang painting na nakakuha sa atensyon ko sa lahat ng mga naroon. Tumingala ako at tumitig dito. May kakaibang lungkot ang gumuhit sa puso ko sa larawan, marahas na mga alon ng dagat ang humahampas sa dalampasigan. Matataas ang mga alon na tumatama sa batuhan. Mukha na nitong sasakupin ang pampang ng isla. The waves sent by the sea seem to be crashing against the shore harshly. My eyes remained on the painting, kahit na noong nagsasalita na si Creed at binabanggit ang tungkol sa isang piano na nasa gilid. “Lauren? Are you okay?” tanong niyang bumalatay ang pag-aalala. Napalingon ako sa kaniya. Gulat siyang napatingin sa mga mata ko. “Bakit ka umiiyak?” medyo nag-panic na tanong niya. “Huh?” sambit ko sabay kapa sa pisngi... Creed was right. Kahit ako ay nagulat. Hindi ko namalayang may tumakas na luha sa mata ko. “Sorry. I just got emotional today. Sa ibang araw na lang siguro ako magpipinta, Creed. At saka mag-i-sketch muna ako. Salamat sa pagpapatuloy sa ‘kin dito...” Isang linggo na akong ganito, maraming iniisip kahit sobrang payapa naman ng lugar at tila ba wala ka nang poproblemahin. Ang sabi nina Margaret, baka magtagal si Seatiel sa Maynila. Baka raw... nahanap na nito ang babaeng dapat sana ay pakakasalan. Maybe the girl changed her mind, at ngayon ay magpapakasal na sila. O baka kasal na? Nasa honeymoon? Baka pagbalik, dala na ‘yong babae. Sabi nila ay iyon daw ang sinadya ni Seatiel sa Maynila, ang hanapin ito. Imposibleng nasasaktan ako. I can’t fall in love that fast! Maybe, I am admiring him too much. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko... hindi ko alam kung anong makakapawi... dahil wala rito ang presensyang hinahanap ko. Without Seatiel’s presence, La Esperanza is just the same as the other places.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD