Hinagkan ko ang pisngi ng bunso kong anak. Napangiti siya. He more look like Fernan than me. Kaya kapag nakikita ko ang anak kong bunso nami-miss ko siya.
“Ate Berna ito pala ang baon mo for lunch may kasama na ding meryenda iyan. Initin mo na lang sa microwave.” ani Luna. Binigay ko sa kanya si Ferdinand. Tsaka ko kinuha ang baon ko para sa tanghalian.
“Salamat Luna hayaan mo kapag nakaluwag-luwag ang schedule ko mamasyal tayo para namanmalibang ka. Nahihiya na ako dahil palagi ka na lang dito sa bahay. Wala na tayong oras para hana..” pinahinto niya ako sa pagsasalita.
“Okay lang ate. Hindi ko pala nabanggit sa iyo na may taong tutulong sa akin. Kakilala siya ni Kuya Braden.” aniya. Napatango ako. Maasahan talaga si Braden sa mahalagang bagay kahit babaero ang lalaking iyon.
“Pakisabi na lang kay Abigail na tatawag ako mamaya sa kanya.” hindi ko na ginising ang anak kong panganay dahil natutulog pa.
“Sige po ate Berna. Ingat po kayo.” bilin nito sa akin.
Pagkababa ng sasakyan ko nagulat ako ng may sumulpot na tao sa harapan ko. Walang iba kung hindi si Kaleb. May hawak itong cup ng starbucks.
“Good morning, beautiful.” hinawakan niya ang braso ko napatingin ako doon. He chuckled. He releases my arm.
“I went here to give you this and to remind you of our meeting.” Sabi nito. Kumunot ang noo ko. Why did he need me to remind? I have my schedule is on my note. I look at him.
“You don't need to remind me, Mr. Nuezca, because I know everything about my schedule for today, tomorrow, and the next day. I have my Secretary to remind me that it is not you..” I stated it directly to his face. He's taken aback by what I've said.
“Perhaps you're just going to forget?” aniya na parang hindi siya sigurado sa sinabi. Natawa ako. Napailing. Tinalikuran ko siya at tumuloy sa paglalakad. Ngunit sinundan niya ako.
“Could you just accept at least this cup of coffee I'm offering you? Don't worry, I'll go once you take the coffee.” napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko siya. Napatingin sa hawak niyang cup. I heaved out a sigh. Kinuha ko ang hawak nitong cup. Napatingin ako sa kanya.
“Thank you,” I said and turn my back and continue walking.
“See you in the meeting beautiful.” pahabol na wika nito. Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Napasuklay sa buhok niya si Kaleb. Nahihirapan siyang paamuin si Bernadette. I think I need to be more patient with her. Hindi ganoon kadaling mapaamo ang babaeng maganda. Napangiti si Kaleb sa naisip.Napailing siya sa sarili.
“Kaleb!” napalingon siya sa tumawag. Napahinto siya sa pagpasok sa loob ng sasakyan niya. Napangiti siya ng makita si Lia, my bestfriend.
“Hey what are you doing here?” tanong ko. Hinagkan ko ang kanyang pisngi.
“May dinalaw lang akong kaibigan sa Velasco Building. How about you what are you doing here?” inangkla niya ang kamay sa braso ko.
“Um. May kinasaup lang din ako, an associate? Um, yeah.” napangiti ako.
“And who?” tanong nito. Gustong mapatirik ang mata ni Kaleb sa tanong ng bestfriend. He knew her.
“I have told you an associate. By the way I have to go I have some meeting this morning. Nice seeing you.” sabi ko. Hinagkan ko ang kanyang pisngi at sumakay na ng sasakyan ko. Nang makaalis ang kanyang sasakyan nakahinga ng maluwag si Kaleb. Napapikit siya ng mariin.
“Damn!” napamura na lang siya habang mahigpit na nakahawak sa manibela.
NAPATINGIN ako coffee na binigay ni Kaleb. Kinuha ko iyon at ininom. Napahinto ako sa paghigop. How did he know I like mocha?.Pinagpatuloy ko ang pag-inom.
Himahanda ko ang mga files na kailangan sa meeting para mamaya. Medyo kabado ako dahil lahat ng board members ay pupunta sa meeting. Dahil meron kaming project na gagawin para sa isang expansion ng company. Iinumin ko pa sana ang kape ng wala na akong mainom. Hindi ko namalayang naubos ko na ang kape.I need to drink more coffee. I'm nervous about the meeting later.
Napasandal ako sa swivel chair. I close my eyes. Ilang oras palang ako nagtratrabaho ngunit parang pagod na ako.
HINDI maiwasan ni Kaleb na titigan ang magandang mukha ni Bernadette. She’s so beautiful. I was jealous of Fernan because Bernadette loved her even though I had the first to know her. Bumalik din ako kaagad dito para bigyan muli ng kape si Bernadette I know she’s nervous for the meeting. I knew her when she’s nervous.
Flashback
Binisita ko si Bernadette sa bahay nila. Tumakas nga ako sa yaya ko dahil ayaw niya akong palabasin. I ride a taxi I used my money to pay. Buti alam ko ang address ng bahay nila Bernadette. Kinuha ko sa Nanay niya. Hindi nga nakahalata dahil may iba akong pakay kaya kinuha ko iyon.
Nagulat si Bernadette ng makita niya ako sa harapan ng pintuan ng bahay nila. Her hair is messy. Mukhang kakagising lang niya.
“Ano’ng ginagawa mo dito Jake?” tanong niya sa akin. Napangiti ako sa tinawag niya sa akin. Well, that’s my first name second name ko lang ang Kaleb. My whole name is Jake Kaleb. Ang alam niya Jake ang name ko dahil iyon din naman ang tawag sa akin ni Mommy. She never calls me Kaleb dahil pangalan ni Daddy iyon. Mommy really hates Dad dahil sa pang-iiwan niya sa amin. Dahil sumama sa ibang babae ang Daddy ko.
“I’m here to visit you. Ayaw mo ba?” napanguso si Bernadette. She’s cute. Niluwagan niya ang bukas ng pinto nila. Pumasok ako sa loob. Maliit lang ang bahay nila. Ang sala ay halos katabi na ng kusina. May isang pinto sa kabilang side. Sigurado silid nila iyon.
“Pasensya ka na sa bahay namin. Maliit lang hindi kagaya sa bahay niyo malaki” sabi nito.
“Ayos lang naman ang bahay niyo. Dalawa lang naman kayo ng Nanay mo.” nakangiting sabi ko. Umupo ako sa kahoy na upuan. Napahawak ako sa tiyan ko ng kumulo ng malakas.
“Kumain ka na ba? Mukhang gutom ka, ah?” natatawang wika ni Bernadette. Napatingin ako sa lamesa nilang maliit. May bowl na nakatakip ang plato.
“Tumakas ka sa inyo? Baka magalit si Mam Vanessa kapag nalaman niyang pumunta ka dito.” umiling ako.
“Hindi siya magagalit na nagpunta ako dito. Magagalit siya kasi hindi ako nagpaalam. Tinakasan ko ang yaya ko.” namilog ang mata ni Bernadette.
“Hala bakit ka tumakas!” mukha na siyang natakot sa sinabi kong tinakasan ko ang yaya. May kinuhang tasa si Bernadette nilagyan ng coffee and sugar. Nilapitan ko siya.
“You’re drinking coffee?” tanong ko sa kanya. Ang bata pa niya para uminom ng kape. We are barely 9 years old.
Tumango si Bernadette.
“Mahilig akong magkape minsan sinasabaw ko sa kanin ang kape. Pero kapag kinakabahan ako napaparami ang inom ko ng kape. Masama ba iyon?” inosenteng tanong niya.
“Masama sa bata ang kape. Mas lalo ka lang makakaramdam ng nerbiyos. Milk na lang ang inumin mo. Wala ba kayong milk?” tanong ko. Napasulyap ako sa kape at asukal. Wala naman akong makitang gatas. Nginitian niya ako. Sumikdo na naman ang puso ko. I think I'm in love with her.
End of flashback
Nakapikit pa din si Bernadette. She doesn’t know I’m here. Marahan ang paghakbang palapit sa kinauupuan niya. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Kumunot ang noo ni Bernadette ng makaamoy ng panlalaking pabango. Bigla siyang napadilat ng mata. Nabungaran ko si Mr. Nuezca na nakatunghay sa akin. Malapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko napaghandaan ang paghalik niya sa akin. Smack lang iyon pero parang isang kasalanan ang ginawa niyang pahalik sa akin. Tinulak ko ang mukha niya. Napaupo si Mr. Nuezca at napasandal sa paanan ng lamesa.
“Ouch!” reklamo nito ng tumama ang noo niya sa edge ng table. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dugo sa noo ni Mr. Nuezca. Napatayo ako habang hawak ko ang dibdib ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Diyos ko hindi ko sinasadya iyon! Siya naman ang may kasalanan. He kisse me although smack lang iyon, hindi pa din tama! Natural lang ang ginawa ko.Napahawak si Mr. Nuezca sa noo nito.
“Are you alright? I am so sorry hindi ko sinasadya. Kasalanan mo naman kung bakit kasi hinalikan mo ako.” paninisi ko sa kanya. Lumuhod ako para tingnan ang dumudugo niyang noo. Napahawak sa ulo si Mr. Nuezca.
“Nahihilo ako.” napasandal ako sa balikat ni Bernadette.
Napangisi si Kaleb sa naisip na plano. Niyakap siya ni Bernadette. Habang siyang sarap na sarap na inaamoy ang bandang leeg nito. I can’t resist of her. I really miss her scent. Mas lalong dinikit ko ang mukha ko sa kanyang leeg.
“Wait tatawagan ko ang Secretary ko!” bibitawan niya na sana ako ng higpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
“Stay here please. Hindi ko kayang wala ka. I mean hindi ko kayang tumayo. Nahihilo talaga ako” wika ko. Sana effective ang drama ko.
“O-okay.” nauutal na wika nito.
I will do everything para bumalik muli sa akin si Bernadette. Lahat ng alaala ni Fernan buburahin ko sa isipan niya at ako na ang mamahalin niya. (COPYRIGHT2021bycoalchamber13)