Episode 1

2014 Words
Hindi mapakali si Bernadette sa kinauupuan nito dahil katabi lang naman niya ang mayabang na si Kaleb. Panay ang sulyap nito sa kanya at ang sulyap na iyon hindi sandali lang kung hindi matagal. His stares makes me annoy. Nothing I can do is to roll my eyes and give him a death glare. He just smile at me seems not affected kahit irapan ko siya o samaan ng tingin. Matigas ang pagmumukha niya. Tumikhim ako ng malakas. “Mr. Nuezca tutal okay na ang usapan nating tungkol sa project siguro naman puwede ka ng umalis. Kanina pa tayo tapos sa meeting natin. Marami pa akong gagawin at aayusing mga papeles.” Diniin ko ang papeles. Totoo naman ang sinabi ko. Marami akong gagawin sa araw na ito. May babasahin pa akong mga dating contract na hindi na naayos ni Fernan bago siya mamatay. “Don’t worry I’m not a hindrance to what you're doing. Ayaw mo may kasama ka?” Sabi nito. Para sa akin hindrance siya sa trabaho ko. Para siyang serial  killer kung makatingin. “I don’t need an audience while I am working. Thank you sa concern mo.” seryoso kong saad. Napaka kapal ng mukha niya. Kahit ano yata ibato mong mga masasakit na salita sa lalaking ito, hindi tatalaban. Konti na lang ang natitirang pasensya ko baka malagot na sa katigasan ng ulo niya. “I’ll be staying here for a while. Promise I will not disturb you.” pangako na wika nito. Nagtagis ang bagang ko sa inis. Kumuyom ang kamao ko. Malalim akong bumuntong hininga. Wala na akong magagawa kung hindi i-endure na lang ang pagmumukha ng lalaking ito. Hindi ko na lamang pinagkaabalahang tingnan si Kaleb. Mukha siyang ewan sa ginagawa niyang pasulyap sulyap sa akin. Napatingin ako ng tumayo si Kaleb habang nasa teynga nito ang cellphone. Mukhang may kausap sa phone. Napatirik ako ng mata dahil ni loud speaker niya kaya rinig ko ang kausap niyang babae. Parang gusto kong sipain palabas si Kaleb ang lalaswa ng mga sinasabi niya sa babae at ang babae naman gustong-gusto naman. My god hindi na nahiya sa akin? Napapikit ako ng mariin dahil inis na inis na talaga ako. Hindi na ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil istorbo ang lalaking ito! “Mr. Nuezca puwedeng sa labas ka na lang? Naiistorbo kasi ako sa ingay niyong dalawa.Hindi ko na magawa ang trabaho ko!” Tumaas ang tono ng boses ko. Nawala na ang pasensya ko sa kanya. “Oh, sorry. Okay.” lumabas din ang walanghiya. Napahinga ako ng maluwag. Makakapagtrabaho na ako ng maayos. Napatingin ako sa papeles na gagawin ko. Bumuga ako ng hangin. Ganito pala ang ginagawa araw-araw ni Fernan. I feel guilty for ignoring him and treat him so bad. I feel sad again for thinking about him. Kahit isang taon na ang nakalipas ngunit parang sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari. Until now I still blame myself I wouldn’t have removed it sana buhay pa siya ngayon. Sana naghintay pa ako ng ilang taon hindi sana ako sumuko. Hindi ko napigilang lumuha. Ang hikbi ko naging hagulgol. I am so sorry honey. Mahal na mahal kita, Fernan. Nagawa ko lang iyon dahil ayokong nakikita kang naghihirap. Napakasakit sa akin makita kang walang malay at tila ba walang buhay. Sumagap ako ng hangin tila ba nahirapan akong huminga dahil sa matinding sakit na nararamdaman ng puso ko. Tumayo ako para pakalmahin ang sarili ko. Bumukas bigla ang pinto kaya tumalikod ako. Lihim kong pinahid ang luha ko sa mata. Mukha na akong ewan sa hitsura ko. Buti na lang wala akong nilagay na make up sa mukha. “Hindi ba sinabi kong umalis ka na. Kailangan kong magconcentrate sa trabaho ko marami pang nakatambak na kailangan kong I-review.” sabi ko habang nakatalikod kay Kaleb. “Are you okay?” tanong nito. Naalarma ako ng lalapit ito sa akin. “I am okay! Umalis ka na pakiusap.” sabi ko sa kanya. Ayokong makita niya akong galing sa pag-iyak. “Okay beautiful babalik na lang ako mamaya.”bigla akong napaharap sa kanya. Nakalimutan kong bagong iyak lang ako kaya may luha pa ang mga mata ko. “What? Huwag ka ng bumalik wala naman tayong pag-uusapan pang importante.” napaatras ako ng lumapit siya as in malapit talaga. “Umiyak ka ba?” inilayo ko ang mukha ko ng hahawakan niya ako sa pisngi. Bahagya ko siyang itinulak. “Hindi ako umiyak. N-napuwing lang ako. Umalis ka na.” I stutter. Hindi ko alam bakit ako nauutal kapag malapit si Kaleb sa akin. Ngunit hindi niya ako sinunod. Hinawakan niya ang pisngi ko. “Why are you crying?” malambing nitong tanong sa akin. Natigilan ako napatitig ako sa kanyang mata. Parang nangungusap, nagmamakaawa. Para akong nagising sa isang panaginip. Itinulak ko siya. Pakiramdam ko kasi nagtaksil ako kay Fernan dahil sa pagtitig sa mata ni Kaleb. “Umalis ka na Mr. Nuezca. I don’t need you here. Kung may meeting muli tayo ipapatawag na lamang kita.” sabi ko. Lumayo ako sa kanya. My hands are shaking, I do not know why? “Okay. Kung may problema ka I’m here for you. I promise to Fe.. I mean I promise I’ll be good from now on.” sabi nito. Hindi na ako kumibo bumalik muli ako sa swivel chair at umupo. Napakapit ako sa kanto ng table ko para kumuha ng suporta. Pakiramdam ko bubulagta na lang ako bigla dahil sa panghihina. Para bang nawalan ako ng lakas ng katawan dahil sa pag-iyak ko. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto. Napasuklay ako sa buhok ko.    DAHIL sa dami ng ginawa ko sa maghapon, isama pa ang pangungulit ni Kaleb sa akin para akong nagmarathon ng ilang kilometro sa pagod. Napasandal ako sa sofa at pinikit ang mata. Alas nuebe na ng gabi ako nakauwi. Siguradong nakatulog na ang dalawa kong anak. “Ate uminom ka muna ng tubig. Mukhang pagod na pagod ka.” sabi ni Luna. Napadilat ako ng mata. Napangiti ako at kinuha ang isang basong tubig. Nilagok ko iyon naubos ko ang laman. Guminhawa ang pakiramdam ko ng maka inom ng malamig na tubig. “Salamat Luna. Pasensya ka na hindi na kita natulungan sa paghahanap sa Tatay mo. Don’t worry kakausapin ko ang kakilala kong detective. Baka matulungan niya tayo sa lead kung nasaan ang Tatay mo.” sabi ko kay Luna. Nalaman kong kaya nagpunta sa Maynila si Luna upang hanapin ang Tatay niya na hindi pa niya nakikita mula ng siya’y ipinanganak. “Ayos lang po ‘yon. Kapag may oras na lang po kayo. “Pangako mahahanap din natin ang Tatay mo.” pangako ko sa kanya. Gusto ko siyang matulungan sa paghahanap. Naging mabuti siya sa amin ng mga anak ko at ni Fernan. NILAGOK ni Kaleb ang alak na lagi niyang iniinom kapag narito sa bar. Napatingin siya sa paligid. Maraming customer ngayon sa bar niya. Bukod sa company na hawak niya mayroon pa siyang ibang business like ang bar kung saan palagi siyang narito. Pinangalanan niya itong Elite Bar. May VIP room na puro mayayaman ang naroon. Mayroon din namang para sa pangmasa tinawag niya itong Caves room. “Mukhang ang lalim ng iniisip natin, ah?” sabi ni Jaxson na kadarating lang kasama nito si Hermes na may kasamang seksing babae at may malaking hinaharap.   “Malalim kasing lalim ng Pacific Ocean.” birong turan ko kay Jaxson. Humingi ako ng isa pang shot sa bartender. “Kayong dalawa anong ginagawa niyo dito sa bar ko?” kinuha ko ang baso at tinungga ko. Gumuhit ang matapang na lasa nito sa aking lalamunan. “Siympre magrelax sa mahabang trabaho. Nakakabagot naman kasi kung uuwi ako ng bahay at makikita ko lang ang apat na sulok ng silid ko. Suck!” sabi ni Hermes. Hinalikan sa labi ang babaeng kasama nito. Napangiwi ako. Hindi na nagbago sa tanda namin hanggang ngayon pambababae pa din ang inaatupag sa buhay niya. “At ikaw Jaxson kumusta naman ang buhay ng mag-isa.” natatawa kong saad. He give me a death glare. Tinungga nito ang baso na may alak. Binaba niya iyon ng marahan. Bumuntong hininga. “ Sad.” tipid na sagot nito sa akin. Inakbayan ko siya. “Suyuin mo para bumalik sa iyo.” payo ko sa kanya. “Hindi ganoon kadali manuyo sa taong sagad hanggang langit ang galit. Siguro hanggang dito na lang kami. Tatanggapin ko naman iyon. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Kaya dapat pagdusahan ko ang lahat ng kasamaan ko.” tumungga muli si Jaxson. “Mahina ka pala. Kung ako sa iyo susuyuin ko ng susuyuin para bumigay. Alam mo ang mga babae kailangan lang ng mabining pagsuyo. Hindi naman bato ang puso nila para habang buhay ka na lang na hindi bibigyan ng pagkakataon.” sabi ko. Naalala ko si Bernadette. Kahit matagal kong gagawin ang pagsuyo sa kanya gagawin ko. Alam kong mapapasa akin din ang puso niya dahil ako naman talaga ang nauna sa kanya hindi si Fernan. Flashback “Berna laro tayo doon!” sabi ko sa kalaro ko. Nakilala ko siya dahil labandera namin ang Nanay niya. Magmula noon naging magkaibigan kami. Palagi siyang sinasama ng Nanay niya kapag naglalaba sa bahay. Natutuwa ako palagi kapag nakikita ko siya. Crush ko kasi si Bernadette. She’s beautiful and very sweet. “Ayoko baka magalit si Nanay hahanapin niya ako,” napanguso ako. Hinila ko ang kanyang kamay at naglakad patungo sa park na may swing. “Baka hanapin ako ni Nanay.” sabi nito sa akin. “Dito lang naman tayo sa park malapit lang naman ito sa bahay namin.” ngumuso si Berna. Pinisil ko ang kanyang pisngi. Ngumiti ako. Natawa si Bernadette sa akin. Nakita niyang wala akong ngipin sa harapan.  “Halika upo ka dito sa swing, itutulak ko.” umupo si Berna sa swing. Bahagya kong itinulak ng makaupo na siya.” masarap sa pakiramdam naririnig ko ang tawa niya. Napalingon sa akin si Bernadette. Nakangiti siya. Sa murang edad na siyam na taong gulang iniibig ko na siya. Pinapangako ko sa sarili kong siya ang babaeng pakakasalan ko kapag malaki na ako. End of flashback “Hindi lang malalim ang iniisip mo Kaleb bingi ka pa. Tulala ka na diyan.” nagtawanan ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan. Kung hindi lang kami lumipat noon sa US hindi malalayo sa akin si Bernadette. “Wala may naalala lang ako.” sabi ko. “Bernadette ba ang pangalan? Hanggang ngayon siya pa rin ba? Trenta ka na Kaleb hindi 9 years old na parang nariyan lang siya. Baka nga may asawa na iyon at mga anak.” napailing si Hermes. “I found her and guess what? We are working together.” manghang tiningnan ako ng dalawa. Tinapik ni Jaxson ang balikat ko. “Ang tanong may asawa na ba siya?” tanong ni Hermes. I nodded. "Iyon lang. Paano iyan hindi mo na maliligawan ang childhood sweetheart mo." natatawang saad ni, Hermes. “Namatay na ang asawa niya. May dalawa silang anak. I don’t care kung may anak na siya tatanggapin ko sila. Kung mahal ko ang kanilang ina, mamahalin ko din sila. Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon, gagawin ko'ng lahat bumalik muli ang pagmamahal niya sa akin.” biglang tumawa ang dalawa. “Kaleb mga bata pa kayo noon para sabihin mong tunay nga ang nararamdaman ni Bernadette sa iyo. Puppy love lang ang naramdaman niya sa iyo. Tsaka matanong ko nakilala ka ba niya ng magkita kayo?” nalungkot ako sa tanong ni Hermes. “No, she doesn’t remember either my name.” tinapik ni Jaxson ang balikat ko. Ayos lang sa akin iyon kung hindi niya ako matandaan. Ang mahalaga sa lahat natagpuan ko na siya. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon. She will be mine again.(COPYRIGHT2021bycoalchamber13)          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD