Chapter 1

2078 Words
Welcome Huminga ako ng malalim at binuksan na ang pintuan upang makapasok na ako sa school. And why am I not surprised? Of course, nandito ngayon si Daniel sa harap ng aking unit. Nakahalukipkip siya habang nakangiting nakatingin sa akin at halatang kanina pa akong hinihintay na lumabas. "Good morning, honey," nakangiting bati niya. "Coffee..." sabi niya at binigay sa akin ang caramel macchiato na binili niya sa cafe sa baba ng condo. Magmula nang malaman niyang paborito ko ang caramel macchiato ay lagi na niya akong binibili nito tuwing umaga kasama na rin ang isang cinnamon waffle. "And cinnamon waffle, of course." Inabot rin sa akin ang isang maliit na brown bag kung saan nakalagay ang waffle. "Salamat sa libreng breakfast, Daniel," pagpapasalamat ko't nilagpasan na siya. Magmula rin ng sinimulan niya akong bigyan ng coffee't waffle sa umaga'y nakasanayan ko na ring huwag ng kumain ng umagahan dahil binibigyan niya naman ako. "Sabay na tayong pumasok," pag-aya niya sa aking sabay pumasok. Ilang beses na niya akong sinubukang ayain papasok pero isa lang ang lagi kong sagot sa kanya. "No thanks, Daniel," sabi ko at sumisip sa caramel macchiato na binili niya para sa akin habang hinihintay ang paglapag ng elevator sa ground floor. "But it's raining," sabi niya. "Mahihirapan kang magcommute. Baka ma-late ka." "Daniel, malapit lang ang campus at isang jeep lang 'yon,” dahilan ko sa kanya. “Wala pang five minutes ay makakarating na ako roon." Bago pa siya makasagot ulit ay tumunog na ang elevator na hudyat na nasa tamang palapag na kami. Mabilis akong lumabas ng elevator at syempre ay nakasunod naman agad sa akin si Daniel para pilitin niya akong sumama sa kanya. "But it's different now, honey," pagpilit niya. "It's raining outside." "Bakit? Lumayo ba ang university dahil umuulan?" sarkastikong tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paglalakad. "Nope. But rain can cause traffic." "Para namang special ang sasakyan mo't hindi siya mai-stuck sa traffic," pagbabasag ko sa kanyang sagot. "Hindi ko naman sinabing hindi nai-stuck sa traffic ang kotse ko pero may iba tayong pwedeng daanan na mas malapit kaysa sa dinadaanan ng jeep," paliwanag niya. "Thanks but no thanks, Daniel." Ngumiti ako't hinarap siya. "Marami pa akong oras at hindi ako mala-late. Kung ako sa 'yo, kuhanin mo na ang kotse mo sa parking dahil baka ikaw pa ang ma-late, okay? Salamat ulit." Nilagay ko muna sa loob ng aking bag ang waffle para mahawakan ko ang payong dahil ang isang kamay ko'y nakahawak sa kape. "Ingat ka na lang," sabi ko bago sumugod na sa ulan upang makasakay na ng jeep. Habang nasa jeep ay nilantakan ko na ang waffle at inubos ko na rin ang kape. Pagkatapos ay itinapon ko ang mga basura sa basurahan sa may harap ng jeep. Hindi ko alam kung may sumpa ba si Daniel pero mukhang nagkatotoo ang iniisip niyang ma-traffic dahil talagang na-traffic nga kami. Pero okay lang dahil meron pa naman akong fifteen minutes at may fifteen minutes grace period pa. Nang makarating naman ako sa school ay bubuksan ko na dapat ang payong ko nang nakita ko si Daniel sa may babaan ng jeep na may hawak na payong. He was waiting for me. Bumaba ak at mabilis niya akong sinalubong upang payungan at inakbayan niya ako para magkasya kaming dalawa sa loob ng kanyang payong nang hindi ako nababasa. Ngunit nang nilingon ko naman siya ay nakita kong nakalabas pala ang kanyang kaliwang balikat sa payong. Huminga ako nang malalim at inakbayan din siya na dahilan kung bakit kami napalapit lalo sa isa't isa. I felt his body slightly get tensed because that was the closest we had ever gotten. But he relaxed eventually and smiled widely. "Nababasa ka na..." sabi ko na lang nang lumingon siya sa akin. Mas lalo naman siyang napangiti. "Thank you." Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Nang tuluyan kaming makapasok sa campus sa mga hallway ay mabilis akong humiwalay sa kanya at isinarado niya naman ang kanyang payong para agad akong mahabol. "Hindi mo man lang ako hinintay," sabi niya nang masabayan na niya ang paglalakad ko. "Doon ka rin naman pupunta, eh," sabi ko na lang. "Exactly!" he exclaimed. "Kaya mas lalong dapat tayong magkasabay maglakad." "Tapos mai-issue nanaman tayong dalawa?" pabalang kong tanong sa kanya. "Ayaw mo no’n?" he asked. "Na-issue ka sa isang Daniel Ramirez?" Sabay kindat niya sa akin. Hinarap ko naman siya at tiningnan ng diretso. "Oo. Ayaw kong ma-issue sa isang Daniel Ramirez," seryoso kong sabi. Nakita kong bahagya siyang napahinto sa aking sinabi at nag-iwas na lang ako ng tingin bago naunang pumasok sa loob ng room. Napabuntong hininga naman ako ng malalim at pumangalumbaba sa aking lamesa nang makaupo na ako sa aking upuan. Ilang saglit lang din ay pumasok na ng room si Daniel kasabay ang prof namin at naupo sa tabi ko kung saan siya naka-assign. Hindi katulad ng nakagawian ay bu-bwisitin niya ako habang naglelecture ang prof namin. Ngayon ay tahimik lang siya at tulalang nakatingin sa harapan. Nang matapos naman ang klase ay nilagay ko na ang aking notebook sa bag kung saan ako nagsulat ng aking notes nang madinig ko ang mga kabarkada ni Daniel. "Dude! Chill daw mamaya sa Chaos," pag-aaya ni Kley. "How ironic, Kley! Chill tapos chaos?" natatawang sabi ni Raymond. "Is it my fault na chaos ang pangalan ng bar?" iritadong sabi ni Kley. Mukhang nagkakapikunan na ang dalawa na lagi namang nangyayari. Hindi nga lang iyon natuloy ang kanilang pagsasagutan nang sumabat na si Daniel. "Stop it, guys," masungit na sabi nito. "I'll go later. Same time?" tanong niya na para bang lagi na silang gumigimik sa labas. Para namang hindi mo alam, Scarlett? Eh, pangalawang bahay na nga ata nila ang mga bars dahil minsan ay mas nagtatagal pa sila roon kaysa sa bahay nila. "So, all set na tayo?" paninigurado ni Kley. "Yup." Tumango si Daniel. "Natawagan mo na ba sila Rico tungkol sa alis?" "Oo. Sila nga ang nagset ng lakad,” sabi naman ni Kley. “Game na tayo, ah? Matagal ng hindi nakakatikim ng masarap na inumin ang lalamunan ko." "Lokohin mo ang mas bata sa 'yo, Kley," pagsabat ni Raymond. "Parang kagabi lang ay nagsend ka sa group chat ng picture ng Red Horse." "Bakit? Masarap ba 'yong red horse?" Iritado pa ring umirap si Kley kay Raymond. "Masarap 'yong mga ginagawa talaga ng bartender. Classic drinks, Ray. Classic drinks." "Tumigil na nga kayong dalawa at baka magkapikunan pa kayo," pag-aawat sa kanila ni Daniel. Sinukbit ko naman na ang bag ko at tumayo na ako sa aking kinauupuan nang muntik na akong mapaupo ulit sa sobrang lapit ni Kley sa akin. "Kley," mariing tawag ni Daniel sa kanya. Ngumiti si Kley sa akin at inayos ang ilang hibla ng buhok kong nakatakip sa mukha ko. Marahan niyang inipit iyon sa likod ng aking tainga. "Ang ganda mo talaga, Scarlett..." malambing niyang sabi sa akin at lumipat ang kanyang kamay sa aking pisngi. "You fcker!" sigaw ni Daniel at bago pa niya mailayo sa akin si Kley ay sumisigaw na ito sa sakit. "Ah! Ah, Scarlett! Masakit! Ah!" sumisigaw sa sakit si Kley habang binabaluktot ko ang kanyang kamay na kaninang nakahawak sa aking pisngi. Kita kong nagpipigil ng tawa si Raymond habang vinivideohan ang ginagawa ko kay Kley samantalang si Daniel ay parang na-estatwa lang sa kanyang kinatatayuan. "Sa susunod na hahawakan mo ko, alam mo na ang mangyayari sa 'yo, okay?" I gave him a sarcastic smile and threatened him with my gaze. Patuloy naman siya sa pagtango. "Oo, Scarlett. Hindi na. Hindi na, please. Let go of my hand!" nagmamakaawa niyang sabi. Ngumisi ako saka binitiwan ang kanyang kamay. "Ugh! I can't feel my hand," reklamo niya at umalingawngaw na ang pagtawa ni Raymond kaya mabilis siyang sinamaan ng tingin ni Kley. "Sa susunod kasi na iinisin mo si Dan, mag-isip-isip ka muna kung sa paanong paraan,” payo sa kanya ng kaibigan. "Shut up, Ray! Just please, shut up," naiinis nang sabi ni Kley habang hinihimas-himas ang kanyang kamay. Lumapit naman sa akin si Daniel at walang pasabing kinuha ang kamay ko na parang sinusuri ito. "Are you okay? Wala bang masakit sa kamay mo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Dude, what the fck?! Ako kaya ang muntik nang mabalian ng kamay,” hindi makapaniwalang pagrereklamo ni Kley at itinaas pa ang kanyang kamay na namumula na dahilan kung bakit muling tumawa si Raymond. Nahihiya ko namang binawi ang kamay ko kay Daniel. "Ayos lang ako,” sabi ko na lang. “Ang kaibigan mo dapat ang tanungin mo.” "Kaya na ni Kley ang sarili niya," sabi niya. "I'm just making sure kung nasaktan ka ba sa p*******t sa kanya." "Ang sabihin mo, tsansing ka lang." Tumawa si Raymond at mabilis na naibalibag sa kanya ni Daniel ang kanyang bag. Buti na lang at mabilis siyang nakaiwas kung hindi ay siguradong sapul siya sa mukha. Si Kley naman ang natawa nang dahil sa nakakatawang reaction ni Raymond. "Tawaan mo pa ako ah.” Mapang-inis siyang ngumisi sa kaibigan. “Ayan ang bagay sa ‘yo.” "Whatever," sabi na lang ni Raymond at nilapag sa table ang bag ni Daniel. Magsasalita sana si Daniel nang may kumatok sa pintuan na dahilan kung bakit ako napangiti. "What's the commotion? Bakit ang tagal nyong tatlo? Gutom na kami," nagrereklamong sabi ni Rico. "Where are the others?" Kley asked him. "Nasa canteen na sila,” Rico replied. “They are already starving.” Napatingin sa gawi ko si Rico. Ngumiti siya at mabilis na pumasok sa classroom saka ginulo ang aking buhok. "Ginugulo ka na naman ba ng tatlong ugok na 'to?" tanong sa akin ni Rico. "Hindi ah," sabay na pagtanggi ni Kley at Raymond. Bahagyang napatawa si Rico bago sinulyapan si Daniel. "Eh, itong isang ‘to?" Turo niya kay Daniel. "I'm not, Rico. Behave ako ngayon," walang pagdadalawang-isip na sabi ni Daniel. Nakuha niya pang humalukipkip bago nagtaas ng kilay sa akin. True enough. Hindi niya naman talaga ako ginugulo ngayon. Behave naman talaga siya. Pero alam kong pagkatapos ng break ay babalik din siya sa dati. "Well that's odd..." hindi naniniwalang sabi ni Rico saka muling tumingin sa akin. "Huwag kang matakot na magsumbong sa akin kapag ginugulo ka nila, ah?" Bahagya naman akong natawa at tumango. "Bakit feeling ko pinagbabantaan mo na kami agad, Rico?" nagtatampong sabi ni Raymond. "Stop with your baby talks, Ray. Kinikilabutan ako," sabi ni Kley at hinimas-himas ang kanyang braso. Napatingin naman sa kanya si Rico at tumitig sa medyo namumulang kamay pa ni Kley na hindi niya pa masiyadong maigalaw. Mukhang napuruhan ko ata. "What happened to your hand, Kley?" tanong ni Rico. "Why don't you ask the girl in front of you, Rics?" sarkastikong sabi ni Kley sa kanya. "The girl has a name, Kley," mariing pagsingit ni Daniel. "Okay... Fine," sabi ni Kley at itinaas ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Why don't you ask Scarlett, Rico? Magaling siyang mambali ng daliri." Natawa naman ulit si Raymond at nakisama na sa pagtawa si Rico. "You did that?" natatawang tanong sa akin ni Rico. Tumango naman ako. Mabilis niya akong inakbayan saka iniharap sa tatlo. "Scarlett Jewel Espino, everyone,” Rico sounded so proud because of what I did. “It runs in the blood, I guess.” "Hoy, Rico. Hindi ibig sabihin na Espino ka rin at pinsan mo si Scarlett ay magkaparehas na kayo," mabilis na pag-angal ni Kley. Tumatango-tango si Raymond. "I hate to say this but I totally agree with Kley on this one." Lahat naman kami napatingin kay Daniel na hinihintay ang kanyang hatol. "Well..." sabi ni Rico at tumingin kay Daniel. "Rico's awesome, too, guys. Nasa genes ng Espino 'yan. Handsome and..." Tumingin sa akin si Daniel saka ngumiti. "... beautiful." Naubo naman si Kley at Raymond na halatang umaapila sa sagot ni Daniel samantalang nag-apir naman sina Rico at Daniel. "Welcome to the family, Dan!” natatawang sabi ni Rico. “Pasado ka na talaga sa akin." Napailing na lang ako sa kalokohan ng mga magkakabarkada. I swear, kung hindi ko lang pinsan si Rico ay mababaliw na ako sa kanila. Sa gitna ng kalokohan, napatingin naman sa akin si Daniel. Kinindatan niya ako saka binigyan ng isang ngiting nagpabilis ng t***k ng puso ko. Trying to ignore the uncomfortable feelings, I looked away and shrug it off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD