Prologue

1353 Words
Napaubo ako nang nasinghot ko ng buong-buo ang usok na galing sa electronic cigarette nang lalaking humarang sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang kanyang malalim na titig ay seryosong nakadirekta sa akin bago siya muling bumuga ng usok. The smoke had a strawberry-flavored scent but I didn’t like it one bit. Humalakhak siya at matalim ko siyang tinignan nang matapos ako sa pag-ubo. "Gusto mo ba akong magkaroon ng lung cancer?" mariin kong tanong sa kanya habang pinipigilan ang sarili ko sa pagsigaw. "Of course, I don't," simpleng sabi niya saka ngumisi sa akin. "I don't want you to get sick or die, honey." Tinago niya ang kanyang e-cigarette sa kanyang bulsa pagkatapos ay kumindat. Halos masamid ako kahit wala akong iniinom ng dahil sa endearment na tawag niya sa akin. "Honey?" masuka-sukang sabi ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka ba nandidiri sa tawag mo sa akin?" "And why would I be?" Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Nang dahil sa tawag kong 'yan, alam nilang may relationship tayong dalawa." "Excuse me ah? Pero wala akong natatandaang may boyfriend ako," paglilinaw ko sa kanya. "Porket ba relationship ay boyfriend at girlfriend kaagad? Hindi ba pwedeng friends muna?" tanong niya sa akin. "O baka naman gusto mong maging tayo na talaga?" "Ang lakas talaga ng confidence mo eh noh?" naiinis ko nang sabi. "Syempre'y akala nila na tayong dalawa ng dahil sa corny na tawag mo sa akin. Kung kaibigan lang, dapat pangalan ko or nickname ko ang tawag mo sa akin. Hindi honey. And for your information, wala akong balak na makipagrelasyon sa 'yo." "Not so fast, honey." Umiling-iling siya sa akin at mas ngumisi. "Wag kang magsalita ng tapos. Baka magulat ka isang araw, tayo na." "Ang sabihin mo, baka isang araw, patay ka na dahil malapit na kitang patayin sa sobrang inis ko sa 'yo," sabi ko. He chuckled huskily and I didn't know why I found it so damn sexy. "Hindi na kailangan, honey. Dahil patay na ako..." At bahagya siyang huminto saka inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Patay na patay sa 'yo." Mabilis ko siyang itinulak papalayo sa akin at muling umalingawngaw ang kanyang pagtawa. "Alam mo? Inis na inis na talaga ako sa 'yo," sabi ko habang tinuturo ko siya. "Palitan mo na kasi ng pagmamahal 'yan para hindi ka na mainis sa akin," sabi niya. "Para masaya ako at masaya ka rin. Eh di masaya tayong dalawa. Hindi yung pinapahirapan mo pa ako." "Pinapahirapan kita?" Halos matawa ako. "Ikaw pa ang nahihirapan? Ikaw ba yung araw-araw na iniinis at nab-bwisit? Mukhang enjoy na enjoy ka nga sa ginagawa mo sa akin eh." Ngumiti naman siya sa akin. "Of course, nag-eenjoy ako," sabi niya. "Kasi kahit papaano, kahit sa ganitong paraan nakakausap at nakakasama kita. It's enough for me to be happy, honey." "Ugh! Ewan ko na talaga! Suko na ako sa 'yo, Ramirez. Wala ka ng pag-asang tumino," sabi ko na lang at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya. Dire-diretso akong naglakad papunta sa unit ko. Kung bakit ba naman kasi parehas pa kami ng condominium at ng floor. Mas lalo tuloy minalas ang buhay ko. I had to deal with him everyday na dadaan ako papunta sa unit ko. Pagkadating ko sa tapat ng unit ko'y nakita ko kaagad ang tatlong piraso ng blue roses na nakadikit sa may pintuan mabilis ko itong kinuha saka binasa ang sticky note katabi ng mga rosas. The same as always. It means 'I love you'. -Honey Napahinga naman ako ng malalim at muli siyang tinignan kung saan ko siya iniwan at nakita kong nakatingin siya at nakangiti sa akin habang nakahalukipkip. Kinindatan niya ako at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya saka tuluyang pumasok sa loob ng aking unit. Araw-araw niyang ginagawa ang pagdikit ng three pieces of blue roses sa pintuan ko't ang paglagay ng sticky notes. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na paborito ko ang blue rose. It made him look so creepy. Para siyang stalker ko pero inaamin kong napapangiti niya ako dahil sa mga ganoong simpleng bagay. Gaya na rin ng nakagawian ko ay pinalitan ko na ang tatlong asul na rosas na nilagay ko kagabi sa maliit na vase at pinalitan nitong mga bago saka inipit ang napalitan sa libro ko. Page 459. Ayan ang huling pahina kung saan ko nilagay ang pangatlong asul na rosas. Malapit ng maubos ang pahina ng libro ko't sobrang kapal na nito dahil sa mga nakaipit na rosas. Ilang buwan na rin siya nagtatagal sa pagbibigay sa akin ng rosas. Ang akala ko nga noong una ay trip niya lang pero lumipas na ang ilang buwan, heto at patuloy pa rin. Nang maibalik ko ang libro sa mini bookshelf ay tumunog ang cellphone ko at napangiti ako ng makitang tumatawag si mommy. "Mommy!" masaya akong sabi nang masagot ko ang tawag. "Hello, baby girl," malambing niyang tawag sa akin. Even though I was already in my fourth year of college, I still couldn't get tired of mom calling me a baby girl, especially because I’m her only child. Ang daddy ko naman ay matagal ng nangibang bahay. Six years old pa lang ako'y iniwan na niya kami ni mommy para sa ibang pamilya niya. Mahirap para sa aking tanggapin 'yon dati lalo na't nakikita kong nasasaktan si mommy pero ngayon, wala na sa akin. Tanggap ko na't nakakausap ko pa rin si daddy pati ang mga kapatid ko sa kanya. All is well. Masaya na ako sa kung ano ang meron ako ngayon. "Mommy, glad you called. Hindi po kayo tumawag kagabi," medyo nagtatampo kong sabi. "I'm sorry kung hindi ako nakatawag kagabi, baby girl," paghingi niya ng paumanhin. "Sobrang busy sa work. Daming inuutos ng boss." "Ganon po ba? Papasok pa lang po ba kayo ngayon?" tanong ko at umupo sa sofa. "Yup, papasok pa lang ako. I just want to check on you,” paliwanag niya. “Magpapadala na rin ako ulit bukas para sa mga gastusin mo.” "'Mmy, ang dami pa pong sobra sa account ko. Kahit wag na po muna kayong magpadala,” sabi ko. "Saka po binigyan po ako ni daddy ng ten thousand last week kaya sobra-sobra pa po pera ko." "Mas maganda ng malagay ko kaagad sa account mo dahil baka magastos ko pa 'yon dito," sabi ni mommy. "Anyways, si blue rose guy ba ay present pa rin?" pag-iiba niya ng topic at mabilis akong napasimangot. "'Mmy, talaga po bang wala tayong time na magkatawagan na hindi natin siya mapag-uusapan?" tamad kong tanong. "Well, I can't help it. Kinikilig ako para sa 'yo," natatawang sabi ni mommy. "Siya lang ang nagdare na magpatuloy manligaw sa baby girl ko." "Lilinawin ko lang, mommy," sabi ko. "Hindi po siya nanliligaw dahil hindi ko naman po siya pinayagang manligaw." "Ang ibig sabihin lang no’n ay straight on point siyang manligaw. Hindi yung nagtatanong pa't kapag sinabing ayaw mo ay titigil na. He's not courting you that way," pag-eexplain ni mommy. "Kahit na po, 'mmy. Hindi siya counted as courting dahil hindi ko ina-acknowledge," pagmamatigas ko. Napatawa na lang si mommy sa akin. "Okay. Sabi mo, eh," aniya. "Oh! I have to go now. Baka ma-late pa ako sa work. Take care, baby girl. Mommy loves you so much." "I love you too. Bye." I was feeling super excited after our call ended. I couldn't wait na mag-end na ang semester para makabisita ko na ulit si mommy sa Canada. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita. Miss na miss ko na siya. Nagshower muna ako't nagpalit ng damit saka dinala ang bag ko sa kwarto upang makapagsimula ng gumawa ng assignment nang maisipan kong i-check muna ang aking Twitter. And he never failed to make me smile again. DR @danielramirez: Just seeing her holding the roses I gave her can already make me smile. Have a good night, @scarlettespino You're very annoying but sweet at the same time. You're making me special. I don't know why and it's making me crazy. Kakaiba ka talaga, Daniel Ramirez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD