Chapter 8

1545 Words
FRANCINE NAMULAT ko ang aking mga mata at napansin kung nasa isang hindi pamilyar kuwarto ako. Lahat puti inilibot ko ang tingin ko may nakakabit sa kaliwa kong braso na suwero at may oxygen sa aking ilong. Nasa ospital pala ako saka ko lang naalala ang mga nangyari. Bumukas ang pinto pumasok si Miss Carol. “Salamat naman at gising ka na!” sabi ni miss Carol. “Bakit po ako nandito sino nagdala sa akin sa ospital?” paos kong tanong dito. “Si Miguel ang nagdala sa iyo dito.” Sagot naman sa akin ni Miss Carol sa tanong ko. “Bakit daw po ako na himatay?” tanong ko ulit. “May sinat ka daw at sa sobrang pagod at dahil na rin sa puyat, kaya ka na estress at nagcolaps. Bakit ka naman napupuyat iha, 'di ba wala ka na sa bar at maaga ka na rin nakakauwi? Bakit napupuyat at na i-stress ka parin?” ito naman ang nagtanong sa akin, umiwas lang ako ng tingin dito at hindi sinagot ang tanong niya. “Ano pong sabi ni Sir Nigel, Miss Carol?” pag-i-iba ko dito ng topic. “Nang mahimatay ka agad niyang pinatawag si Miguel, para ipagmaneho kayo ni Sir Nigel, papuntang ospital. Dahil day-off ng driver ni Sir, kahapon. Pagkadala niya sa iyo ay si Miguel na ang pinaasikaso niya at ipinaubaya ka na sakanyan.” saad nito na nakatingin sa akin na may halong panunuri. Napatango naman ako sa paliwanag ni miss Carol. “B-bakit po ganyang kayo makatingin sa akin?” nagtataka kung tanong dito. “Alam mo bang sa limang taon kong pagiging secretary ni Nigel ngayon ko lang siya na kitaan ng concern sa ibang tao, maliban sa akin at kay Miguel.” nakangiti nitong saad sa akin. “Baka po dahil sanay na siya sa kakagalit sa akin, kaya ganoon. Mawawalan na raw siya nang kagagalitan pagnagkataong mawala ako.” pagbibiro ko dito para naman mabawasan ang kakaibang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang pangalan ni Sir, Nigel. “Bahala ka kung iyan ang paniniwalaan mo, by the way sabi nga pala ng doctor ay ipagpahinga mo lang daw iyan at inumin mo ang vitamins na iniresita sa iyo, at 'wag ka na daw magpupuyat at iwasan mong ma-stress. Maliwanag! Magpahinga ka na muna ng isang linggo sabi ng doctor, alam na iyan ni Sir, Nigel, kaya 'wag ka ng mag-alala.” Bilin ni Miss Carol sa akin. Tumango lang ako sa mga bilin niya. Pinalabas na din naman agad ako sa ospital kinahapunan lang noon. Sinamahan din ako ni Miss Carol hanggang sa apartment nina Margo. MAKALIPAS ang isang linggo ay balik naulit ako sa trabaho, bihira na rin akong managinip, dahil iniiwasan ko ng makita ang mga piklat ko sa tuwing nakikita ko kasi ang mga iyon ay lagi ako binabangungot ng nakaraan ko. At ngayon ay papasok na ako sa AC, building madami ang bumati sa akin ng ‘Welcome back frans, francine o Miss Alcantara.’ Taray sikat na ako, hehe. Tumungo ako sa tanggapan ni Sir Nigel at nagsimulang gawin ang gawain ko araw-araw. Kanina pa hulog ng hulog ang ilang mga pirasong buhok sa aking pagkakapusod kaya inayos ko ito at itinali ko pataas. Tiniklop ko din ang aking mangas na sleves at tinanggal din ang aking sapatos para makapaglinis ng ayos. Hindi naman umiimik sa kanyang mesa si Sir Nigel, at patuloy lang itong nagtrabaho. Wala rin akong naririnig na utos nito at hinayaan lang ako nito sa aking ginawa. Nakakakapagtaka! “s**t, hindi ko man lang namalayan na lagpas na sa oras ang pagtatatrabaho ko, dahil busy ako sa mga papeles na pinapatas ko. Mabilis kong na impake ang mga gamit ko at nag-ayos na para umuwi. Pagkababa ko sa building ay nag-abang ako ng taxi ngunit walang taxi man lang akong nakikitang dumaraan. Mag aalas nuwebe y medya na ng gabi at malapit na ring ma-alas dyes. Mabuti na lang ay malapit lang ang apartment ni Margo, kung saan ako nagtatrabaho. Pero syempre kapag nilakad medyo malayo. Pero no choice ako kundi maglakad kaysa abutin ako dito ng hating gabi. Naglalakad akong wala sa mode sa tahimik na kalsada at malayo na ang nilalakad ko nang mapansin ko ang isang kotse na sumusunod sa akin. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad at hinawakan nang mas mahigpit ang aking bag. Hinubad ko ang aking sandalyas na may takong at tumakbo hanggang sa makarating ako sa aking apartment. Hinihingal akong huminto at mabilis na pumasok sa loob at nilock ko ng maigi ang gate at ang pintuan ng bahay. Sumilip ako sa bintana na malapit sa may pintuan. Huminto ang sasakyan ng ilang metro mula sa aking apartment ilang segundo lang ay umalis na din ito agad. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa pagod at takot, sino kaya ang sumusunod sa akin bakit umalis din ito agad. Matapos kong ma-i-lock ang buong bahay ay natulog na akong natatakot pa rin. “Nagtataka ako kung sino ang sumusunod sa akin? Sino kaya iyon, masama ba ito o mabuti?” tanong ko sa isip ko bago ako tulutang nakatulog. Nagising ako dahil sa bangungot na naman, kasabay ng pagtunog nang aking cellphone, tiningnan ko kung sino ang caller ko. Numero lang ito at hindi pa nakaregister sa phonebook ko. Sino ang tatawag sa akin ng dis-oras ng gabi? Kahit natatakot ay sinagot ko ito habang nakalagay sa aking tainga. “Miss Alcantara?" sa kabilang linya. “S-Sir, Nigel?” madiin kong tanong. “Yes, it's me sino pa ba ang gusto mong tumawag sa iyo? But anyway pupunta tayo bukas sa Cebu para sa isang meeting tungkol sa negosyo at kasama ka. Bukas ay pupunta si Manong Caloy diyan para sunduin ka, kaya dapat nakaprepaire kana bago mag 7:00 am. Maliwanag?!” sabi niya at tinapos na ang tawag na hindi man lang ako pinasagot. ‘Tsk. Kahit kailan talaga.’ Samantala. “Boss, si miss Alcantara ngayon ay nakabalik na sa trabaho. Malapit ko na rin makumpleto ang kanyang back ground." sagot ng taong iyon sa kabilang linya. “Mabuti at panatilihin mong nakasubaybay ka sa kanya at sabihin mo sa akin ang bawat galaw niya!” tugon ko dito at tinapos ko ng tawag. KINABUKASAN ala-sais palang ng umaga ay nakagayak na ako baka kasi hindi naman umabot ng alas siyete, e, dumating na si Mang Caloy mahirap na. Nandito ako sa sala nakahiga para kapag busina na si mang Caloy madali na akong makalabas. Nagtataka ako kung paano ni Sir, Nigel. Nalaman ang aking apartment, maya-maya lang ay dumating na ang driver at bumusina na ito, kaya dali-dali akong lumabas at inilock na aking apartment at sinalubong ko ang driver. Tinulungan naman akong bitbitin nito ang aking bag at pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Ang sasakyan ay bumabyahe na patungong buiding ng AC. Nagtaka ako kung bakit may private na eroplano doon, pero sa laki ba naman ng building ay kasya talaga ang eroplano sa ibabaw niyon. Pina-akyat na ako ni Mang Caloy sa rooftop dahil naghihintay na raw doon si Sir Nigel doon. Pumasok ako sa loob ng building wala pangkatao-tao dahil maaga pa naman. Pinaandar ko na ang elevator papuntang rooftop. Pagkarating ko doon ay wala pa naman si Sir, Nigel. Umakyat ako sa loob at namangha ako sa ganda nito, umupo ako sa pinakagitnang upuan na naroon na kasya ang dalawang tao. Sa likod noon ay may isa pang pintuan na tinakpan ng magandang kurtina. Hindi ko na lang inusisa iyon at umupo na lang habang hinihintay ko si Sir na dumating. Naipikit ko ang aking mga mata at hindi nagtagal ay nakaidlip ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog nang magising ako na parang nakalutang sa hangin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakakita ako ng pagkain na malapit sa akin, may nakasadyang mesa sa gitna at doon nakalagay ang pagkain. Nakaramdam ako gutom, inilapit ko ang pagkain malapit sa akin at nagsimulang lantakan ito. “Nandito na kaya si Sir Nigel?” ea isip ko. Tumayo ako matapos kung kumain at naglakad papunta sa kabilang linya ng eroplano upang maghanap ng banyo. Pumasok ako sa daan na nakita ko na natatakpan lang ng kurtina. May dalawang pintuan ang nandoon isang medyo maliit at isang malaki. Alin kaya dito ang banyo ito na kaya ang pinakadulo? Sinilip ko ang pintuang maliit at bumulong.“Ito na kaya ang banyo?” Pero hindi parang stock room iyon. Sinunod ko namang sinilip ay ang malaking pinto ngunit nakasarado iyon. Kaya lang ususira ako kaya pinipilit ko pa rin itong buksan. Hinila ko ang pintuan ng malakas kaya lang nagulat ako ng may isang tao din ang magbubukas sana kaya lang na unahan ko. Na out balance ako ngunit mabuti na lang at naagap ang taong iyon na 'wag akong matumba, nahawakan niya ako sa baywang at napakapit naman ako sa batok nito at na ipikit ko ang mga mata ko dahil sa kaba. Isang pamilyar na amoy ang tumama sa aking ilong at pagkatapos ay iminulat ko ang aking mga mata at isang taong kilala ko ang na agapan akong matumba. Ngunit nakayap naman sa akin ang hubad nitong katawan. “S-Sir, Nigel?” bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD