Chapter 9

1284 Words
FRANCINE NANATILI pa din kami sa ayos na iyon, ako ang unang natauhan kaya naitulak ko siya ng bahagya. Tumikhim ito at nagsalita. "B-bakit ba kasi nang bubukas ka ng pinto ng may pintuan. Hindi ka man lang kumatok." saad nito. "Sorry Sir, akala ko kasi iyan ang restroom. Magbabanyo sana po ako." palusot kong saad dito. "Tsk, kahit kailan ka talaga napa clumsy mo, baka mahimatay ka naman, wala tayo sa lupa para madala agad kita sa ospital." saad nito sa tunong galit. "Halika pumasok ka dito," sabi nito at tuluyang tumalikod at hinayaang nakabukas ang pinto. Sumilip muna ako bago ako pumasok. Napakaganda sa loob nito may higaan na hindi malaki hindi naman kaliitan kasya ang dalawang tao may aparador at may working table. Sinadya talagang gawing personal na pahingahaan ni Sir Nigel, para kung malayo ang pupuntahan makakapagahinga ito. Maluwang din ito at parang kasinglaki ng sala ng apartment ni Margo. Nakahubad baro pa din ito kaya kitang kita ko ang walong pandesal nito este abs ang ganda din ng pangangatawan nito. Hindi maputi pero hindi naman kaitim. Bigla yatang uminit sa kuwarto ni Sir, kanina naman e, malamig? Matapos kong pagsawaang tingnan ang katawan ni Sir ay nagkunyaring nag-u-usisa ako ng mga libro nito na maayos na nakapatas sa bookshelves, nang tumingin ito sa akin. Muntikan na akong mahuli nitong nakatingin sa abs nitong marasap. "Sa susunod 'wag kang basta-basta nangingialam kong naku-curious ka pigilan mo, maliwanag? Sige na bumalik ka na sa puwesto mo at magpapahinga lang ako." Tumango naman ako at dali-dali akong lumabas at bumalik sa aking puwesto. Pagkarating namin sa airport ay agad kami sumakay sa services ng hotel na aming tutuluyan. Nang makarating kami doon ay galit na napapakamot ng ulo si Sir. Nigel. Pinakikinggan ko lang ito habang nakikipag-usap sa receptionist. "Ano, maaga naman ako nangpa receive, bakit iisa na lang ang kwarto na available?" madiing saad nito sa babae na hindi magkahumayaw sa paghingi ng tawad "Sorry talaga sir, iba kasing receptionist ang nakatuka noong nakaraang araw, akala niya ay wala pa nagpapareceirve kaya na ibigay sa iba." saad nito. Napabuntong-hininga naman si sir. Nigel at saka bumaling sa akin. "Okay lang ba sa silid na pinareserve ko ikaw tumuloy?" nag-a-alangang tanong nito sa akin. "Po, ahm. Okay lang naman po sa akin. Pero, okay lang din po ba sa inyo?" nauutal kung tanong dito. "Kaysa naman wala kang matulugang iba. Wala nang ibang hotel dito na maayos pa kaysa sa hotel na ito. Kaya wala na tayong magagawa." saad nito na hindi na ako tiningnan at deri-deristo nang pumasok sa elevator para umaykat na sa tutuluyan nitong unit. Atubili naman akong sumunod dito at iniwan na namin ang ibang bagahi namin dahil dadalhin na lang iyong ng roomboy sa itaas. Pagkarating ko sa aming room ay naligo ako si Sir Nigel habang ako naman ay naiwang nilulunok ang sarili kong laway nang makita kung iisang higaan lang ang naroon, ngunit malaki iyon at kasya ang dalawang tao. Nakita ko namang medyo malaki ang sopa kaya doon na lang ako matutulog mamaya at si Sir Nigel ay sa kama. Para maiwasan ko ang mag-isip ng kung ano-ano ay binuksan ko ang loptop ng kompanyang pinahiram sa akin, dahil may mga files akong dapat e-incode na utos ni Sir. Kakailanganin kasi niya ito bukas. Busy na ako sa pagtatype sa mga email na ipinasa sa akin ni sir, Nigel. Nang lumabas ito sa banyo. Nakatapis na towel ito kaya iniiwasan kong 'wag mapatingin dito at baka kung ano pa ang makita ko. Napalunok ako ng malalim at nagkunwaring sobrang abala ako sa ginagawa ko. Hindi ko na tiningnan pa ito kung ano ang ginagawa ng maramdaman kong nagbukas, sara ang pinto ng banyo kaya nakahinga ako nang maluwag dahil doon ito magbibihis at hindi sa harapan ko, "Pero sayang iyon este ano bang iniisip mo Francine! Ang laswa, manahimik ka na nga lang at tapusin mo na iyang ginagawa mo." sermon ko sa aking sarili at tinapos ko na ang ginagawa ko at natulog na hindi na ko maglilinis ng katawan. Bahala na. Dalawang araw lang kami doon naging okay naman ang lakad namin, hindi niya rin ako nasingahalan at natapos ang pagmemeeting nila na walang naging problema. Ang hirap lang dahil para akong walang kasama dahil sa seryoso at tipid nitong makipag-usap sa akin, nakibo na lang ito kapag may iuutos. Nakabalik na kami sa Maynila ng maayos at matiwasay, dalawang raw na ng nakakalipas. "Francine!" naririnig kong tawag sa akin ni Miguel. Hinawakan ako nito sa mukha at nagsalita. "Are you okay?" tanong niya sa akin, tumango ako ng marahan dito at lumayo ng kaunti. Mahirapan na nasa opisina pa naman kami ni Sir, Nigel ng araw na iyon. Umalis din ito agad dahil may kameeting daw ito na hindi na kailangan ng presinsya ko. Kinagabihan pauwi na ako ng bigla akong hatakin ng isang lalaki. Nagulat ako dito, si Miguel lang pala. Bakit ang hilig-hilig manghatak ng lalaking ito. Natawa naman ito, kaya hinampas ko ito ng hawak kong bag. Napahinto ako sa paghampas dito ng mapansin ko ang isang itim na sasakyan sa likuran ni Miguel malayo ito ng kaunti. Pero kita ko pa ang kabuohan ng sasakyan. Nakilala ko iyon, iyon 'yong sasakyan na sumunod sa akin n'ong nakaraang dalawang linggo pa lang ang nakakalipas. "Sino kaya ang mga iyon? Nagkataon lang bang nakikita ko sila o sadyang ako ang ina-abangan nila. Hinila ko na si Miguel, ang hindi ko sana balak na pagsabay sa kanya ay kinalimutan ko na dahil sa takot. Hindi naman ako nagpahalata sa kay Miguel, nginitian ko na lamang ito. Hindi ako maaaring magpahalatang alam kong ako ang minamanmanan nila, dahil wala naman akong ebidensyang na ako nga talaga ang minamanmanan. Salamat naman kahit papaano ay nandyan si Miguel sa oras na kahit hindi sinasadyang kailangan ko siya ay nandiyan siya sa tabi ko. Pagka-alis ni Miguel ay dali-dali akong pumasok sa gate at ini-lock ko nang maayos ang buong apartment ko bago ako natulog. MAAGA ako nakarating sa company. I guess wala pa si Sir sa opisina nito. Kaya hindi ko muna ito tinimpalahan ng kape, nag-ayos muna ako ng mga nakakalat na papel sa mesa nito at pagkatapos ay lumabas na ako doon. Pumunta ako sa area ni Miss Carol wala pa rin ito. Hindi na kasi ako nakatulog pagkagising ko kaya maaga akong nakapaggayak papasok sa kompanya. Nagsimula akong maglinis doon para pagdating ni Miss, Carol e, magtatrabaho na lang siya, at para matulungan ko na rin ito mamaya pag-dating. Isang oras na dumaan si Miss Carol at si Sir Nigel ay wala pa kaya nagpahinga muna ako at umupo ako sa coffee area at nagtimpla ng kape. Nang biglang dumating si Miguel at kumaway sa akin. Pagkalapit pa lang nito ay umupo ito katapat ko. "Good morming, tara kain muna tayo ng breakfast sabay tayong dalawa habang wala pa si Nigel." Masayang bati nito sa akin at pag-aanyaya. Dahil wala pa naman ang dalawang pinagsisilbihan ko ay nakangiting tumango ako na nagpapatunay ng pagsang-ayon. Kaya lang hindi pa ito tumatayo kaya nagtaka ako. Tiningnan ko ito at nagtanong. "Oh, bakit titig na titig ka sa mukha ko may dumi ba mukha ko?" tanong ko na kinakabahan, baka may dumi nga nakakahiyang kanina pa nakabalandra ang pagmumukha ko sa kanya. "Wala naman, gusto ko lang tingnan ang mga mukha mo lalo na ang mata mo ang ganda kasi." sagot nito at inilapit pa ng kaunti ang mukha nito na parang hahalikan ako nito. Na ikinapula ng pisngi ko, maya-maya lang ay biglang may tumikhim na iki-nalingon namin parihong dalawa ni Miguel. "Sir, N-Nigel?" gulat kong wika sa pangalan ng boss ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD