┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakaharap lang si Lucio sa kanyang computer screen. Kung ano man ang nasa isip niya, tanging siya lamang ang nakaka-alam. Hindi ito makapag-concentrate sa kanyang ginagawa. Dalawang tao ang pumapasok sa kanyang isipan. Si Natalie at ang kanyang asawa sa papel. Dalawang tao lang na nagbibigay ng napakaraming suliranin sa kanyang buhay. Napahugot ng malalim na paghinga si Lucio, pagkatapos ay tumayo ito mula sa swivel chair at inis na hinablot ang kanyang coat na nakasampay sa sandalan ng kanyang swivel chair. Pinatay niya ang kanyang computer at nagsimulang lumakad palabas ng kanyang opisina. "Nadia, I need you to scrub my schedule clean of all meetings. If anyone inquires, kindly convey that I'm currently unavailable. And unless it's urgent, refrain from contacting me. Is